Inday TrendingInday Trending
Construction Worker si Mama

Construction Worker si Mama

Aligaga na si Alice dahil pumatak na naman ang alas dose ng tanghali at wala man lang siyang maihanda sa hapag para ipakain sa kaniyang tatlong anak na nag-aaral. Hindi kasi permanente ang kaniyang extrang paglalaba sa kapitbahay niya. Puro na rin siya bale at halos tatlong buwan na ang kailangan niyang bunuin.

Lagi niyang hiling ay magkaroon ng trabahong maaasahan niya buwan-buwan. Kahit man lang factory worker o kaya’y kasambahay ay kaniyang papatusin para lamang mabuhay ang mga anak. Ngunit sa kasamaang palad, wala ni isa siyang mahanap sa kadahilanang hindi siya pwedeng mag stay-in sa ibang bahay dahil walang mag-aalaga sa kaniyang mga anak.

Nakatulala na lamang si Alice nang maisip niyang humiram na lang muli sa kaniyang kaibigan na si Buknoy. Kahit na patong-patong na nga ang mga utang niya dito, kahit papano ay inaabutan pa rin siya ng mabuting kaibigan.

“Buknoy, pahiram muna ako, kahit singkwenta pesos lang. Wala pa kasing tanghalian sa bahay,” wika ni Alice sa kaibigan.

“Ay sus! Alice! Kung bibilangin ko ang mga utang mo sa’kin baka mayaman na ako. O, heto,” sarkastikong tugon ni Buknoy ngunit inabutan pa rin siya ng isang daang piso.

“Naku, ‘noy. Salamat talaga. Hayaan mo’t babayaran din kita kapag nakahanap na ako ng trabaho,” sambit naman ni Alice.

“Hay, naku! Kailan pa kaya iyon?” pabirong wika naman ni Buknoy.

“Kung maaari lamang ay ipasok kita rito sa trabaho ko eh!” dagdag pa niya.

Dahil sa desperasyon ay sineryoso naman ni Alice ang birong ito ni Buknoy. Mason kasi ito o iyon bang kanang-kamay ng engineer. Alam niyang hindi karaniwang gawain ng babae iyon kaya maaaring hindi siya matanggap. Iminungkahi niya tuloy kay Bukoy na itago na lang ang kasarian niya sa boss at sa mga kapwa-tauhan. Kung hindi siya magpapakita ng kaniyang mukha at makikipag-usap sa ibang mga construction workers, hindi sila mabubuking. Tatakpan na lang niya ng tshirt ang mukha liban sa mga mata at sasabihin na lang nilang pipi siya para hindi siya kausapin.

“Ipasok mo na ako, Buknoy! Kahit isang araw lang. Kilala mo naman ako, malakas ako, saka masipag at matiyaga. Isa pa, kaya kong gawin lahat alang-alang sa mga anak ko ‘no!” desididong sabi ni Alice sa kaibigan.

May bahid ng pag-aalinlangan si Buknoy dahil alam niyang hindi iyon maaari at isa pa ay baka mahirapan si Alice dahil sa bigat ng trabaho. Ngunit dahil sa awa ay pumayag siyang ipasok ang kaibigan sa isang kondisyon. Bawal siya kailanman makipag-usap kahit na kanino at magpakita ng kaniyang mukha. Ganoon din, isang araw lang naman kaya pinayagan na niya ito.

Matapos ang isang araw, naging matagumpay ang lahat. Ipinamalas ni Alice ang kaniyang kasipagan at humanga rito ng lubos si Buknoy. Kaya naman nang humirit pa si Alice na gawing isang linggo ay pumayag na rin siya. Hanggang ang palugit na ito ay tumagal ng tatlong buwan.

Palaging may pagkain sa hapag ng lamesa sina Alice. Ikinatuwa naman ito ng kaniyang mga anak. Ngunit kapalit ng mga panlaman tiyan na ito, ay ang katawan ni Alice na hapong-hapo at mga pasa sa iba’t-ibang parte ng katawan dahil sa kaniyang trabaho. Kapag tinatanong siya ng mga anak kung saan nagtatrabaho, hindi masabi ng ina na siya’y isang construction worker.

Isang malaking iskandalo ang nangyari ng sumunod na araw. Dahil naglabada pa si Alice bago magconstruction ay talagang bumagsak ang katawan nito, at nang hapon ngang iyon ay hinimat*y habang nagtatrabaho. Wala ang kaibigang si Buknoy dahil kinailangan nitong mag-report sa kanilang boss. Kaya naman, rumesponde ang iba niyang mga kasamahan. Doon ay nalaman ng lahat na siya’y isang babae. Gulat na gulat ang lahat nang malaman ito. Mabilis namang kumalat ang balita sa buong barangay. Ang iba’y nadismaya, ngunit marami ang humanga sa kasipagan at tiyaga ng ina. Wika nila, sinong ina nga ba naman ang titiisin ang ganoon kahirap na trabaho para sa kaniyang mga anak?

Nagkamalay si Alice na nasa ospital pa siya. Pagkamulat, una niyang nakita ang kaniyang tatlong anak na halata ang pag-aalala sa kaniya. Kasama rin ng mga ito si Buknoy. Agad naman siyang napaupo nang maalala na nawalan siya ng malay sa mismong trabaho.

“’Noy! Ano’ng nangyari? Nalaman ba nila? Anong sabi nila?” sunod-sunod na tanong ni Alice.

“Oo eh. Nalaman na ng lahat, Alice pati na rin ng amo natin. Napagalitan ako at sinabing hindi ka na raw pwedeng bumalik sa ganoong trabaho,” marahang paliwanag ni Buknoy.

Ikinalungkot ito ni Alice at humingi ng tawad kay Buknoy. Maya-maya’y napansin niya ang mga anak na nakayuko lamang na nakapaligid sa kaniya.

“O, mga anak? Bakit kayo malungkot?” tanong ni Alice sa mga ito.

“Kasi, ‘ma nalulungkot kami dahil ang hirap ng ginagawa mo para sa amin. Tapos hindi man lang namin alam iyon,” wika ng panganay.

“Sorry po, ‘ma kasi pagod na pagod na kayo sa amin at nahihirapan. Pero, ma, sobrang proud po kami kasi ikaw po ang mama namin!” dagdag ng isa.

Ang bunsong anak naman ay mahinang umiiyak sa tabi. Napangiti si Alice nang marinig ito sa mga anak. Ang akala niya’y ikakahiya siya ng mga ito kapag nalaman ang kaniyang trabaho ngunit hindi pala. Niyakap ng ina ang tatlo niyang mga anak.

“Para sa inyo, gagawin ko ang lahat. Mahal na mahal kayo ni mama,” sambit ng ina habang yakap-yakap ang tatlo.

Pagkaraa’y maririnig ang ubo ni Buknoy.

“Alice, magpagaling ka na riyan. Hindi ka na maaaring bumalik pa sa trabaho, pero hep! Huwag ka malungkot dahil sa iba ka na magtatrabaho! Dahil napahanga mo si boss, magsimula ka na raw bilang sekretarya niya tutal naman ay umalis na ‘yung anak niya na dating gumagawa noon!” masayang balita ni Buknoy na noo’y nakangiti.

Tuwang-tuwa ang lahat nang marinig ang magandang balita. Ang ginawang iyon ni Alice ay nagsilbing inspirasyon sa marami na kung gusto, makakaya ang lahat. Lalo na para sa isang ina na gagawin ang lahat mabuhay lamang ang mga anak.

“’Noy! Ano’ng nangyari? Nalaman ba nila? Anong sabi nila?” sunod-sunod na tanong ni Alice.

“Oo eh. Nalaman na ng lahat, Alice pati na rin ng amo natin. Napagalitan ako at sinabing hindi ka na raw pwedeng bumalik pa doon,” marahang paliwanag ni Buknoy.

Ikinalungkot ito ni Alice at humingi ng tawad kay Buknoy. Maya-maya’y napansin niya ang mga anak na nakayuko lamang na nakapaligid sa kaniya.

“O, mga anak? Bakit kayo malungkot?” tanong ni Alice sa mga ito.

“Kasi, ma nalulungkot kami dahil ang hirap ng ginagawa mo para sa amin. Tapos hindi man lang namin alam iyon,” wika ng panganay.

“Sorry po, ‘ma kasi pagod na pagod na kayo sa amin at nahihirapan. Pero, ma, sobrang proud po kami kasi ikaw po ang mama namin!” dagdag ng isa.

Ang bunsong anak naman ay mahinang umiiyak sa tabi. Napangiti si Alice nang marinig ito sa mga anak. Ang akala niya’y ikakahiya siya ng mga ito kapag nalaman ang kaniyang trabaho ngunit hindi pala. Niyakap ng ina ang tatlo niyang mga anak.

“Para sa inyo, gagawin ko ang lahat. Mahal na mahal kayo ni mama,” sambit ng ina habang yakap-yakap ang tatlo.

Pagkaraa’y maririnig ang ubo ni Buknoy.

“Alice, magpagaling ka na riyan. Hindi ka na maaaring bumalik pa sa trabaho, pero hep! Huwag ka malungkot dahil sa iba ka na magtatrabaho! Dahil napahanga mo si boss, magsimula ka na raw bilang sekretarya ng niya!” masayang balita ni Buknoy na noo’y nakangiti.

Tuwang-tuwa ang lahat nang marinig ang magandang balita. Ang ginawang iyon ni Alice ay nagsilbing inspirasyon sa marami na kung gusto, makakaya ang lahat. Lalo na para sa isang ina na gagawin ang lahat mabuhay lamang ang mga anak.

Advertisement