Inday TrendingInday Trending
Apat na Batang Lalaki ang Pinalaki at Itinuring na Anak ng Matandang Binata; Mapalaki Niya Kaya nang Tama ang mga Ito?

Apat na Batang Lalaki ang Pinalaki at Itinuring na Anak ng Matandang Binata; Mapalaki Niya Kaya nang Tama ang mga Ito?

Pagod na pagod ang pakiramdam ni Alberto sa maghapong trabaho. Kagagaling lamang niya sa trabaho nang maisip niyang dumaan na sa palengke upang bumili ng ulam panghapunan nilang mag-anak.

Matandang binata… iyon ang bansag ng lahat kay Alberto. Hindi naman siya mapili sa babae, sadyang hindi nga lang siya sinuwerteng makahanap ng para sa kaniya kaya naman inabot siya ng katandaan ay hindi na siya nakapag-asawa pa. Ngunit kahit ganoon ay may apat siyang anak at lahat iyon ay puro lalaki. Mga batang inabandona ng sariling mga magulang at siya na ang tumayong ama at ina sa mga ito.

Kahit hindi niya kadugo ang mga bata ay mahal na mahal niya ang apat na anak-anakan. Sanggol pa lang kasi ang mga ito’y nasa kaniya na at siya na ang tumayong magulang, at bukod pa roon ay hindi naman niya inilihim sa mga anak ang totoong pagkatao ng mga ito.

Hindi totoong magkakapatid ang mga bata, ngunit itinanim niya sa bawat puso ng mga ito na hindi mahalaga ang tunay na magkadugo, dahil ang mas mahalaga’y magkapatid silang apat, kahit na nanggaling silang lahat sa iba’t-ibang mga magulang.

Nasa labas pa lang siya ng bakuran ay naririnig na niya ang sigawan ng mga ito. Sa klase ng sigawang kaniyang naririnig ay alam niyang nag-aaway ang mga ito.

“Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ni Zaren, ang pinakapanganay ng lahat.

“Mas makapal ang mukha mo!” singhal naman na sagot ni Zion, ang pangalawa sa panganay.

“Tama na iyan! Dahil lang sa babae nag-aaway kayo!” sigaw na saway ni Zack, ang bunso.

Ngali-ngaling naglakad si Alberto at agad na pumasok sa loob ng bahay upang saksihan ang nagiging away ng mga anak. Nang makita siya ng apat ay agad itong tumahimik at tila walang nangyaring nagsilapitan sa kaniya at isa-isang nagmano.

Agad na kinuha ni Zack ang mga dala-dala niya, habang si Zaine ay sinundanan ang bunso upang tulungan ito sa kusina. Naiwan ang dalawang kanina’y parang mga dragon sa tapang.

“Anong pinag-aawayan niyo?” mahinahon niyang tanong sa dalawa. “Tama ba ang narinig ko na nag-aaway kayo dahil lamang sa babae?”

“H-hindi naman po sa ganoon papa,” nauutal na paliwanag ni Zaren.

“Pasensya na po kayo, papa,” segunda naman ni Zion.

Binata na ang kaniyang mga anak at hindi niya kailanman masisisi ang mga ito kung dumating man ang araw na may napupusuan na itong mga babae. Hindi niya pipigilan ang bagay na iyon, ngunit ayaw niyang mangyari ulit ang nangyayari ngayon. Dahil lang sa babae ay pwedeng masira ang turingan nila sa isa’t-isa.

Habang tinatanggal niya ang kaniyang suot na sapatos ay hinayaan niya si Zaren na ipaliwanag ang totoong nangyari. Ayon sa kwento nito ay nobya niya ang babaeng nakilala ni Zion sa isang online game. Niligawan ito ng kapatid na walang alam na nobya pala ito ng panganay na kapatid. Ang mas masaklap ay sinagot naman ito ng dalaga, na wala rin yatang alam na magkapatid sina Zaren at Zion. Kung paanong nahuli ni Zaren ang pangloloko ng nobya ay dahil ipinagmayabang ni Zion ang litrato ng nobya sa kaniyang kapatid, dahilan upang magrambulan silang dalawa.

“At dahil sa babaeng iyan, handa kayong magkasakitan na dalawa?” mahinahong tanong ni Alberto sa dalawa. “Ang tagal niyong nagsamang dalawa, hindi man kayo totoong magkadugo, pero sa mga puso niyo ay totoo kayong magkapatid, tapos dahil lang sa isang babaeng salawahan ay masisira ang turingan niyo sa isa’t-isa?”

Nanatiling nakayuko ang dalawa at hindi sumagot. Labing anim na taon lamang si Zaren, habang katorse anyos naman si Zion.

“Maraming babae sa mundo, Zaren at Zion, mas matino pa d’yan sa naging nobya niyong dalawa ngayon. Ang babata niyo pa upang magseryoso,” pangaral niya sa mga anak. “Hindi mo kailangang magalit sa kapatid mo, Zaren, dahil una sa lahat, niligawan niya ang nobya mo at talagang salawahan iyon dahil kahit nobyo ka niya’y sinagot niya si Zion.”

Hindi pa rin umiimik ang mga ito. Nanatili lamang silang nakatayo at nakayuko, tahimik na nakikinig sa pangaral ng kanilang ama.

“Panatilihin niyo ang mabuti niyong turingan sa isa’t-isa mga anak. Kahit hindi kayo totoong magkadugo ay pinalaki ko kayong apat at itinanim sa mga puso niyong tunay kayong magkakapaatid. Hindi naman mahalaga kung ano ang tunay o hindi, basta ang mahalaga’y itinuturing niyo ang isa’t-isa na totoo. Hanggang sa mawala na ako dito sa mundo ay wala akong ibang nais makita kung ‘di kayong apat na hindi nagbabago ang turingan sa isa’t-isa,” aniya.

Gumalaw si Zaren at sumunod naman si Zion upang yakapin siya.

“Sorry papa,” sabay na sambit ng dalawa. “Promise po, hindi na ito mauulit.”

“Dapat lang mgaa anak,” aniya at niyakap ang dalawa.

Lumabas naman sina Zaine at Zack upang makiyakap na rin sa kanila.

“Salamat po sa pagmamahal niyo sa’min, papa. Iniwan man kami ng mga totoo naming mga magulang, salamat at ikaw ang kumupkop sa’min. Babawi po kami sa inyo papa,” ani Zaine.

“I love you, ‘pa,” ani Zaren na ginaya naman ng tatlo.

Silang apat ang kayamanan ni Alberto. Hindi man siya biniyayaan ng asawa, biniyayaan naman siya ng Panginoon ng apat na anak na siyang nagpapasaya sa buhay niya mula noon hanggang ngayon. Sana nga’y kahit wala na siya sa mundo ay manatili ang turingan ng mga ito sa isa’t-isa. Iyon pa lang ay wala na siyang mahihiling pa.

“Mahal na mahal rin kayo ng papa, mga anak,” aniya habang yakap-yakap ang apat na mga anak.

Advertisement