Inday TrendingInday Trending
Grabe Kung Pukpukin ng Ina sa Pag-aaral ang Batang Ito, Napakasakit Pala ng Nakaraan Nito

Grabe Kung Pukpukin ng Ina sa Pag-aaral ang Batang Ito, Napakasakit Pala ng Nakaraan Nito

“Mag-aral kang mabuti! Ayoko nang may 85 pababa sa grado mo. Huwag kang utak-manok, Cherry May!” Napapaiyak na lamang ang batang si Cherry May sa tuwing nasesermunan ng kanyang ina ukol sa grado niya sa eskwela. Ayaw kasi nito ng grade sa class card na 85 pababa. Ang gusto nito, hangga’t maaari ay nasa line of “9” ang kanyang marka. “Ayoko nang tatanga-tanga. Galingan mo lalo na sa Math at English! Ikaw nalang ang inaasahan ko, Cherry May,” mahabang sermon pa rin nito. “Opo, Ma…” mahinang tugon niya sabay patuloy sa pagbabasa ng kanyang takdang-aralin. Matalino naman si Cherry May pagdating sa eskwela kung tutuusin nga ay palagi siyang kasama sa Top 10. Ngunit kung minsa’y nape-pressure lang talaga siya sa mga kagustuhan ng ina. Bukod sa ayaw nitong bababa sa 85 ang marka niya, ay hindi rin ito papayag na mawala siya sa Top 5 sa klase. Mabuti nga at hindi pa nito nirerequest sa kanya na maging Top 1. Kung hindi ay mababaliw na talaga siya sa sobrang pag-aaral. “What is the meaning of verb?” tanong ng guro sa klase. “Cherry May?” tawag nito sa batang nakayuko. “Cherry May?!” Nagulat si Cherry May nang pukpukin ng stick ng guro ang kanyang desk, “Sorry po, Ma’am!” “Ayoko nang natutulog sa klase. Gusto kong kausapin ang magulang mo bukas,” ika nito sa kanya. Agad siyang nataranta, “Ma’am sorry po. Ma’am please, huwag niyo na pong ipatawag ang mama ko. Malilintikan po ako dun kapag nalaman niya ‘to. Please po, Ma’am…” “Cherry May…” lumingon ang lahat sa pintuan ng classroom kung saan nanggaling ang boses. Halos manlaki ang mga mata ng batang babae nang makita ang ina sa pinto ng kanilang room, “Ma! Ano pong ginagawa niyo dito?” Pina-excuse siya saglit ng ina sa guro upang kausapin. Dala-dala pala nito ang naiwan niyang baon. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ng kanyang ina, “Sorry, anak…” Tulala siya sa ginawa ng mama niya. Ni hindi niya magawang sumagot dito. “Sorry, hindi ko namamalayang ganyan na pala ang epekto ng pagpukpok ko sayong mag-aral kang mabuti. Hindi ko sinasadya anak.” Nalaman niyang hindi pala totoong college graduate ang mama niya. Dahil ang totoo’y hindi nito natapos ang elementarya, “Ayokong sabihin sayo para gawin mo akong inspirasyon. Ayaw kitang magaya sa akin na walang pinag-aralan. Inaapi-api lang noon ng Lola Susan mo,” tukoy nito sa nanay ng kanyang ama. Matagal nang hiwalay ang kanyang mga magulang. Ang alam niya’y hindi na nagkasundo ang mga ito. Hindi na rin nagkabalikan dahil ayaw ng lola niya sa mama niya. Ngayon niya lang napagtanto ang dahilan nito. “Grabe kung sabihan akong bobo ng Lola mo. Ang gusto kasi nilang mapangasawa sana ng papa mo ay ang mayamang haciendera sa probinsya. Pero pinagbuntis kita at dahil doon ay pinakisamahan na ako ng papa mo. Hindi ko na natiis ang pang-aapi nila. Lalo na kapag pinapamukha nila sa akin noon na basahan lang daw ako sa pamilya nila, kaya nagdesisyon akong lumayo nalang.” Niyakap niya ang umiiyak niyang ina, “Ma, sorry hindi ko po alam.” Hinarap siya nito at pinunasan ang mga luha, “Huwag mo akong intindihin anak. Sorry kung napepressure kitang mag-aral maigi. Ang gusto ko lang sana ay lumaki kang hindi katulad ko. Walang mang-aapi sayo. Kaya mong ipagtanggol ang sarili mo gamit ang talino mo.” Tumango siya sa ina, “Pangako po Ma, hindi po ako paaapi kahit kanino. Hindi ko po kayo bibiguin sa pangarap niyo para sa akin.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement