Inday TrendingInday Trending
Kahit Pilay ay Buong-pagtitiis na Nilalakad ng Isang Ama ang Malayong Daan Makautang Lamang ng Pagkain Para sa mga Anak

Kahit Pilay ay Buong-pagtitiis na Nilalakad ng Isang Ama ang Malayong Daan Makautang Lamang ng Pagkain Para sa mga Anak

“Pasensya na Mang Joel, late ang sahod natin ngayon. Baka sa isang linggo pa daw sabi ni Boss,” bagsak ang balikat ng matanda nang marinig ang sinabi ng kasamahan. Inasahan niya pa naman na sahod na nila ngayong araw. Bukod pa doo’y nangako siya sa mga anak na uuwian ng masarap na pasalubong. Ngunit ito na naman at bigo siya sa tamang araw ang sahod nila. Napapakamot nalang siya sa ulo. Wala na siya ‘ni singko. Sakto lang kasi ang pagba-budget niya sa kakarampot na sahod niya. Kaya naman kapag ganitong nade-delay ang sweldo ay halos mabaliw na siya kung saan hahanap ng pagkain nila ng tatlong anak. Tiniis niyang maglakad sa ilalim ng tirik na araw. Katulong lamang ang kanyang saklay ay pinilit niyang tahakin ang daan patungo sa palengke. Mangungutang na lamang siya ng isda kay Celia, ang kaibigan niyang tindera. “Delay na naman ang sahod niyo, Joel? Ano ba namang kumpanya ‘yan?” angal ni Celia. “Ano bang gusto mong isda?” Mabuti nalang at mabait pa rin ito sa kanya kahit tadtad na siya ng utang dito. “Kahit ano nalang, may pangkain lang ang mga bata.” Sa loob ng isang linggo ay ganoon palagi ang ginagawa ni Mang Joel. Maaga palang ay gumigising na siya upang lakarin ang mahabang daan mula sa bahay nila patungong bayan. Kinakapalan niya ang kanyang mukha upang mangutang ng isda sa kaibigan at bigas naman sa katabing tindahan. Palakaibigan si Mang Joel kaya naman marami rin kakilalang mauutangan. Sa pamamagitan ng ganoong diskarte ay nairaraos niya sa araw-araw na pamumuhay ang kanyang mga supling. Kahit pa matagal na siyang pilay dahil sa disgrasya noong nabubuhay pa ang kanyang asawa ay hindi iyon naging hadlang upang pabayaan niya ang mga anak at talikuran ang kanyang responsibilidad. “Tay, salamat po…” minsang ika ng kanyang panganay habang kumakain sila. “Para saan anak?” “Kasi hindi niyo po kami hinahayaang magutom. Alam po naming kaya kayo madalas magising ng maaga ay para magtungo sa palengke at mangutang sa mga kaibigan niyong tindera,” naluluhang pasasalamat ng anak. Hindi niya na rin napigilan ang sariling mapaluha sa sitwasyon nila. Sa kabila niyon ay nagpapasalamat siya sa kabaitan at pagiging maunawain ng kanyang mga anak na kailanman ay hindi nagreklamo sa kahit na anong ihain niya sa mesa. Lumipas ang isang linggo at natanggap na rin sa wakas ni Mang Joel ang pinakahihintay na sahod. Agad niyang binayaran ang utang sa mga kaibigan sa palengke at nagpasalamat sa mga ito. Matapos noon ay bumili naman siya ng masarap na ulam para sa mga anak na naghihintay sa kanyang pag-uwi. Ang pagiging magulang ay hindi lamang isang responsibilidad o tungkulin, ito ay isang dedikasyon sa ating buhay. Dedikasyon na nangangailangan ng panghabambuhay na pagmamahal at pag-aalay ng puso’t kaluluwa para sa ating mga anak. Kahanga-hanga ang mga magulang na lahat gagawin para sa kanilang mga anak! sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement