Nerbyos ang Naramdaman ng Isang Guro nang Makitang Tatalon sa Mataas na Gusali ang Isang Estudyante; Halos Maiyak Siya sa Inamin Nitong Dahilan

Nerbyos ang Naramdaman ng Isang Guro nang Makitang Tatalon sa Mataas na Gusali ang Isang Estudyante; Halos Maiyak Siya sa Inamin Nitong Dahilan

HeartbreakingInspiringStories

Tahimik ang buong eskwelahan kaya payapang naglalakad si Teacher Shine sa bawat pasilyo at pakanta-kanta pa. Siguro’y nasa loob na ng silid-aralan ang bawat estudyante dahil wala nang mga makukulit na panay ang takbo at minsan ay nakakabangga pa sa sobrang kalikutan.

Nang mapansin niya ang rebulto ng isang estudyante. Nakatayo ito sa pinakadulo ng gusali, kaya biglang sumingkit ang kaniya mga mata at pilit na inaaninag ng malinaw kung ano ang balak nitong gawin. Ilang segundo rin muna ang lumipas bago naisip ni Teacher Shine ang balak ng dalawang estudyante.

Mukhang balak nitong tumalon sa pinakamataas na palapag pababa, kaya ngali-ngali siyang kumilos, malalaki at mabilis ang hakbang na nilapitan niya ito at buong lakas na hinila, dahilan upang sabay silang bumagsak sa sahig. Hindi na niya pinansin ang sakit ng likod dahil sa pagtama sa matigas na semento. Ang mahalaga ay naligtas niya ang estudyante.

“Ano bang naisip mo’t balak mong tumalon d’yan?!” galit niyang singhal sa batangang estudyante.

Imbes na sagutin siya’y humagulhol ito ng iyak. Kaya niyakap na lamang niya ito at inalo. Nagkagulo ang buong eskwelahan sa nangyari. Kinabahan ang lahat at natakot sa pwede sanang mangyari.

Nang medyo kumalma na ang dalaga’y saka niya ito kinausap at matiyagang pinakinggan ang dahilan kaya naisip nito ang masamang bagay na iyon.

“Iyon po kasi ang sinabi ng boyfriend ko, ma’am,” humihikbing wika nito.

Nakilala niya ang dalagang si Hannah, isang grade 12 student. Ibig sabihin pala ay ilang buwan na lang ay ga-graduate na ito. At kung minalas-malas sana’y paglalamayan ito sa kalokohang naiisip kanina.

“Buntis po kasi ako ma’am. Noong sinabi ko sa kaniya ang bagay na iyon ay nagalit siya at pinagmumura ako. Ang sabi niya’y ipal*glag ko ang anak namin, syempre hindi ako pumayag kasi takot ako sa karma. Kaya niting huli kaming nagkita at nagkausap ay sinabi niyang mas magiging masaya siya kapag nakita niya akong nam*tay. Bakit daw hindi ko subukang tumalon mula rito hanggang pababa, mas ikakatuwa niya raw iyon. Kaysa ang makita akong malaki ang tiyan, dahil sa pagbubuntis, pwedeng ikasira niya sa karamihan,” mahabang paliwanag nito at hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

“At sinunod mo lang ang iniutos niya kaya ginawa mo iyon?” naiinis na sambit ni Teacher Shine.

Tumango ang dalaga na mas lalong nagpainis sa kaniya. Mariing naikuyom ni Teacher Shine ang kamao. Inalam niya ang buong pangalan ng babae saka ang buong pangalan ng nobyo nito. Nais niyang kausapin ito at siya na mismo ang magbubuyag sa sikreto nito, wala siyang pakialam kung masira ang reputasyon nito.

“Sa susunod, Hannah, huwag mong gagawin kung anuman ang inuutos sa’yo ng ibang tao. Ikaw mismo ang magdedesisyon ng mga bagay-bagay para sa sarili mo. Walang ibang pwedeng magdikta sa’yo. Tandaan mo ang sinabi ko ah,” payo niya sa dalaga.

Tumango naman ito at yumakap sa kaniya. Ipinangako niya sa bata na sasamahan niya itong mamin sa mga magulang at nakiusap na huwag na muling gagawin ang ginawa kani-kanina lamang. Nangako naman ito at nanghingi ng paumanhin sa kaniya.

Nang araw rin iyon ay ipinatawag niya sa principal’s office ang nobyo ni Hannah at sinuspende ito ng tatlong buwan, at bukod pa roon ay ipinatawag niya ang mga magulang nito upang personal na makausap at nang malaman din ng mga ito ang pagiging salbahe ng anak. Hindi lang nito niloko at tinakasan si Hannah, ninais din nitong sumakabilang buhay ang dalaga upang makatakas ito sa obligasyon.

Matapos niyang aminin sa mga ito ang ginawa ng sariling anak ng mga ito ay galit na galit ang mga magulang nito sa nalaman at halos itakwil na ang anak sa sobrang kahihiyan.

“Muntik nang tapusin ni Hannah ang buhay niya dahil bukod sa hindi mo siya pinanindigan sa pambubuntis mo sa kaniya’y inutusan mo pa siyang tumalon at tapusin na ang buhay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa anak niyo, Mr. & Mrs. Garcia, pero sa mga oras na ito’y hindi na muna siya papasok sa eskwelahang ito ng tatlong buwan, iyon ay parusa sa kaniyang ginawa,” matigas na wika ni Teacher Shine.

“At nga pala, sana harapin niyo ang magulang ng nabuntis ng anak niyo. Malaking bagay na rin iyong magbigay rin kayo ng sustento, dahil anak din naman ng anak niyo ang ipinagbubuntis ni Hannah,” dugtong ni Teacher Shine.

Inis na inis ang mga magulang ng binata saka tuluyang nagpaalam sa kaniya. Tapos nang gawin ng eskwelahan ang kanilang obligasyon, kaya sana naman ay gawin rin ng mga magulang nito ang obligasyon nilang pagdisiplina sa anak at huwag itong kunsintihin. Minsan, mga magulang lang din ang nagiging dahilan kaya nagiging abusado ang mga anak.

Makalipas ang dalawang linggo mula noong nakasausap ni Teacher Shine si Hannah, ngayon ay muli silang nagkita dahil binisita niya ito sa klase nito at kinumusta. Masaya siya dahil hindi kagaya no’ng una niya itong nakita, masaya na ang mga ngiti nito sa labi, hindi na iyon mukhang pilit kaya halatang totoong masaya na si Hannah, at nagpapasalamat siya sa bagay na iyon. Sana nga’y magtuloy-tuloy na iyon.

Palaging timbangin ang magiging deisyon sa buhay. Piliin palagi kung ano ang mas makabubuti sa’yo.

More Stories