Paaalisin ng Magkakaibigan na Ito ang Kapitbahay Nilang Salot sa Lipunan; Yuko Silang Lahat Nang Magkaharapan sa Barangay

“Hay naku, Benjie, nakapako na naman ‘yang mata mo sa haliparot nating kapitbahay. Kailan niyo kaya titigilan ang kakapantasya sa babaeng iyan! Laspag na laspag naman na ang katawan!” sigaw ni Aida sa kaniyang mister.

“Hayaan mo na, live show kasi kaya nanunuod ang mga tao. Mahal, dati ganyan ka rin kasexy bago ka manganak,” natatawang sagot naman agad ni Romy habang abala pa rin sa pagtanaw sa kapitbahay nila na nag eensayo na naman ng pagsasayaw nito.

“Simula na lang talaga nung dumating ang babaeng iyan sa lugar natin ay wala na kayong ginawa kung ‘di tumitig diyan! Mga deputr!s kayong lahat!” inis pa lalo na bulyaw niya sa mister sabay hampas ng tuwalya sa likod nito. 

Tinawanan lamang siya ng lalaki. Dali-dali namang lumabas si Aida upang puntahan ang kaniyang mga kaibigan.

“O, ayan na naman, nagsho-show na naman ‘yang si Lala. Hindi ko nalang din talaga alam anong gagawin ko sa asawa ko kasi siya na lang din lagi ang binabantayan! Alangan naman daw na bulagin ko siya,” inis na sentimyento Jana, isa pang kapitbahay ng babae.

“Kaya nga nandito ako, mukhang kailangan na nating gumawa ng paraan upang makausap ‘yang babaeng ‘yan o ‘di naman kaya mas maganda kung mapapaalis natin ‘yan dito sa lugar natin! Hindi lang mga asawa natin ang maapektuhan sa kaniya, maging ang paglaki ng mga bata! Dapat ipatawag natin ‘yan sa barangay!” suhestiyon agad ni Aida sa mga kaibigan. Lahat naman sila ay sumang-ayon at nagpunta sa barangay upang ipatawag si Lala.

“Diyos ko naman, luwang-luwa na ‘yung d#d* mo! Barangay kaya itong pinuntahan mo, hindi naman ito bar!” sita agad ni Josefina, isa pang kapitbahay nito.

“Alam mo, Lala, alam naman na ng buong barangay na dancer ka. Kamo ‘yan ang hanapbuhay mo kaya dapat hindi ka namin pakialaman. Pero sobra na talaga ang perwisyo na naidudulot mo sa lugar namin. Wala nang ginawa ang mga mister namin kung ‘di ang panuorin kang mag-ensayo sa pagsasayaw mo na kulang na lang e para kang nagtatawag na makipag$*x sa’yo. Hindi lang para sa mga lalaki, kung ‘di para na rin sa paglaki ng mga anak namin. Hindi maganda na ang mga tulad mong babae ang nakikita ng mga bata,” malungkot na sabi ni Aida kasama ang mga kapitbahay niya sa babae at sa kagawad na kaharap nila.

Advertisement

“Kaya sana kung pwede umalis ka na lang o ‘di naman kaya huwag kang magbukas ng pinto at bintana kapag nagsasayaw ka kasi nakakakilabot! Para kang hindi babae, ako ang nawawalan ng respeto sa’yo,” dagdag pa ni Josefina sa dalaga.

Hindi ito nagsalita at inayos niya lamang ang kaniyang buhok, sabay hinga nang malalim.

“Kung sanay ka na binebenta ‘yang katawan para sa hanap buhay mo, ang lugar namin hindi. Hindi naman sa pagmamalinis pero walang nagbebenta ng puri rito sa amin,” singit pang muli ni Hilda, isa pang kapitbahay ng babae.

“Alam niyo, hindi ko akalain na sa lahat ng tao, kapwa babae ko pa ang manghuhusga sa akin,” seryosong sagot ni Lala sa kanila.

“Hoy, hindi ka namin hinuhusgahan! Sinasabi lang namin ‘yung totoo!” singit agad ni Aida sa kaniya.

“Alam niyo bang diskriminasyon itong ginagawa niyo sa akin? Parang sinabi niyo na pwede akong mabuhay pero hindi ako pwedeng mabuhay sa mundong ito. Kahit kailan, hindi ko magagawang pigilan ang mga asawa niyo kung titingin sila sa akin dahil hindi naman ako ang problema. Kayo at ang mapanghusga niyong ugali! Sa tingin niyo ba ang mga asawa niyo ay hindi tumitingin ng mga gaya ko sa social media? Tigilan niyo na ako, wala sa akin ang problema. Isa pa, para sabihin ko sa inyo. Itong pagsasayaw ang nagpalaya sa akin,” biglang nginig ng boses ng dalaga.

“Binubug*w ako ng madrasta ko dati pero natutunan ko ang pagsasayaw. Iba man siguro sa normal na trabaho ng nakararami pero hindi ibig sabihin na magaling akong gumiling ay marumi ang pagkatao ko. Kayo ang marumi ang isip! Kayo ang mga salot sa lipunan, kayo ang mga klase ng babae na dapat pinapaalis dahil wala kayong ibang alam gawin kung ‘di ang manapak ng kapwa ninyo. Hindi ako aalis at hindi ako magbabago para sa inyo dahil walang mali sa akin, wala akong kinalantari sa mga mister niyo at mas lalong wala akong inaapakang tao. Nagsasayaw ako, oo, pero hindi ako maruming babae,” matapang na binitiwan iyon ni Lala sabay bagsak ng kaniyang kamo sa mesa saka umalis.

Napalunok naman ng laway ang mga magkakapitbahay saka isa-isang umalis.

Advertisement

Alam ni Lala na hindi siya ang klase ng babae na tanggap ng lipunan, hindi siya ang babae na kinagisnan ng marami dahil sa paggiling niya sa entablado. Pero alam din niya sa kaniyang sarili na wala siyang ginagawang masama kaya naman itinuloy ng dalaga ang kaniyang pangungupahan sa lugar na iyon, taas noo at walang inaapakang tao.

Habang sina Aida naman at mga kaibigan niya ay natutunan na manahimik sa isang tabi dahil totoo naman ang sinabi ng dalaga. Hindi siya ang problema, kung ‘di ang mga mister nila at ang mga kalooban nilang nangngingitngit sa inggit.