Inday TrendingInday Trending
Naglalakad ang Binatang Ito Nang May Babaeng Sumitsit sa Kaniya; Ano Kaya ang Pakay Nito?

Naglalakad ang Binatang Ito Nang May Babaeng Sumitsit sa Kaniya; Ano Kaya ang Pakay Nito?

Isang hapon, papauwi na galing sa pinagtrabahuhang advertising company si Kiko. Bagong sahod. 21,500 piso na malulutong at amoy bangko pa. Naisipan niyang dumaan sa isang restawran para bumili ng makakain dahil tinatamad na siyang magluto.

Sa kaniyang pag-uwi, nang mapadaan sa isang eskinita, biglang may sumitsit sa kaniya.

“Sir. Baka gusto mo, yung babaeng naka-asul. Maganda ‘di ba? Kaka-debut lang nyan,” sabi sa kaniya ng isang babae na sa tantya niya’y mga kwarenta y singko hanggang singkuwenta anyos na ang edad.

“Ay hindi po. Estudyante lang po ako,” palusot ni Kiko. Hindi niya alam kung bakit iyon ang naisip niyang palusot gayong palagay niya ay hindi naman siya mukhang estudyante. 27 taong gulang na kasi siya.

“Bigay ko na sa iyo kahit 800 lang, ikaw na ang bahala kahit iuwi mo pa ‘yan. Perstaym lang yan ni Baby, kailangang- kailangan lang daw talaga sabi sa’kin ng nanay niya.”

Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Si Baby. Lumapit ito sa kaniya at binulungan siya, at hinding-hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon sa kaniyang buhay.

“Sasama ako sa’yo kahit saan mo gusto. Parang awa mo na, sir,” bulong ni Baby sa kaniya. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito na nagpakiliti sa kaniyang tenga, nagpainit sa kaniyang katawan. Gumalaw ang kaniyang alaga.

Pumayag si Kiko. Napagkasunduan nila, 300 sa bug*w at 500 naman kay Baby. Nang maiabot na niya ang pera ay hinila na niya si Baby palayo sa lugar na iyon. Alam niya ang pupuntahan. Sa kaniyang inuupahang apartment. Doon na niya yayariin si Baby. Wala na siyang pera upang kumuha pa ng mumurahing motel.

Pagdating sa kaniyang inuupahang apartment, nagsimula na ngang halikan sa leeg ni Kiko si Baby. Ngunit napahinto siya nang mapaiyak ito.

“B-Bakit ka umiiyak?” nagtatakang tanong ni Kiko. “Hindi ba’t trabaho mo naman talaga ito?”

“H-Hindi po sir. Hindi po talaga. Pinilit lang ako ng nanay ko. Yung bug*w… iyon ang nanay ko. Nanay-nanayan ko, dahil hindi naman niya ako tunay na anak.”

Nanlulumo naman si Kiko. Hindi naman maaatim ng konsensya niya na umiiyak sa harapan niya ngayon ang isang babae, dahil natatakot ito sa gagawin niya. Hindi pa naman ganoon katibay ang sikmura niya.

“Eh bakit ka sumama sa akin?” untag ni Kiko.

“G-Gusto ko na pong tumakas sa amin, sir. Ito po ang unang beses na ibinug*w niya ako, bagama’t iyan naman talaga ang trabaho niya. Wala raw akong silbi sa kaniya kaya mabuti na lamang na pagkakitaan ako,” umiiyak na pagbabahagi ni Baby.

“A-Ano’ng balak mo ngayon? Tatakas ka?”

“P-Puwede po bang dumito na lang ako sa iyo? Gagawin ko ang lahat, sir. Puwede akong maging tagasilbi rito sa bahay mo, ako na ang bahala sa mga gawaing-bahay. Basta’t ayoko nang bumalik sa bahay ng nanay-nanayan ko dahil mauulit na naman ang pagbebenta niya sa akin, bagay na ayokong gawin,” pakikiusap ni Baby.

Kitang-kita sa mga mata ni Baby ang sinseridad sa kaniyang mga sinasabi. Pero anong gagawin ni Kiko sa ganitong sitwasyon? Kayang-kaya naman niyang gawin ang mga gawaing-bahay na sinasabi nito. Hindi naman ganoon kabigat ang mga trabaho sa bahay upang i-asa pa rito ang mga iyon, lalo’t mag-isa lang naman siya sa buhay.

“Sige, dumito ka na lang muna. Pero baka hanapan na lang kita ng ibang apartment para naman sa gayon eh makabukod ka,” wika ni Kiko.

Bumadha ang kaligayahan sa mga mata ni Baby. Kaligayahan ng isang preso na nakawala mula sa bilangguan, gayon ang pakiramdam nito.

Simula noon, nanuluyan na nga si Baby sa kaniyang apartment.

Sa tuwing umuuwi siya sa kaniyang inuupahan, nagugulat siya dahil ang linis-linis at ang ayos-ayos ng kaniyang mga gamit.

Marunong magluto si Baby kahit na 20 taong gulang pa lamang siya. Sinabi lamang na 18 taong gulang siya ng kaniyang nanay-nanayan, sa pag-aakalang mas katakam-takam nga naman kung mas bata-bata ang ipapain.

Si Baby na rin ang naglalaba, nagpaplantsa ng kaniyang mga damit.

Ganoon at ganoon. Hanggang sa nagkakakuwentuhan na sila, mas malalim, mas nakagagaan ng loob.

At lumipas ang maraming taon.

Walang araw na hindi niya naaalala ang parteng iyon ng buhay niya. Si Baby, inosente, biktima ng sistema.

Sa ngayon, hindi ang malaki niyang bahay, magagarang sasakyan at milyon-milyong pera ang itinuturing niyang kayamanan. Si Baby at ang kanilang mga supling.

Tuluyan siyang nahulog sa babaeng biglaang dumating sa kaniyang buhay… hindi umalis, kundi nanatili.

Si Baby. Ang ilaw ng kaniyang tahanan. Ang reyna ng kaniyang sariling pamilya. Mabuti na lamang at pinagtagpo sila ng tadhana.

Advertisement