Inday TrendingInday Trending
Napagdiskitahan Lamang daw ang Kaniyang Anak ng Lalaking Nagpapanggap na Baliw; Makamit pa Kaya ng Pamilya ang Hustisya?

Napagdiskitahan Lamang daw ang Kaniyang Anak ng Lalaking Nagpapanggap na Baliw; Makamit pa Kaya ng Pamilya ang Hustisya?

Isang nakakabulabog na balita ang dumating sa pamilya ni Alfonso nang gabing iyon nang tumawag ang selpon number ng kaniyang anak na si Bryan, ngunit hindi ito ang kaniyang nakausap kung ‘di isang pulis.

“Bakit po, ano po ang nangyari sa anak ko?” kinakabahang tanong ni Alfonso sa kausap na pulis.

“Wala na po ang anak niyo, sir,” anito. “Puntahan niyo na lang po ang mga labi niya sa m*rgue,” anito saka kasunod na ibinigay ang kumpletong address kung nasasan ang labí ng kaniyang anak na si Bryan.

Naguguluhan man ay walang panahon si Alfonso at ang buong pamilya niyang isipin pa kung ano ang nangyari. Agad silang nagtungo sa morgue kung saan naroon ang mga labi ni Bryan. Pagkarating sa naturang lugar ay saka pa lamang nila nakausap ang pulis na may hawak sa kaso nito at saka ipinaliwanag sa pamilya nila kung ano ang naireport sa kanila.

Pauwi na si Bryan, nag-aabang ng masasakyang dyip nang biglang may lalaking lumapit dito at saglit na nag-usap ang dalawa. Nang biglang naging mainit ang usapan at akmang aalis na si Bryan palayo sa lalaki ay biglang tumakbo ang lalaki at pinagsas*ks@k si Bryan. Iyon ang pahayag ng babaeng nakakita nang buong pangyayari. Nahuli naman daw ang krim*nal at pansamantalang nakakulong.

Lubos ang pagluluksa ng buong pamilya sa nangyari sa kanilang bunsong si Bryan. Masyado pa itong bata upang pumanaw, dahil lang sa kagagawan ng isang lalaki. Ayon sa nasabing lalaki, napag-tripan lang daw nitong lapitan si Bryan, tapos hindi sila nagkaintindihan kaya nito pinagsas*ks@k ang binata.

Ngayon ang araw ng paghuhukom kaya naroon ang buong pamilya nila Alfonso upang makibalita sa kung ano nga ba ang tunay na nangyari. Dalawang araw na mula noong nailibing si Bryan, at hindi makakapayag si Alfonso na hindi man lang makamit ng bunsong anak ang hustisyang nararapat rito.

“Mr. Verano, ano nga ba ang tunay mong motibo sa pagp@tay kay Mr. Bryan?” pormal na tanong ng kanilang abogadong si Mr. Fernandez.

Lumingon-lingon muna ito sa likuran nito na animo’y may nakikitang hindi nila nakikita. Saka umaktong tumawa nang malakas at muli’y animo’y may kinakatakutan. Sa madaling salita ay para itong nawala sa sariling katinuan.

“Mr. Verano!” matigas na untag ni Mr. Fernandez sa lalaki.

“W-wala! T-trip ko lang na saks@kin siya. H-hindi ko naman alam na mapap@tay ko siya e,” nauutal nitong wika.

Naikuyom ni Alfonso ang kamao sa labis na inis at galit para sa lalaking nakaupo ngayon sa harapan. Hindi siya naniniwala sa akting nito. Alam niyang nagbab@liw-b@liwan lang ito upang makatakas sa kasalanang nagawa nito sa kaniyang anak.

“K-kaibigan ko si Bryan, ang totoo nagbibiruan lang naman kami nung araw na iyon—”

Hindi na naituloy ni Verano ang nais sabihin dahil sa malakas na suntok ni Alfonso rito, dahilan upang matumba ito at bumagsak sa sahig.

“Ang kapal ng mukha mong umaktong nawawala sa sarili, matapos mong p@tay*n ang anak ko!” gigil na wika ni Alfonso.

Agad namang nagsitakbuhan palapit sa pwesto niya ang kaniyang asawa’t mga anak upang siya’y awatin.

“Pin@tay mo si Bryan! Tapos sasabihin mo na trip mo lang gawin iyon! Naglalaro lang kayo, tapos sinaks@k mo siya nang ilang beses… labing anim na saks@k ang natamo ni Bryan, tapos trip lang? Naglalaro lang kayo?! Ang kapal ng mukha mong hayop kang dem*nyo ka!”

“Dad, tama na. Tama na,” nakikiusap na awat ng kaniyang asawa.

“Kung pwede ko lang gawin sa’yo ang ginawa mo sa anak ko, malamang kanina ka pa pinaglalamayan ngayon. Ang kapal mo! Sisiguraduhin kong makakamit ni Bryan ang hustisyang nararapat sa kaniya!” ani Alfonso, saka tuluyang lumabas sa silid ng korte.

Tumagal din ng ilang buwan ang kaso dahil pinanindigan ni Verano na may sakit siya sa pag-iisip kaya niya nagawa ang karumadumal na kr*meng iyon kay Bryan. Ngunit nanaig pa rin ang batas, dahil hindi ito pumanig kay Verano. Hinatulan ito ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong.

Hindi man maibabalik pa ang nawalang buhay ni Bryan, kahit papaano ay naging masaya pa rin si Alfonso at ang buo nilang pamilya sa pagkakahatol na iyon sa may kakagawan ng pagkawala nito.

“Sana maging masaya ka na at payapa, anak, kung saan ka man naroroon ngayon,” malungkot na wika ni Alfonso sa puntod ni Bryan.

Makalipas ang tatlong buwang pagkakakulong ni Verano ay nabalitaan nilang nagb*gti ito sa loob ng kulungan. Kung ano man ang dahilan nito sa pagtapos sa buhay ni Bryan ay hindi na nila nalaman pa.

Advertisement