Inday TrendingInday Trending
Tinulungan ng Isang Binata ang Matanda sa Gitna ng Bagyo, Walang Nag-akalang Konektado Pala Sila sa Isa’t Isa

Tinulungan ng Isang Binata ang Matanda sa Gitna ng Bagyo, Walang Nag-akalang Konektado Pala Sila sa Isa’t Isa

Panahon na naman ng kabagyuhan. Hindi tuloy magkandaugaga si Lola Lorena sa kanyang mga paninda. Halos liparin na ang mga tinda niyang laruan sa may tabing-kalsada. Bigla kasing lumakas ang hangin at ulan at dahil doon ay halos pati siya ay liparin sa kalsada. Hindi kinaya ng payat niyang katawan ang malakas na hangin kaya naman humingi na siya ng tulong sa mga taong dumaraan. “Toy, pakitulungan naman ako. Nililipad kasi ang mga paninda ko at nahihirapan akong pulutin isa-isa.” Sa halos ilang tao yatang hiningan niya ng tulong ay walang pumansin sa kanya. Ang karamihan ay nagbingi-bingihan, samantalang ang iba naman ay walang pakialam dahil kanya-kanya na rin ang pagsilong sa bubong. Nawalan na ng pag-asa ang matanda. Hindi niya na alam kung paano ang gagawin sa kanyang mga paninda. Utang na nga lang ang pinuhunan niya sa mga ito ay luging-lugi pa siya dahil nalubog na ang karamihan sa baha. Sumabay na lamang ang mga luha niya sa pagbagsak ng ulan. Nawalan na siya ng pag-asa. “Siguro nga’y kapag mahirap ka’y wala nang mag-aabalang tulungan ka.” Tiniis ng matanda na pulutin isa-isa ang kanyang mga paninda. Hanggang maramdaman niya ang mga brasong umalalay sa kanyang nanghihinang katawan. “Lola, ako na po.” Napatingin siya sa lalaking nagsalita at ganoon nalang ang pagkagulat niya nang makita ang magarang kasuotan nito. Naka-amerikana ngunit walang dalang payong. Tila nagmadali itong bumaba mula sa magarang kotse nito. “Naku, hijo huwag mo na akong intindihin. Sayang ang ganda ng damit. Mababasa at mapuputikan ka lang,” nahihiyang ika ng matanda. Ngunit imbes na iwanan siya ay nanatili pa rin ito sa tabi niya at tinulungan siya. Sinakay pa nito sa sasakyan nito ang mga basang paninda niya, “Hijo, hiyang-hiya na ako sayo. Sobrang kabutihan ang pinakita mo sa akin. Sana pagpalain ka pa ng Panginoong Diyos.” “Wala po ‘yun ‘La. Mabuti nga po at muntik akong matirikan kanina, dahil doon ay nakita ko po kayong nahihirapan kanina. Masaya po ako na natulungan kayo, Lola.” Napangiti sa kabutihan ng lalaki. Kahit na napakagwapo at mukha itong mayaman ay walang kasingbait ito. Kahit kakakilala lang nila ngayon ay napakagaan na ng loob niya sa binata. “Saan ka ba patungo, hijo?” tanong niya dito. “Sa may Cubao lang po, ‘La,” magalang pa rin na tugon nito. “Anong gagawin mo doon?” tanong niya. “Ngayon po kasi ang nakatakdang pagpapakilala sa akin ng girlfriend ko sa lola niya.” Natuwa siya, “Ganoon ba? Napakaswerte naman ng nobya mo sa sobrang kabaitan mo. Sigurado akong magugustuhan ka rin ng lola niya, hijo.” Napangiti ang lalaki, “Salamat po, Lola. Pinalakas niyo po ang loob ko. Sa katunayan po kasi ay kanina pa ako kinakabahan.” Tinapik niya ang braso nito, “Sa kabaitan mo hijo, walang taong hindi ka magugustuhan. Ano bang pangalan ng nobya mo?” “Lorraine Magsakay po.” Napangiti si Lola Lorena saka tuwang-tuwang hinawakan ang kamay nito, “Alagaan mo ang apo ko, hijo.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement