Inday TrendingInday Trending
Nabaon sa Utang ang Ginang Dahil sa Pakikipagsabayan sa mga Mayayamang Kaibigan, Makaahon Pa Kaya Siya?

Nabaon sa Utang ang Ginang Dahil sa Pakikipagsabayan sa mga Mayayamang Kaibigan, Makaahon Pa Kaya Siya?

Si Bel ay lumaki sa mahirap na pamilya. Ultimo kanyang sapatos ay ipinanlimos pa ng kanyang nanay sa pamilya kung saan siya naglalaba.

Mapalad pa rin siya dahil nagsumikap ang kanyang mg magulang na makapag-aral siya hanggang high school.

Ngunit hindi na talaga kaya pang pag-aralin siya ng kolehiyo. Dahil dito, maagang nagtrabaho si Bel.

Maliit lamang ang sweldo niya bilang kahera sa isang kainan.

Dahil sa labis na inggit sa mga kaibigan niya na mapera, nagsimulang mangutang si Bel sa mga kakilala para mabili ang mga damit na gusto niya.

Unti-unti ay binabayaran niya sila. Dahil nakita niyang kaya niya palang bayaran ang maliliit na utang ay nagsimula siyang mangutang ng malalaking halaga.

“Mars, pahiram naman ako ng 10k dyan,” hirit niya sa kanyang kaibigan.

“Huh? Ang laki naman niyan mars! Aanhin mo ‘yon?” sagot niya rito.

“Eh may reunion kasi kami sa Sabado, bibili sana ako ng damit ko,” pagmamataas niyang sagot.

“Oh, damit lang pala eh bakit ganun kalaki yung hihiramin mo?” sagot naman ng kanyang kaibigan.

“Eh syempre, hindi naman ako sa basta-bastang mall lang bibili ng damit no. Saka syempre bibili rin ako ng sapatos, bag at relo na teterno sa damit ko,” sagot ni Bel.

“Pwede namang mura lang eh, hindi naman nila mahahalata ‘pag mura lang lalo pag ikaw naman ang nagsuot,” nakangiting sagot ng kanyang kaibigan.

“Eh ano ba hayaan mo na lang ako, magkaiba tayo eh. At saka, ang dami mo namang tanong, may mapapahiram ka ba o wala?” naiinis na sagot ni Bel.

“Meron naman, pero 6 months to pay to. Kaya mo ba?” sagot naman ng kanyang kaibigan.

“Ako pa ba?” pagmamataas na sagot ni Bel.

Tumango na lamang ang kanyang kaibigan at inabot ang inuutang na pera ni Bel.

“Oh siya, sige na, bibili pa ako ng damit, thanks mars!” paalam niya sa kaibigan.

Habang siya’y namimili ng mga kailangang gamit ay napansin niyang nanluluma na pala ang kanyang cellphone.

“Naku, kailangan ko nang bumili ng bago ah,” sabi niya sa sarili.

Agad-agad noong mga oras na iyon ay nanghiram muli siya ng pera sa kanyang isa pang kaibigan.

Walang pagdadalawang isip sa kanyang pangungutang. Ang mahalaga sa kanya ay maging maayos ang tingin sa kanya ng kanyang mga dating kaklase sa reunion.

“Wow, girl! I like your look ha! Very classy!” saad ng kanyang isang kaibigan nang makita siyang papasok pa lamang ng kanilang dating basketball court.

“Syempre naman no, ang mahal kaya nito, kaya dapat talagang maganda akong tignan,” natatawang sagot ni Bel.

“Uy ganda ng phone mo ha!” puri ng isa.

“Huh? Eto? Ano ka ba, mura lang to. Iphone lang naman ‘to eh,” nagmamayabang na sagot ni Bel.

Punong-puno ng pagpupuri ang gabi ni Bel, at talagang napakasaya niya dahil pakiramdam niya ay sa kanya lamang nakatingin ang lahat.

“Ano’ng trabaho mo ngayon girl?” tanong ng isa.

Napatahimik ng matagal si Bel, at matapos ang isang higop ng softdrinks na hawak niya, “Business, business lang girl! Alam mo na ‘pag negosyante,” pagsisinungaling niya.

Dahil sa kanyang pagpapanggap ay napadalas ang pagyaya ng mga bago niyang kaibigan na dati niyang kaklase.

Palagi silang kumakain sa labas at pakape-kape na lamang. Dinadahilan niya na may mga kausap siyang kliyente sa kanyang negosyo tuwing siya’y nagtatrabaho. Kaya’t palagi silang lumalabas sa gabi.

Para magampanan ang pagiging mayaman ay sunod-sunod na ang pangungutang ni Bel sa mga kakilala. Ngunit dumating sa puntong hindi na siya pinapahiram ng pera ng kanyang mga kaibigan dahil sa dami ng dahilan niya tuwing bayaran.

“Sige na Mari, para ka namang di kaibigan! Babayaran ko naman eh,” giit niya sa kausap.

“Eh may balanse ka pa kasi sa dati mong utang. Mapapahiram kita kapag nabayaran mo na yun,” sagot naman niya.

Nagalit lamang si Bel at nagsimulang manghiram at magbayad ng tubo sa mga taong di niya kilala. Dahil doon ay unti-unti siyang nalubog sa sandamakmak na utang.

Ang kanyang utang na nasa bente mil lamang noon ay umabot na ng isang daang libong piso.

Ilang pagbabanta na rin sa kanyang buhay ang kanyang nakuha dahil lang sa ugali niyang pangungutang.

Ito ay noong umabot na sa puntong kailangan na niyang mangutang para mabayaran ang kanyang mga dating utang.

Tinawagan siya ng kanyang kaibigan nang makitang lumong-lumo na siya sa dami ng kanyang problema.

“Mars, wag mo na akong bayaran, alam kong mas malalaki pa ang babayaran mo sa iba. Tulong ko na yan sa’yo,” sabi ng kanyang kaibigan.

Mula noon ay nagising siya sa katotohanang hindi niya kailangang mangutang at magkaroon ng maraming pera para lang siya’y maging masaya.

Magiging sanhi pa ito ng maraming problema.

Kaya naman, mula noong araw na iyon ay binenta niya isa-isa ang mga gamit na napakamahal ngunit hindi naman niya kailangan.

Unti-unti ay binayaran niya ang mga taong pinangutangan niya at siya’y bumalik sa buhay na simple lamang. Mula rin noon ay kapag may gusto siyang bilhin ay pinagiipunan na muna niya ito.

Advertisement