Nagwala ang Ginang sa Salon Dahil sa Palpak Umano na Serbisyo, Nakakamangha Naman ang Ginawa ng May-ari ng Salon
“Ayusin niyo ang buhok ko! Ibalik niyo ang pera ko! Kundi irereklamo ko ang salon niyo nang mapasara na!” sigaw ng isang ginang sa loob ng Kitty Salon. Nagulat ang halos lahat ng nasa loob ng salon dahil sa pagwawala ng ginang. Wala itong pakialam kahit pagtinginan siya sa pag-iiskandalo. Ang gusto niya lang ay maibalik ang pera niya sa ginastos na pagpaparebond. Sinadya niyang basain ang buhok dahil kailangan niya ng pera ngayon. Umakto siyang naiinis sa kapalpakan ng serbisyo ng salon. Sa kabilang banda ay hindi malaman ng mga staff kung paano patitigilin ang ginang. Panay pa rin kasi ang pagbubunganga nito kahit panay na ang pangako nila na aayusin ang buhok niya. “Asan ang may-ari ng salon na ‘to?! Gusto ko siyang makausap ngayon na!” sigaw pa rin nito. Hanggang sa may makita itong isang kabababa lang na bading mula sa itaas ng parlor. “Ikaw bakla, asan ang may-ari nitong salon na ito?! Gusto kong ipatanggal kayong lahat na mga tangang bading. Kamahal-mahal ng binayad ko, ganito lang pala aabutin ng buhok ko!” “Magkano po ba ang binayad niyo, madam?” mahinahong tanong ng bading. “Bakit? Babayaran mo ko? Hindi mo afford bakla! Kung ako sayo tatawagin mo nalang ang amo mo kung gusto mo pang manatili sa trabaho mo!” Ngumiti ang mabait na bading, “Ako po yung owner, madam.” Namewang ang matanda, ngunit bahagyang huminahon, “Aba, ikaw pala ang may-ari. Ibalik mo ang pera ko. Sayang lang ang binayad ko sa inyo! Pumangit lang lalo ang buhok ko.” Sinuri ng may-ari ang buhok ng ginang, “Binanlawan niyo po ba ito agad, Madam?” Bahagyang nasamid ang ginang, “Hindi, bakit?” “Mukha po kasing nabasa agad, Madam.” Nagmura ang ginang at galit na galit na sumigaw, “Lintik ka, pinagbibintangan mo ba ako?!” Ngumiti at umiling ang may-ari, “Hindi po, Madam. Para alam lang po namin yung cause ng pagkakakulot ng buhok niyo.” Umismid ang ginang, “Wala na akong pakialam sa cause-cause na ‘yan hindi niyo ba alam na customers are always right?” Maigi nalang ang nag-research muna siya maigi ukol sa karapatan niya bilang customer. Nagpatuloy pa siya sa pagmumura at pang-iinsulto sa mga parlorista ng salon. Doon tila napuno na ang may-ari ng salon. “Madam, customers may not be always right. But we believe that customers are always our priority.” Maya-maya’y kumuha ito sa kaha ng maraming pera at iniabot iyon sa kanya, nagningning ang kanyang mga mata. “Ito po, Madam kabayaran po sa mali umanong nagawa ng staff ko sa inyo.” “Sobra na ito sa binayad ko noon,” kunwa’y sabi niya. “Okay lang madam. Kunin nyo na po. Kompensasyon namin sa maling nagawa ng salon ko sa inyo,” hinawakan nito ang kamay niya at sinserong tumingin sa kanya, “Pero sana naman madam, kung may nagawa silang mali sa inyo, huwag niyo gawing dahilan iyon para maliitin ang pagkatao nila. May damdamin rin po sila at nasasaktan bilang tao.” Natahimik siya sa sinabi nito. Kaya naman nagpatuloy ang may-ari sa pagsasalita, “Hindi man po sila perpekto, pamilya pa rin po ang turing ko sa kanila. At ayaw ko silang nasasaktan.” Hindi malaman ng ginang kung ano ang mararamdaman. Iniwan niya ang pera at nagmadaling lumabas ng salon. Hindi nakaligtas sa mga mata ng ibang tao ang kagaspangan ng ugali niya. Mas lalong sumama ang tingin niya sa sarili dahil alam niya sa loob niya na isa siyang manggagantso. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.