Ibinigay ng Dalaga sa Nobyo ang Puso Niya Pati na ang Kaniyang Pagkababae; Isang Araw ay Ikawiwindang Niya ang Matutuklasan Niya Rito
Matagal nang magkasintahan sina Dina at Nardo. Noon pa man ay may paghanga na ang dalaga sa lalaki kaya nga nang ligawan siya nito ay ibinigay agad niya ang matamis na oo.
Para kay Dina, kay sarap umibig. Walang pagsidlan sa tuwa at ligaya ang puso niya.
“O, Nardo, pinakamamahal kita,” wika ng dalaga.
“Dina, o aking Dona. Mahal na mahal din kita,” sagot naman ni Nardo.
Isang gabi ay nagpasiya si Dina na ipagkaloob na sa nobyo ang kaniyang pinakaiingatang pagkababae. Dahil mahal niya ang lalaki, lahat ay kaya niyang ibigay dito.
“Kay saya ko dahil pinagbigyan mo na ako, mahal. Ang akala ko’y tatanggihan mo ako,” wika ni Nardo matapos nilang magn*ig.
“Mahal kita, Nardo, kaya may tiwala ako sa iyo na kahit ipinaubaya ko na sa iyo ang lahat ay alam kong walang magbabago. Na hindi mag-iiba ang pagtingin mo sa akin,” tugon ni Dina.
Dahil sa may namagitan na sa kanila ay umaasa si Dina na yayayain na siyang magpakasal ng kaniyang nobyo tutal ay pareho naman sila ng nararamdaman sa isa’t isa. Ngunit isang araw, habang namamasyal siya sa mall, ang kaligayahang nadarama niya ay biglang napalitan ng pait. ‘Di niya inasahan na makikita ang nobyo na may kasamang iba.
“Diyos ko, si Nardo nga ba iyon?” gulat niyang sambit sa isip.
Mas lalo niyang ikinagulat ang sumunod niyang nalaman. May asawa at anak na pala si Nardo, ang lalaking minahal niya at pinagkatiwalaan. Tulad ng pader na gumuho ang lahat ng kaniyang mga pangarap.
“Bakit mo ako niloko, Nardo? Bakit?”
Kahit masakit ang katotohanan ay hinarap pa rin niya si Nardo at kinompronta.
“Bakit hindi mo sinabi na may pamilya ka na pala? Pinagkatiwalaan kita, ibinigay ko sa iyo ang lahat pero niloloko mo lang pala ako!” galit niyang sabi.
“Patawarin mo ako. Natakot lang ako na baka mawala ka sa akin ‘pagkat pinakaiibig na kita, Dina. Mahal na mahal kita,” sagot ni Nardo.
Sa sobrang galit at sama ng loob ay ipinagtabuyan ni Dina ang lalaki.
“Hindi ko na kailangan ang mga paliwanag mo. Huwag mo na akong pupuntahan dahil ayaw na kitang makita pa,” wika ni Dina.
Ngunit sa desisyon niyang iyon ay hindi niya inasahan na magbubunga ang minsan nilang pinagsaluhan.
“Awrkk…Diyos ko, buntis ako!” aniya habang nagdududuwal sa lababo.
Nang komunsulta siya sa manggagamot ay hindi nga siya nagkamali…
“Positive, hija. Buntis ka nga,” wika ng doktor.
Sa simula ay nalilito si Dina at ‘di malaman kung ano ang gagawin.
“Ano ang dapat kong gawin? Kasalanan ko rin, naging marupok ako,” sabi niya sa sarili.
Kailangan niyang magpasiya, iyong tama. Sisiguruhin niyang hindi na siya magkakamali.
“Kailangan kong lumayo. Ayokong kahabagan ako ng kahit na sino,” aniya habang nag-iimpake ng mga damit. Balak niyang lumayo na at hindi na kailanman magpapakita sa mga taong malalapit sa kaniya. Pati ang pagdadalantao niya ay itatago niya sa kaniyang pamilya at kay Nardo. Wala siyang balak na sabihin sa lalaki na magiging ama na ito, bakit pa? Ayaw na niya itong guluhin.
Sinikap niyang malibang at makalimot sa tulong ng kaniyang matalik na kaibigan na si Amy na pinuntahan niya sa probinsya.
“Wala kang dapat ikatakot, ako’ng bahala sa iyo. Habang narito ka ay hindi kita pababayaan,” wika ng kaibigan.
“Salamat, Amy. Pinalalakas mo ang loob ko,” sagot niya.
Hanggang sa dumating ang araw ng panganganak niya. Nailuwal naman niya nang maayos ang kaniyang sanggol.
“Congrats, miss, babae ang anak mo,” wika ng doktor.
“O, aking anak,” sambit niya.
Nang makita ang sanggol ay nakadama siya ng kakaibang saya. Ang plano niya sana ay ipaampon ang anak sa matalik niyang kaibigang si Amy dahil natatakot siyang gampanan ang pagiging ina. Sa mga oras na iyon ay nawalan siya ng lakas ng loob na isakatuparan ang balak.
“Ang ibig mong sabihin, hindi mo na iiwan sa akin ang bata?” tanong ng kaibigan.
“Ikinalulungkot ko, Amy. Hindi pala basta maipamimigay ang dugo ng sariling dugo,” sagot niya.
Buo na ang desisyon niya na palakihing mag-isa ang kaniyang anak. Kahit alam niyang mahirap ay kakayanin niya, pero isang araw bigla siyang may naalala.
“Nasaan na kaya si Nardo? Kumusta na kaya siya?” tanong niya sa isip.
Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho siya bilang sekretarya sa isang malaking kumpanya sa Makati. Hindi niya rin inasahan na muling magku-krus ang landas nila ng lalaking labis niyang minahal.
“Nardo?”
“Dina? Kaytagal kitang hinanap,” sabi ng lalaki nang makita siya nito sa pinuntahan nilang seminar.
Ang dating pag-ibig ay ‘di agad natatalikuran kaya…
“Hindi mo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Nagpakasal ako kay Edna nang hindi ko kagustuhan. Nagsasama kami ngunit walang pag-ibig. Ipinagkasundo lang kami ng aming mga magulang noon. ‘Di naiwasan na nagkaroon kami ng anak dahil gusto ng mga magulang niya na magkaroon ng apo. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama namin ay magkaibigan lang ang turing namin sa isa’t isa. Pero nang makilala kita ay doon ko naramdaman na ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko at alam kong ikaw ang para sa akin,” wika ni Nardo.
“Kahit na, ang iyong anak at asawa ay ‘di dapat ipagwalang bahala,” sambit ni Dina.
At muling nagsalita si Nardo…
“Wala na siya, Dina. Anim na buwan na siya namayapa dahil sa sakit na k*nser sa baga. Hanggang ngayon ay mahal pa rin kita. Hindi kailanman nawala ang aking pag-ibig sa iyo. Pakiusap, bigyan mo ulit ako ng pagkakataon na muling pumasok diyan sa puso mo kung matatanggap mo pa rin ako at ang aking anak,” sinserong sabi ni Nardo.
Dahil hindi rin naman nawala ang pag-ibig ni Dina sa dating kasintahan ay nakahanda niya ulit itong tanggapin sa buhay niya.
“Oo, Nardo. Handa akong maging ina para sa iyong anak. Mahal pa rin kita, kaya nakahanda pa rin akong bigyan ka ng isa pang pagkakataon. Iyon ay hindi ko maipagkakaila pa,” tugon ni Dina kay Nardo.
Ipinagtapat ni Dina kay Nardo na nagbunga ang pagmamahalan nila ng isang sanggol na babae. Tuwang-tuwa ang lalaki na sa wakas ay magiging ama na ulit siya. ‘Di nagtagal ay ikinasal sila ni Dina at bumuo ng sarili nilang pamilya. Napamahal din kay Dina ang anak na lalaki ni Nardo at itinuring din nitong tunay na kapatid ang anak ni Dina.
Sa nangyari ay sila talaga ang tunay na itinadhana sa isa’t isa.