Inday TrendingInday Trending
Hindi Lang Kinikwenta, Pinamumukha din ng Dalaga ang Ibinibigay Niyang Sustento sa Pamilya, Hanggang sa Tamaan Siya ng Sakit na Pinagsisihan Niya

Hindi Lang Kinikwenta, Pinamumukha din ng Dalaga ang Ibinibigay Niyang Sustento sa Pamilya, Hanggang sa Tamaan Siya ng Sakit na Pinagsisihan Niya

“1,000 pesos binigay ko kay nanay. 197 pesos and 50 cents, binili kong sandals kay Jelly, 35.50, chocolate ni Muymuy.” Napahawak na naman sa ulo si Angelita, sumasakit na naman ang ulo niya matapos kwentahin ang pera’t pagkain na binigay niya sa kanyang pamilya. Ganito palagi ang kanyang tema. Sa tuwing sumasahod ay nag-aabot siya sa kanyang ina at binibili ng makakain o ilang gamit ang kanyang mga kapatid. Mabait naman siya sa pagbibigay sa mga ito. Ngunit sa tuwing ganitong nakukwenta niyang malaki ang nagastos niya sa mga ito ay agad na nag-iinit ang ulo niya. Pakiramdam niya’y nagsisisi siya sa pagbibigay at pag-aabot sa kanyang ina’t mga kapatid. “Kung bakit kasi ako lang ang nagtatrabaho dito. Pasanin ko tuloy kayong lahat!” inis na parinig niya sa mga kasama sa bahay. “Anak, luto na ang tocino kain ka na,” yaya ng kanyang ina. “Mamaya na ‘Nay, magyoyosi muna ako. Sumasakit ang ulo ko sa mga gastusin!” padabog niyang sinara ang pinto. “Nakakabwisit na buhay. Isang buwang pinagtrabahuan, ilang araw lang ubos agad.” “Mga kapatid ko kay dami-daming request. Mga project sa school mga keme nila!” kausap niya pa sa sarili. “Beshy! Anong problema mo?” nakita siya ng kaibigang si Cindy. “Mukhang nakasimangot ka na naman ah?” “Pera problema ko, bes.” Nagulat ito sa sinabi, “Oh, hindi ba kakasahod mo lang noong isang araw?” Lalo siyang napasimangot nang maisip na naman iyon, “Yun na nga eh. Sa dami ng binubuhay ko, kalahating buwang sahod ko, wala pang isang linggo sa kanila. Sumasakit ang ulo ko!” Tinapik siya ng kaibigan, “Huwag mo kasing kwentahin nang kwentahin, beshy. Para naman hindi mo na maisip pa. Sabi nga nila, kapag nagbigay ka sa kapwa, lalo na sa pamilya, kalimutan mo na agad para magaan sa dibdib natin.” Napailing siya sa kaibigan, “Ay naku, hindi pwede…” maya-maya’y napatigil siya sa pagsasalita dahil sa kirot na naramdaman sa ulo, “Aray ko! Ahh!” Sinugod si Angelita sa pinakamalapit na ospital. Isang maliit na tumor daw ang nakita sa kanyang ulo. Advice ng doktor sa kanya ay iwasang mag-isip ng mga problema upang maagapan agad ang sakit. “Anak, pasensya ka na sa amin. Dahil wala akong kwentang ina kaya ka nagkasakit,” iyak nang iyak ang nanay niya. Naawa naman siya sa itsurang nakikita niya dito. Ganoon rin ang kanyang mga kapatid na panay rin ang hingi ng sorry sa kanya. Niyakap niya ang mga ito, “Hindi niyo kasalanan ‘to. Ako ang may kasalanan. Kung hindi ko sana kinukwenta palagi ang binibigay ko sa inyo ay hindi ako magkakasakit.” Nag-iiyakan sila habang yakap-yakap ang isa’t isa. Pasalamat nalang rin si Angelita dahil hindi pa gaanong malubha ang kanyang sakit. Simula noon ay sinunod niya ang payo ng kaibigan. Kailanman ay hindi na siya nagkwenta ng mga bagay na binibigay niya sa kanyang pamilya. Sa halip ay isang matamis na ngiti ang baon niya sa tuwing naririnig ang pasasalamat ng kanyang ina’t mga kapatid na madalas niya noong hindi mapansin kakakwenta kung magkano ang nabibigay sa mga ito. “Masarap palang ngiti at pasasalamat ang binibilang ko sa pamilya ko,” masayang wika niya sa sarili. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement