Inday TrendingInday Trending
Nagalit ang Lalaki nang Malamang Binabae Pala ang Kaniyang Naka-Table; May Karapatan na ba Itong Manakit Dahil Lang Hindi Nito Gusto ang Kasarian ng Kapwa?

Nagalit ang Lalaki nang Malamang Binabae Pala ang Kaniyang Naka-Table; May Karapatan na ba Itong Manakit Dahil Lang Hindi Nito Gusto ang Kasarian ng Kapwa?

Maagang nagising si Celine, imbes na mahiga at manatili muna sa kaniyang kama ay minabuti na lamang niyang maligo at magkakape siya pagkatapos, dahil magbabantay pa siya ng kaniyang tindahan.

Habang nagkakape at inaasikaso ang mga nakakalat sa kaniyang tindahan ay nakita niyang papalapit sa tindahan niya si Zia, ang kaibigang b@kla. Imbes na ngiti ang isalubong sa kaibigan ay agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita ito.

“Pagbilhan mo nga ako, mamsh ng kape,” ani Zia.

“Anong nangyari d’yan sa mukha mo, Zia?” Gulat niyang tanong.

Umiling ito saka malungkot na ngumiti. “Napag-tripan ako kagabi, mamsh ng kutomer namin sa bar,” paliwanag nito. “Akala niya daw kasi totoo akong babae, kaya no’ng nalaman niyang lady boy pala ako’y nagwala siya at sinuntok ako.”

“Tapos?” Aniya.

Wala man siya sa pangyayari’y nanggigigil siyang isipin na may mga tao pa rin talagang hanggang ngayon ay mga mangmang pa rin sa mga kagaya nila. Tao pa rin sila, iniba man nila ang sarili nila at hindi sinunod ang tunay nilang kasarian, tao pa rin sila at nangangailangan ng pagtanggap!

“Ang sabi nang kasamahan kong waitress, nabulungan niya daw iyon no’ng una na hindi ako tunay na babae. Kaso nagpumilit daw na ‘yong hombre na i-table ako. Gusto pa nga sana akong ilabas, buti na lang talaga’y hindi ako pumayag,” ani Zia sabay himas sa mga sugat na natamo.

Nilapitan ni Zia ang kaibigan saka sinuring maigi ang mga sugat na natamo nito sa mukha. Lahat nangingitim dahil sa malakas na pagkakabugbog. Hinila niya ito saka pinapasok sa loob ng bahay. Gagamutin niya muna ang kaibigan, bago ito pauuwiin.

“Nasaan na ang lalaking gumawa nito sa’yo?” Tanong niya habang nilalagyan ng ointment ang mga sugat nito.

“Nandoon na sa presinto. Pupunta nga ako doon mamaya upang sampahan siya ng kaso,” anito.

“Sasamahan kita!” Agad na wika ni Celine. “Pasampal ako sa kaniya dahil sa ginawa niya sa’yo. Tandaan mo, Zia, kailanman ay hindi mo naging kasalanan kung bakit naging ganyan ka. Kung b@kla ka man ay wala silang pakialam, hangga’t wala kang naaapakang ibang tao’y wala silang karapatan na saktan ka!” Gigil pa rin na wika ni Celine. “Nagpa-medical ka na ba?”

Tumango si Zia. “Kagabi matapos niya akong bugbogin ay dinala ako ng mga pulis sa Ospital at pina-medical. Iyon daw kasi ang magiging katibayan ko kapag sinampahan ko siya ng kaso.”

Matapos gamutin ang kaibigan ay minadaling linisin ni Celine ang bahay nila. Dadaanan siya mamaya ni Zia, upang isama sa presinto, magsasampa ng kaso sa walang hiyang lalaking bumugbog sa kaibigan.

Pagkarating sa presinto… mayamaya lang ay ipinagharap na si Zia at ang lalaking bumugbog rito kagabi. Nang makita ni Celine ang preskong mukha ng lalaki ay agad niya itong sinugod at binigyan ng mag-asawang sampal, ganti sa ginawa nito sa kaibigan. Mabuti na lang at agad siyang napigilan ng mga pulis dahil kung hindi ay baka nadagdagan pa niya ng anak at kaapo-apohan ang sampal rito.

“Kasi akala ko no’ng una’y totoo siyang babae! Kaso no’ng sinabi niyang isang siyang b@kla ay nagalit ako. Pakiramdam ko trinaydor niya ako!” Galit na pagdadahilan ng lalaki.

“Ang kapal ng mukha mong magalit!” Gigil na sambit ni Celine. “Alam mo ha, bastos at walang modong lalaki! Kahit ano pa man ang kasarian ng isang tao wala kang karapatang saktan siya kasi una sa lahat hindi ikaw ang nagpapalamon sa kaniya! Saka pakiramdam mo trinaydor ka kasi akala mo totoo siyang babae?

Kapal naman ng mukha mo! Sana ang sarili mo ang pinarusahan mo, kasi ikaw naman ang nag-isip na babae siya, hindi naman siya nagkunwari o nagpanggap na babae siya! Pasalamat ka pa nga inamin sa’yo e, p*este ka!” Gigil na gigil si Celine, kung pwede lang niyang durugin ang lalaki sa mga kamay niya’y baka ginawa na niya.

“Tama na mamsh,” pigil ni Zia sa kaniya. “Matatanggap niya ang tamang parusa para sa kaniya.”

Sinampahan siya ng kaso ni Zia at ayon sa kinauukulan ay makukulong ang lalaki ng hindi baba sa lima o anim na taon dahil sa ginawang panggugulo nito sa bar at sa pambubbugbog sa kaniya. Sa kaalamang iyon ay masaya na rin si Celine at Zia. Mapaparusahan rin ang lalaki at sana maging aral sa iba ang nangyari dito.

Hangga’t walang masamang ginagawa sa’yo ang isang tao, huwag mo silang sasaktan dahil lang sa hindi mo sila tanggap. May mga kaniya-kaniya tayong buhay, kaya atupagin mo ang sarili mo at huwag makialam sa iba,

Advertisement