Pinerahan at Ipinagpalit ng Babae ang Nobyo sa Ibang Lalaki; Sobra-sobrang Hirap ang Dinanas Niya sa Ginawa
Nagkakilala sina Darren at Vina sa pinagtatrabahuhang bar ng binata. Regular na kustomer doon ang dalaga at dahil madalas silang nagkikita at nag-uusap ay nahulog ang damdamin nila sa isa’t isa at nauwi sa relasyon. Tumagal ng pitong taon ang pagsasama nila bilang magkasintahan ngunit nakatakda na pansamantalang magkahiwalay ang magsing-irog.
“Ano? Mag-a-abroad ka?” tanong ni Vina sa katipan.
“Oo, labs. Dalawang taon lang naman akong mawawalay sa iyo. Mag-iipon lang ako para sa pagbabalik ko’y magpapakasal na tayo.”
“Dalawang taon? ‘Di ba matagal ‘yon?”
“Mabilis lang ‘yon, labs. Saka palagi naman tayong mag-uusap sa chat at makikita pa rin natin ang isa’t isa sa video call.”
Natuloy sa pag-alis si Darren papuntang Dubai. Dalawang taon ang pinirmahan niyang kontrata. Malaki ang sahod kaya titiisin niya ang dalawang taong pagkakawalay niya sa nobya para sa kanilang kinabukasan.
Nang magtrabaho ang binata sa abroad ay sunod na sunod nito ang lahat ng luho ni Vina. Halos kalahati ng sahod niya ay ibinibigay niya sa nobya. Dahil wala ng mga magulang at mag-isa na lang sa buhay ay ibinuhos niya ang lahat ng kaniyang kita kay Vina at sa pamilya nito.
“Labs, wala na akong pang-grocery. Padalhan mo nga ako ng pera. Pati pala si nanay nanghihingi ng pera para pandagdag puhunan sa sari-sari store niya,” ungot ng dalaga.
“Hayaan mo labs at magpapadala ako agad kapag nakuha ko na ang sahod ko,” tugon ng binata.
“Yehey! Thank you, labs!”
“You’re welcome, labs! Alam mo namang pamilya ko na rin ang pamilya mo.”
Nagpatuloy ang paghingi ng pera ni Vina sa nobyo na ginagastos nito sa pagpapaganda sa sarili. Maluho naman talaga ang dalaga kahit bago pa niya makilala si Darren. Mas lalo pang lumitaw ang pagiging maluho niya nang kumikita na nang malaki ang nobyo sa abroad at palagi siya nitong pinapadalhan ng pera.
“Hello, labs. Gusto ko ng bagong damit. Pupunta kasi ako sa party ng kaibigan ko. Sige na, please!” wika ng dalaga nang tawagan ang nobyo sa cell phone.
“Kakapadala ko lang sa iyo noong isang linggo. Doon mo na lang ibawas ang ipambibili mo ng damit,” sagot ni Darren sa kabilang linya.
“Eh, para sa mga gastusin ‘yon sa bahay at kina nanay. Ayokong mabawasan ‘yon. Gusto kong padalhan mo ako ng perang pambili ng bagong damit, samahan mo na rin ng bagong sapatos.”
Napakamot sa noo si Darren ngunit dahil mahal niya ang nobya ay pagbibigyan niya ito. Pati ang budget niya sa isang linggo ay ipinadala niya kay Vina para maibigay lang ang luho nito.
Pagkalipas ng ilang buwan na pagkakalayo sa isa’t isa ay bigla na lamang nanlamig si Vina kay Darren. Napansin ng binata na hindi na ito tumatawag sa kaniya para kumustahin siya. Nagcha-chat na lang ito sa messenger kapag nanghihingi ng pera.
Isang araw, nakatanggap si Darren ng tawag mula sa matalik niyang kaibigan sa Pilipinas at nawindang siya sa ibinalita nito sa kaniya.
“Pare, huwag ka sanang mabibigla, pero nalaman kong may ibang lalaki nang pinakikisamahan ang nobya mong si Vina. Nalaman ko rin na buntis siya at ikakasal na sa mayamang lalaki,” hayag ng kaibigan sa kabilang linya.
“A-ano kamo?!”
Halos gusto niyang ibato sa dingding ang hawak na cell phone nang matuklasan ang ginawa ng nobya. Nagwala at nagsisigaw siya sa galit at sama ng loob sa panloloko sa kaniya ni Vina. Matapos niyang ibigay rito ang lahat ay malalaman lang niyang nagpabuntis ito sa ibang lalaki at magpapakasal pa! Hindi rin siya makapaniwala na dalawang buwan pa lang nakikilala ni Vina ang lalaking nakabuntis dito. Nakilala raw ng nobya ang lalaking ‘yon sa party ng kaibigan nito. Gayon na lamang ang hinagpis niya dahil ipinagpalit ng nobya ang pitong taon nilang relasyon sa dalawang buwan lang.
Dahil hindi pa tapos ang kontrata niya ay hindi siya makauwi sa Pilipinas para harapin ang nobya kaya ipinagpatuloy niya ang pagkayod sa Dubai at nag-ipon ng pera para pagbalik niya ay saka sila maghaharap ni Vina.
“Magkikita pa rin tayo, Vina. Alam kong magkikita pa rin tayo,” bigkas ni Darren sa isip na may hinanakit pa rin sa dibdib.
Natuloy ang kasal ni Vina sa mayamang lalaking nakilala niya sa party. Ngunit ang langit na inasahan niya ay impyerno pala dahil mahilig palang manakit at mambugbog ang lalaking pinakasalan niya. Hindi lang ‘yon ang hirap na dinanas niya sa kamay ng karelasyon dahil kapag nakikipag-inuman ito ay nagdadala ito ng mga kaibigang lalaki sa bahay nila at pinapag*alaw siya sa mga ito kahit pa nagdadalantao siya!
“Huwag! Pakiusap, George, buntis ako, huwag, maakawa kayo sa akin!” pagmamakaawang hiyaw ni Vina sa asawa at sa mga lalaking lumalapastangan sa kaniya.
Ngunit wala siyang nagawa. Pinilahan siya ng tatlong kainumang lalaki ng kaniyang asawa.
“Okay pala itong misis mo, pare. Kahit may laman na ang tiyan ay masarap pa rin,” kantiyaw ng isang lalaki.
“Da best ang asawa mo. May asim pa,” hirit ng isang kainuman.
“Sa susunod uli, ha, pare. Para makarami,” saad pa ng isa.
“Sabi ko sa inyo, eh. Kahit nakalunok na ‘yan ng pakwan ay puwedeng-puwede pa rin,” natatawang sabi ng asawa ni Vina.
“Mga hayop!” hagulgol ni Vina pagkatapos siyang pagpasa-pasahan ng sariling asawa at mga kaibigan nito.
Wala siyang nagawa kundi ang umiyak sa isang tabi. Nagsisisi siyang pinakasalan ang lalaking dalawang buwan lang niyang nakilala. Inakala niya na ang lalaki ang higit na magbibigay sa kaniya ng mariwasang buhay at kaginhawaan kaysa kay Darren, ngunit hirap at pagdurusa pala ang ibinigay nito sa kaniya.
Mabilis na lumipas ang dalawang taon. Nalaman ni Vina na babalik na sa Pilipinas si Darren. Gusto niya itong makausap para makipagbalikan at kausapin itong tulungan siyang makipaghiwalay sa mapanakit at many*kis na asawa. Inihabilin muna niya sa yaya ang anak niya at palihim na nakipagkita sa dating nobyo. Tinawagan niya ito para magkita sila sa isang restaurant. Pumayag naman ang binata sa gusto niya.
Ilang sandali lang ay dumating na ito sa lugar na pagkikitaan nila. Gulat na gulat siya nang muling makita ang binata. ‘Di siya makapaniwalang asensado na ito. Balita niya ay nakapagpundar na ito ng bahay at lupa at negosyo sa Pilipinas.
“Darren!”
“V-Vina? Ano’ng naisip mo at nakipagkita ka sa akin matapos mo akong lokohin at ipagpalit sa ibang lalaki?” tanong ng binata.
‘Di na napigilan ni Vina na maiyak at ‘di niya namalayan na napaluhod na siya sa harap ng dating nobyo.
“Patawarin mo ako, Darren. Nagsisisi na ako sa aking ginawa. Ang akala ko ay si George ang tunay na mag-aahon sa akin sa hirap at magpapadama sa akin ng totoong kaligayahan, ‘yon pala ay kabaligtaran ang naranasan ko sa kaniya,” naluluhang sambit ni Vina.
“Kasalanan mo ang nangyari sa iyo, Vina. Hindi mo ako hinintay. Ipinagpalit mo ang pitong taong pagsasama natin sa dalawang buwan mo pa lang na nakikilala. Pagkatapos mo akong pakinabangan ay itinapon mo lang ako na parang isang basahan. Ibinigay ko sa iyo ang pagmamahal ko at tiwala, maging ang mga luho mo ay sinustentuhan ko, pero nagawa mo pa rin akong lokohin at ipagpalit sa iba?! Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa puso ko ang sakit na idinulot mo. Pasensiya na, pero hindi na natin maibabalik ang dati. May asawa ka na, anak at kasal na kayo kaya wala ka nang maaasahan sa akin,” hayag ni Darren saka nagmamadaling umalis.
Naiwang luhaan si Vina at labis-labis na nanghihinayang kung bakit pa niya pinakawalan ang tulad ni Darren. Wala na siyang magagawa kundi pagbayaran ang piniling kapalaran at pagdusahan ang kaniyang naging desisyon.