Ikinagulat ng Lahat ang Balitang May Batang Tumalon Mula sa Mataas na Palapag ng Gusali; Isang Lihim ang Maglalantad ng Lahat

Ikinagulat ng Lahat ang Balitang May Batang Tumalon Mula sa Mataas na Palapag ng Gusali; Isang Lihim ang Maglalantad ng Lahat

HeartbreakingInspiringStories

Nayanig ang buong eskwelahan sa balitang may isang estudyanteng tumalon mula sa third floor. Binawian nang buhay ang naturang estudyante dahil sa ginawa nitong pagtalon galing sa mataas na palapag.

Agad namang naisugod ang bata sa Ospital ngunit hindi na talaga ito naabutan nang buhay. Sa taas ba naman ng tinalunan nito’y imposibleng mabuhay pa ito.

Ang daming nagdagsaang katanungan dahil sa nangyari. At lahat ng iyon ay siya ang kinukwestyon, dahil siya ang adviser ng batang tumalon mula sa ikatlong palapag ng gusali.

“Ma’am Grace, hindi ba’t estudyante mo iyong batang tumalon sa ikatlong gusali? Sa tingin mo ma’am, anong naging dahilan nito kung bakit naisipan niyang tumalon?” usisa ni Ma’am Andy ang kaniyang co-teacher.

“Isa rin kaya iyon si Lloyd sa biktima ng bullying rito sa eskwelahan natin?” dugtong naman ni Ma’am Samantha.

Bahagyang nag-isip si Grace sa tanong ng mga kasama at bahagyang tumikhim saka nagsalita. “Wala rin akong nakikitang dahilan, ma’am. Tahimik na bata iyon si Lloyd at mas gustong palaging nasa isang sulok lang, kaya wala akong ideya kung bakit niya iyon nagawa.”

Iyon ang totoo. Masayahing bata si Lloyd at talagang hindi niya lubos maisip na magagawa nito ang bagay na iyon. May mabigat na dalahin ba ang bata sa puso nito? Sa ano’ng dahilan? Sa loob ba ng pamilya nito nagmula ang problema, o dito mismo sa paaralan?

Iyon ang mga katanungang nag-uunahan sa isipan ni Grace. “Nakakatakot na talaga ang isip ng mga bata ngayon. May mga sariling isip na sila’t kaunting problema lang ay [email protected] agad ang pinakaunang pinagpipilian nila,” desperadong wika ni Sir Ramon.Nagkatitigan na lamang silang magkakatrabaho at sabay-sabay na naglabas ng malalim na buntong hininga. Kung anuman ang naging dahilan ni Lloyd upang maisip na tapusin na lamang ang buhay. Sana’y matahimik na ang batang iyon sa kung nasaan man ito naroroon ngayon.

Hapon na siyang bumalik sa kaniyang classroom. Upang malaman ang rason ay sinubukan niyang usisain ang mga kaklase ni Lloyd, baka sakaling may alam ang mga ito sa naging dahilan ni Lloyd. Ngunit bigo siyang makakuha ng impormasyon sapagkat katulad niya’y wala rin daw alam ang mga ito. Nagulat na lang rin ang lahat sa nangyari.

Matapos ang klase ay nagdesisyon si Grace na pumunta sa lamay ni Lloyd, kasama sina Samantha at Ramon. Nilapitan niya ang umiiyak nitong ina at dinamayan. Masakit ang mawalan ng anak, lalo na’t napakabata pa ni Lloyd. “Ma’am, nakita ko po ito sa ilalim ng kama ni Lloyd,” humihikbing wika ng ina ni Lloyd, sabay abot sa kaniya ang nakatuping papel.

Nagtataka man si Grace ay tinanggap niya ang inabot nito at agad na binuklat upang tingnan kung ano ang nakasulat.

“Dahil po sa katabaan ni Lloyd kaya siya palaging inaasar ng mga kaklase niya. Tinatawag siyang baboy, dugyot at kung ano-ano pang panlalait na hindi na niya kinaya kaya naisip na lamang niyang tapusin ang buhay niya,” umiiyak na wika ng ina ni Lloyd.

Iyon ang sinasabi ng sulat kamay ni Lloyd, hindi na nito nakayanan ang depresyong hatid ng mga kaklase nito kaya naisip na lamang nitong tapusin ang buhay.

Niyakap niya ang ina nito upang aluin at pakalmahin. Hindi rin niya napansin na iyon na pala ang nangyayari sa loob ng klase niya. Masayahing bata si Lloyd noong nakilala niya ito at napapansin nga niya ang pananahimik nito sa klase, ngunit hindi naman niya iyon binigyang pansin.

Kung sana’y mas naging mausisa siya, baka nailigtas pa niya si Kurt sa traydor nitong isipan at sariling emosyon.

Saglit lamang sila sa lamay ni Lloyd at umuwi na rin nang lumalim na ang gabi. Ipinangako niya kay Mrs. Nievas na gabi-gabi siyang dadaan sa lamay ni Lloyd.

Kinabukasan ay agad niyang kinausap ang kaniyang mga esudyante tungkol sa nangyari kay Lloyd.

“Ilang beses kong ipinaalala sa inyo na walang magandang maidudulot ang pambu-bully sa kapwa natin. Tingnan niyo ang nangyari kay Lloyd, nagawa niyang tapusin ang buhay niya dahil sa mga masasakit na sa salitang ibinabato ninyo sa kaniya. Sa nangyari kay Lloyd, may napala ba kayo?

Masaya ba kayong nawala siya nang may sama ng loob sa inyo? Class, walang perpektong tao, lahat tayo’y may kapintasan. Tandaan niyo palagi kung ano ang magiging epekto sa iba ang mga binibitawan ninyong salita. Kung hindi niyo ititigil ang ginagawa niyo’y baka may isa pang Lloyd ang gagawa ng ganito sa eskwelahang ito!” mangiyak-ngiyak at galit na wika ni Grace sa kaniyang mga estudyante.

Walang sinuman ang naglakas-loob na magsalita at lahat ay mas piniling manahimik lamang. Sana no’ng una pa lang ay napansin na ni Grace na may dinadalang bigat sa damdamin ang isa sa kaniyang mga estudyante, naagapan at nabigyang payo niya sana si Lloyd.Mula noon ay naging sensitibo na si Grace sa lahat ng tao na nakapaligid sa kaniya. Hangga’t maaari lang sana’y huwag ng madagdagan nang isa pang Lloyd, na mas pinili na lamang tapusin ang sariling buhay dahil hindi na nito nakayanan ang depresyon.

Natutunan ni Grace na sa simpleng pangangamusta at pakikinig sa problema ng iba’y isang malaking bagay na at maaari ka pang makaligtas ng buhay.

Hindi madali ang mabuhay rito sa mundo, pero naniniwala si Grace na napakasarap mabuhay kahit na ang kakambal nito’y paghihirap at puno ng pasakit. Palagi nating iisipin kung ano ang magiging epekto ng mga binibitawan nating salita sa kapwa natin, mas maging sensitibo sa damdamin ng iba.

More Stories