Hindi Inintindi ng Pabayang Ina ang Sinisipong Sanggol, Paggising Nila Kinabukasan ay Wala Nang Buhay Ito at Malamig Na
Padabog na isinara ni Anna ang kanyang laptop, ang mama niya kasi. Dadalaw rito sa bahay nila ay walang ibang ginawa kundi punahin siya, kapapanganak niya lamang dalawang buwan na ang nakalilipas at balik na siya sa trabaho. Mayroon naman siyang nakuhang yaya kaya hindi niya maintindihan bakit pinagsasabihan siya ng kanyang ina na tutukan raw ang baby.
“Iba pa rin ang alaga ng nanay. Nariyan na tayo at kailangan mong magtrabaho, wag mo naman sanang gawing pangalawa lang ang anak mo. Siya ang unahin mo Anna,” mabait na pakiusap ng matanda. Naaawa lamang ito sa apo na kaliit liit pa eh yaya na ang nagbabantay palagi.
“Ma, kaya ko nga pinapasahod ang yaya para siya ang mag alaga. Ayokong ma-stress sa ganyan, ang dami ko pang gagawin,” iritang sabi ni Anna.
Napabuntong hininga naman si Aling Azon, bago pa kasi mabuntis ang kanyang anak ay workaholic na ito. Akala niya, kapag nanganak na ito at nakita na ang sanggol ay magbabago ang lahat pero tila mas lumala pa. Kung tutuusin nga ay di na nito kailangan pang magtrabaho dahil malaki rin naman ang sahod ng mister nitong isa ring subsob sa trabaho.
“Ba, eh daig nyo pa ang walang anak. Umiiyak na itong sanggol ay ayaw mong padede-hin pa, di kaba naaawa? Mas gusto mong sa bote siya dumede eh ayan at napakaraming gatas sa dibdib mo, basang basa na nga ang damit mo. Mas gusto mo pang itapon kaysa makuha ng anak mo ang sustansya,” malungkot na sabi ng matanda. Hiling niyang kahit papaano ay makapag isip isip ang anak.
Pero tila bingi si Anna, ang pag aalala ng kanyang nanay ay nakikita niya bilang pakikialam.
“Akin na nga yang baby, Meding! Yaya Meding! Halika dito, kunin mo tong alaga mo di yung text ka ng text! Gagang to,” masungit na sabi niya. Dali dali namang lumapit ang kasambahay at kinuha ang sanggol na napabahing pa.
“O ayan, sinisipon na yata ang apo ko-“
“Ma gagabihin ka, umuwi kana muna,” dire-diretso niyang pagpapaalis sa kanyang ina. Nase-stress lang siya pag nandito ito at dada nang dada.
Napatango ang matanda dahil tila nasaktan pero bago tumalikod ay nagsalita, “Sana Anna wag kang magsisi. Tandaan mo hindi kita pinalaking ganyan. Hindi tayo sagana sa pera noon pero sagana ka naman sa pagmamahal. Iyon ang kailangan ng baby mo,”
Napairap siya sa paglilitanya niya, Diyos ko, ang dami niya pang gagawin. Bwisit pa itong gatas na tumutulo sa dibdib niya, nagpalit siya ng damit at nagpump ng dibdib. Nakita niyang pinadedede na ng yaya sa bote ang sanggol kaya tinapon niya nalang ang gatas mula sa kanyang dibdib. Wala siyang panahon na orasan pa iyon kung kailan mapapanis.
Kinagabihan ay pagod na dumating ang mister ni Anna, kapwa sila babad sa laptop at yaya pa rin ang nagpatulog sa baby. Kaya lang, dahil tila masama ang pakiramdam ng sanggol ay ungot ito nang ungot sa crib habang natutulog na sila.
“My God. when will you stop crying Aaliya?” sabi niya sa baby, lalo naman itong humikbi nang makita siya at tila naglalambing na kargahin niya.
Bahing ito nang bahing.
“Baby, tomorrow, isabay mo si Yaya at Aaliya pagpasok. Idaan mo sila sa pedia, may sipon yata ang baby,” sabi niya sa mister na tulog na. Tumango lang ang lalaki at di inintindi na may sakit ang anak.
Dahil napanatag sa dibdib ng kanyang ina ay nakatulog rin maya maya ang sanggol.
“Hay salamat, makakatulog na rin ako,” bulong ni Anna. Ipinikit niya na ang mga mata at hinila na siya ng antok.
Madaling araw na nang makarinig siya muli nang pag ungot, tinapik tapik niya lang ito pero ayaw tumigil. Tumalikod siya para mister niya naman ang pumansin rito pero ungot pa rin ng ungot, naisip niyang kung di niya iintindihin ay di na magmamanya ang bata. Baka naiinitan lang, kaya nilakasan niya ang aircon gamit ang remote.
Muli siyang nakatulog.
Mataas na ang sikat ng araw nang bumangon ang mag asawa, buti nalang tulog pa ang baby. Sana mamaya na ito magising paggising na ang yaya, marami pa kasing gagawin si Anna. Naligo na silang mag asawa at hinarangan na lamang ng unan ang gilid ng kama upang di mahulog ang baby.
Maya maya pa ay gising na si Yaya Meding, “Ma’am kunin ko po si Aaliya, ” katok nito sa kwarto nila.
“Go ahead, lipat mo na sa crib niya at may gagawin pa ako. Fast yaya, magbihis kana habang tulog. Sumabay kayo kay Sir mo para pacheck up mo sya.” sabi niya.
“M-ma’am,” sabi ulit ng yaya.
“Ano? Come on, move, wag kang tawag nang tawag.” sabi niya na di tumitingin rito.
“Ma’am di po humihinga si baby!” natatarantang sabi nito.
Gulat na napatingin si Anna at nakita niyang nangingitim nga ang labi ng sanggol, wala na ring kulay ang mga kuko nito. Agad niyang tinawag ang mister at isinugod nila sa emergency ang anak.
“Siguro ay mga alas tres palang ng madaling araw, wala na ang bata. Barado ho ang ilong niya at baka hindi nakahinga, kapag sa ganyang kaso ay alerto ang mga magulang dahil delikado ang sipon sa batang maliit. Dalawang buwan pa lamang siya, hindi marunong suminga at magsalita kung hindi na siya makahinga,” paliwanag nito.
Halos matumba si Anna sa emergency room, tigagal rin ang kanyang mister.
Ibig sabihin ay ilang oras nang patay ang anak nila. Ang iyak nito kaninang madaling araw ay ang pagtawag nito sa kanya upang humingi ng tulong pero hindi niya inintindi. Napasigaw siya sa sobrang sakit ng nararamdaman.
Pero kahit na anong lakas ng boses niya ay wala nang makakarinig, huli na ang lahat. Naalala niya ang sinabi ng kanyang ina, “Sana Anna, huwag kang magsisi sa huli..”
Ilang buwang tulala ang babae, paulit ulit sa pagdarasal at paghiling ng kapatawaran. Nakatitig lamang siya sa crib ng baby at mga damit nito. Hindi niya magawang magalit sa Diyos, dahil alam niya, kinuha nito ang anghel dahil hindi pa siya karapat dapat na maging magulang.
Dasal niya na lamang, na sana balang araw ay humilom ang mga sugat. Nasa kanila nga ang lahat ng pera, pero wala na ang pinakamahalagang yaman nila sa mundo, ang kanilang anak.