Inday TrendingInday Trending
Galit na Galit ang Lalaki Nang Matuklasan na Wala Palang Nangyari sa Kanila ng Babaeng Pilit na Ipinakasal Sa Kaniya ng Ina; Mas Lalo Siyang Mawiwindang sa Susunod na Malalaman

Galit na Galit ang Lalaki Nang Matuklasan na Wala Palang Nangyari sa Kanila ng Babaeng Pilit na Ipinakasal Sa Kaniya ng Ina; Mas Lalo Siyang Mawiwindang sa Susunod na Malalaman

“Good morning, Marielle! Lalo ka yatang gumaganda, ah!” masayang bati ni Gio sa kanilang kasambahay.

“Magandang umaga rin po, sir! Naku, nambola pa kayo!” nakangiting tugon ng dalaga sa amo.

“Hindi ako nambobola! Maganda ka talaga, peksman! O, mas lalo kang gumanda habang nagba-blush!” hirit pa ng binata.

Nakaramdam ng hiya si Marielle nang mapansin ng amo ang pamumula ng pisngi. Hindi niya kasi maitago sa sarili ang kilig na nagmumula sa kaniyang puso. Matagal na siyang may paghanga kay Gio, para sa kaniya ay ang binata ang man of her dreams subalit alam naman niya sa sarili na hanggang pangarap na lamang ang lahat dahil may nobya na ang lalaki na kapantay pa ang estado nito sa buhay.

Isang araw ay dumalaw ang nobya ni Gio na si Maxene sa bahay kaya sobrang pagseselos ang naramdaman niya. Nagseselos siya kahit alam niyang wala naman siyang karapatan.

“Honey, utusan mo nga ‘yang katulong niyo na maghanda ng makakain natin!” wika ng babae.

“Magpa-deliver na lang tayo, honey. Ako na ang tatawag!” sagot ng lalaki.

“Ok. Pakibilisan lang ha at nagugutom na ako, eh!” sambit pa ni Maxene.

Nang mapansin ni Gio si Marielle ay tinawag niya ito.

“Marielle, maghanda ka na lang ng inumin para sa amin, please!” utos ng binata.

“Opo, sir,” mahinang tugon ng dalaga.

Habang abala si Maxene sa pagtetext sa cell phone ay kinausap si Gio ng kaniyang inang si Conchita.

“Ngayon mo lang dinala rito sa bahay ang babaeng ‘yan, hijo. Pang-ilan na ba ‘yan sa mga naging nobya mo?” tanong ng ina.

“Pang-sampung girlfriend ko na po ‘yang si Maxene… pero nakatitiyak ako na siya na ang gusto kong pakasalan, mama,” sagot ni Gio.

Natigilan si Conchita nang muling magsalita…

“S-siya na ba talaga ang babaeng tunay na nasa puso mo, anak?”

“Nasa kaniya na po ang mga hinahanap ko sa gusto kong maging asawa,” tugon ng anak.

Lumipas ang mga oras at nagpaalam na si Maxene at inihatid ito ni Gio sa bahay nito. Napansin ni Marielle na malungkot ang among babae.

“Bakit malungkot po kayo, ma’am? Kanina ko pa po kayo napapansin na parang matamlay po kayo?”

“Ang babae na kasing iyon ang gustong pakasalan ni Gio, pero hindi siya ang gusto ko para sa aking anak,” sagot ng amo.

“Huwag na po kayong malungkot, ma’am. Natitiyak ko pong mahal na mahal ni Sir Gio si Ma’am Maxene kaya maging masaya na lang po kayo sa desisyon niya,” sagot ng dalaga.

Lingid sa kaalaman ni Marielle na ibang babae ang gusto ni Conchita para sa anak. Ang gusto ng amo na mapangasawa ng anak ay walang iba kundi siya.

“Kung alam mo lang na ikaw ang napupusuan kong maging kabiyak ng aking unico hijo, Marielle, dahil nasa iyo ang lahat ng katangian ng isang mabuting babae at maybahay. Sayang lang at hindi ikaw ang nasa puso ni Gio,” nanghihinayang na wika ni Conchita sa isip.

Nang minsang magkaroon ng kasiyahan sa bahay ay hindi naiwasan ni Gio na maparami ng nainom na alak. Pati si Marielle ay niyaya nito na uminom na rin. Dahil nahihiya na hindi pagbigyan ang amo ay pumayag ang dalaga na makipag-inuman ngunit hindi ito sanay na uminom kaya madaling nalasing si Marielle. Parehong lango na sa alak ang dalawa kaya hindi nila namalayan ang sumunod na nangyari.

Kinaumagahan ay laking gulat ni Gio nang matagpuan ang sarili na walang saplot ang buong katawan sa kama kasama si Marielle na wala ring suot na damit. Lalong nagulantang ang lalaki nang mapansin ang kulay pulang mantsa sa higaan.

“G-God… a-ano itong nagawa ko?” bulalas ng binata sa nasaksihan.

Sa isip niya ay gusto niyang iumpog ang sarili sa pader sa kasalanang nagawa niya kay Marielle.

Nang magising ang dalaga ay napa-iyak na rin ito at hindi alam ang gagawin. Hindi niya akalain na sa isang gabi na pag-inom niya ng alak ay sasapitin niya ang tagpong iyon.

Nang malaman ni Conchita ang namagitan sa dalawa ay labis din itong nabigla.

“A-ano? Sa sobrang kalasingan niyo ay hindi niyo alam ang nangyari? Kalokohan! So, a-anong plano mo, anak?” tanong ng ina.

“H-hindi ko po alam, mama… hindi ko alam!” naguguluhang sagot ng lalaki.

“Hindi ako papayag na hindi mo panagutan ang ginawa mo kay Marielle, anak! Maawa ka sa kanya na ulilang lubos na. Paano kung magbunga ang ginawa mo sa kanya? Maaatim mo bang agrabyaduhin pa siya? Kailangan na pakasalan mo siya!” hayag ng ina.

Walang nagawa si Gio kundi ang makipaghiwalay sa nobyang si Maxene at panagutan ang nangyari sa kanila ni Marielle.

Sa araw ng kasal ng dalawa ay masama ang loob ni Gio.

“Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na maikasal sa isang kasambahay lang,” inis niyang sabi sa sarili.

Si Marielle ay gusto ring umatras sa kanilang pag-iisang dibdib.

“Ma’am, h-hindi po niya ako kailangang pakasalan. Ibang babae po ang mahal niya at hindi ako ‘yon,” malungkot na sambit ng dalaga kay Conchita.

“Sa umpisa lang mahirap ang lahat, hija, maniwala ka…matututunan ka ring mahalin ni Gio. Isa pa’y huwag nang ma’am ang itawag mo sa akin, mama na lang din ang itawag mo sa akin, hija,” tugon ng amo.

Dapat nga ay magtatalon si Marielle sa tuwa dahil matutupad na ang pangarap niya na maikasal sa taong pinakamamahal niya ngunit hindi sa ganoong paraan.

Dahil sa ikinahihiya ni Gio ang kasal nila ni Marielle ay wala siyang pinagsabihan ng tungkol doon. Isang sikretong kasal sa huwes ang naganap.

“Pagtatawanan lang ako ng mga kaibigan ko kapag nalaman nila na sa isang kasambahay lang ako bumagsak,” sambit pa ni Gio sa sarili.

Matapos ang kasal ay isinama ni Gio si Marielle sa condo unit nito sa Maynila.

“Ayusin mo na ang mga gamit mo sa kuwarto at aalis muna ako. Baka gabihin na ako nang uwi,” sabi niya sa asawa.

“S-sige, ipagluluto na lang kita ng makakain,” sagot ni Marielle.

Hindi iyon pinansin ni Gio at nagmamadali nang umalis. Hindi niya sinabi sa asawa kung saan siya pupunta. Ang totoo ay sinadya ni Gio na iwan sa condo si Marielle. Gusto niyang mapag-isa at libangin ang sarili. Si Marielle naman ay parang gustong maiyak sa lamig ng pakikitungo ni Gio. Pero ano ba ang dapat niyang asahan?

“Dapat kong tanggapin na kahit kailan ay hindi niya ako matututunang mahalin,” naluluha niyang bulong sa isip.

Kahit na ang kaibuturan ng puso’y naghahanap ng tamis ng pag-ibig, alam niyang dapat na niyang ipagpasalamat na kahit paano’y inuuwian siya ng lalaki at tinatabihan sa pagtulog. Ngunit isang gabi ay hindi naisip ni Marielle na kakailanganin din pala siya ni Gio nang minsang umuwi itong lasing. Pinilit siya nitong magnaig sila at dahil malakas si Gio ay nagtagumpay ito. Nang matapos ang init na nararamdaman ay laking gulat ng lalaki sa natuklsan.

“B-bakit may mantsa na naman ng dugo ang kama? T-teka, a-ang ibig sabihin ay….”

Hindi napigilan ni Gio ang matinding galit sa kaniyang nalaman.

“S-sh*t! H-hindi totoong may nangyari sa atin nang nag-inuman tayo?! Damn you! Manloloko ka!” sigaw ni Gio saka sinampal ng ubod lakas si Marielle.

Kahit si Marielle ay nagtataka kung bakit muli siyang nakakita ng kulay pulang mantsa samantalang nakita na niya iyon nang una silang mags*ping ni Gio.

“H-hindi ko alam, Gio! Hindi ko alam!”

“Anong hindi mo alam, eh, ito ang ebidensiya na birheng-birheng ka pa! Hindi totoo na nag@law kita noon! Sinamantala mo lang siguro ang sobrang kalasingan ko para lokohin ako! Kung wala kang alam, eh anong ibig sabhin nitong mantsa na ito sa bedsheet? Ano?” giit ng lalaki.

Sa sobrang galit ay binantaan ni Gio si Marielle.

“Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ang niloloko ako at ginag*go! Ang akala mo siguro ay hindi ko alam na matagal mo na akong pinagnanasaan kaya mo ako nagawang pikutin, ‘di ba?” hayag pa ng lalaki.

“Oo, matagal na kitang mahal, Gio, p-pero kahit kailan ay hindi kita magagawang lokohin. Hindi ko rin talaga alam kung ano ang nangyari, maniwala ka!” sagot ni Marielle.

“Natupad ang pangarap mo na maging asawa ako, pero sorry ka na lang dahil sa papel lang ‘yon. Magsasama tayo sa iisang bubong pero hindi bilang mag-asawa kundi bilang mag-amo!” matigas na sabi ni Gio na pinipigil pa rin ang sarili na muling saktan ang asawa.

Kinaumagahan ay balik sa pagiging kasambahay si Marielle. Halos alilain siya ni Gio. Wala siyang nagawa, gustuhin man niyang iwan ang lalaki ay mahigpit ang pagtutol ng kaniyang puso. Mahal na mahal pa rin niya si Gio sa kabila ng pagtrato nito sa kanya. Lahat ay tiniis niya alang-alang sa baliw niyang damdamin. Ang tanging konsuwelo na lamang niya ay kapiling niya ang lalaking pinakamamahal at abot-kamay na napagmamasdan.

Ngunit isang araw ay dumalaw ang ina ni Gio na si Conchita sa condo unit ng anak at naabutang naglilinis ng bahay si Marielle.

“O, hija, hindi mo na kailangang gawin ‘yan. Dapat ay kumuha na lang ng kasambahay ang asawa mo para may gumagawa ng mga gawing bahay!” sita ng babae.

Agad na sumagot si Gio.

“Dapat lang ’yan sa kagaya niya, mama. Alam niyo ba na isang manloloko ang babaeng ‘yan? Hindi totoo na may namagitan sa amin noon dahil nang minsang mags*ping kami ay natuklasan ko na birhen pa pala siya! Isa siyang ambisyosang kasambahay na nangangarap na magkaroon ng asawang mayaman! Nararapat lang sa kanya na magdusa at habang buhay akong pagsilbihan!” bunyag ng lalaki.

Saglit lang na natigilan si Conchita at muling nagsalita.

“Wala siyang kasalanan, anak. Ako ang may pakana ng lahat. Plinano ko na pareho kayong malasing nang gabing iyon at nagtagumpay naman ako. Nang makatulog si Marielle sa sobrang kalasingan ay pilit ko siyang dinala sa kuwarto mo. Parehas ko kayong inalisan ng saplot sa katawan at ako ang naglagay ng kulay pulang mantsa sa kama para kunwari ay may nangyari nga sa inyong dalawa. Si Marielle ang gusto kong mapangasawa mo, anak, dahil nasa kanya ang mga katangian na gusto ko sa isang babae. Patawarin niyo ako sa aking ginawa, hindi ko akalaing poot at galit sa puso mo at kaawa-awang kalagayan naman ni Marielle ang magiging bunga ng aking kapangahasan,” tugon niya sa anak.

Parehong hindi nakasagot ang dalawa sa inihayag ni Conchita. Hindi makapaniwala si Gio na nagawa iyon ng kanyang sariling ina. Napaiyak siya at biglang nahabag sa asawa. Si Marielle naman ay napaluha rin sa natuklasan na ang among babae pala ang may kagagawan ng mga sinapit niya.

“D-Diyos ko, a-anong nagawa ko? P-patawarin mo ako!” maluha-luhang sabi ng lalaki habang inalalayan sa pagtayo ang asawa na halos nakasalmapak na sa sahig dahil maghapong paglalampaso.

“Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Gio. Kasalanan ko rin naman, hinayaan kong malasing ako nang gabing iyon kaya naisakatuparan ng iyong mama ang balak niya sa ating dalawa. Ako ang dapat na humingi ng paumanhin dahil sa akin ay nasira ang buhay mo at naikasal ka sa isang kasambahay na gaya ko. Huwag kang mag-alala, wala kang pananagutan sa akin. Kahit na labis kitang minamahal ay nakahanda akong palayain ka, Gio,” wika ni Marielle.

“I-ibig sabihin ay totoong mahal mo ako?” tanong ng lalaki.

“Noon pa ma’y ikaw na talaga ang itinitibok nitong puso ko, Gio, kaya kahit anong iutos mo sa akin ay sinusunod ko, kahit paulit-ulit mo akong sumbatan at saktan ay nagagawa ko pa ring manatili sa piling mo. Kaya kong tiisin ang lahat para sa iyo pero kung hindi mo na talaga kayang makasama ang isang tulad ko’y ako na ang kusang lalayo,” tugon ni Marielle.

Hindi napigilang yakapin ni Gio ang asawa.

“Nagsinungaling ako sa iyo. Ang totoo’y mahal na rin kita. Nang lubusan kitang nakilala habang magkasama tayo rito ay unti-unting yumabong ang damdamin ko sa iyo, Marielle. Na naiiba ka pala sa lahat ng babaeng nakilala ko, na ikaw pala ang karapat-dapat kong mapangasawa dahil isa kang mabuti at mapagmahal na babae. Kaya ko nagawang maglasing nang gabing iyon ay dahil wala akong lakas ng loob na iparamdam sa iyo ang tunay kong damdamin. Naduwag ako na iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal. Kaya laking gulat ko nang malaman na birhen ka pa, akala ko’y niloko mo lang ako noong una at hindi mo ako gusto. Akala ko’y hangad mo lang na makapangasawa ng nakakaangat sa buhay ngunit plano lang pala ni mama ang lahat at napatunayan ko na may pagtingin ka talaga sa akin. Patawad sa mga nagawa ko at mga nasabi ko sa iyo, huwag mo akong iwan dahil hindi ko kakayaning mawala ka pa sa akin,” hayag ni Gio sa nagmamakaawang tono.

“O, Gio, akala ko’y hindi ko na maririnig ‘yan sa mga labi mo,” sagot ni Marielle sabay yakap din nang mahigpit sa mister.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Conchita nang masaksihan ang pag-amin ng dalawang puso na tunay na nag-iibigan. Sa wakas ay natupad ang pangarap niya na mahalin ng anak ang babaeng gusto niya para rito.

‘Di nagtagal ay muling ikinasal sina Gio at Marielle. Kasalan sa simbahan na ang idinaos na dinaluhan ng mga kaibigan at mga kamag-anak nila. Pinatunayan ni Gio na ipinagmamalaki niya ang babaeng iniharap niya sa dambana bilang kaniyang maybahay.

Advertisement