Inday TrendingInday Trending
Naging Amo ng Dalagang Ito ang Impakta Niyang Kaaway, Binaboy Niya ang Kape Nito Upang Makaganti

Naging Amo ng Dalagang Ito ang Impakta Niyang Kaaway, Binaboy Niya ang Kape Nito Upang Makaganti

“Hoy, kahit anong kapal ng itapal mong make-up sa mukha mo, kung nakasimangot ka naman, hindi ‘yan tatalab sa’yo! Itong sangkatutak na dokumento ba ang dahilan?” pang-uusisa ni Cari sa kaniyang kaibigan saka niya pinakialaman at binasa ang ikang dokumentong nakaayos sa lamesa nito, “Teka, Ms. Marie Sionson, saglit, si Marie? Iyong impaktang kulot na kaaway natin noong hayskul? Siya na ang bagong boss mo?” pagtataka niya.

“Sinabi mo pa! Kaya nga inis na inis ako, eh! Tignan mo, ha? Alas otso ang oras ng pasok ko, alas sais pa lang, tinatawagan na niya ako at sinasabing kailangan niya raw lahat ng dokumentong ito ngayong araw! Kahapon niya lang ito binigay sa akin bago ako umuwi!” reklamo ni Mayeth habang inaayos ang kaniyang mga damit.

“Ay, baka naghihiganti sa iyo?” taas kilay na sambit nito.

“Pakiramdam ko rin sinasadya nitong pahirapan ako. Pwes, makakatikim siya ng hilim na ganti ko,” ngisi niya habang kumekendeng dahilan upang mapapalakpak ang kaniyang kaibigan.

“Bongga! Ikwento mo sa akin mamaya, ha? Basta, mag-ingat ka, mahirap na nawalan ng trabaho, wala kang mapapakain sa mga magulang mo!” paalala nito habang tinutulungan niyang isalansan sa kaniyang bag ang mga dokumentong ito.

“Alam ko! Alis na ako!” paalam niya saka agad na lumabas ng inuupahan nilang silid.

Sekretarya ng isang gwapong mayamang binata ang dalagang si Mayeth. Bukod sa maganda itong magpasweldo, napakabait pa nito at maginoo dahilan upang ganoon niya labis na mahalin ang kaniyang trabaho.

Tuwang-tuwa pa siya dahil halos buong araw, poging binata lang ang kaniyang kasama sa isang malaking opisina dahilan kung minsan, pangarapin niyang maging kaisang dibdib ito sa hinaharap.

Wika niya pa, “Kung siya man ang mapangasawa ko, hindi ko na kailangan pang magbanat ng buto! Sana mahulog sa natural kong ganda at sipag ang binatang ‘to!”

Ngunit isang araw, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Biglang dumating sa opisinang iyon ang matalik niyang kaaway sa lahat ng bagay noong siya’y hayskul pa lamang dahilan upang ganoon na lang mag-init ang ulo niya.

Tatanungin niya pa lang sana kung anong ginagawa nito sa kanilang opisina, bigla na itong pinakilala ng gwapo niyang amo sa kaniya.

“Ah, eh, Mayeth, si Marie nga pala, nobya ko, siya na rin ang bagong amo mo sa kumpanyang ito. Lilipat na ako sa branch ng Cebu, eh, siya na ang mamamahala rito. Sana magkasundo kayo gaya ng pagkakasundo natin,” nakangiting sambit nito habang nakataas ang kilay ng babaeng pinapakilala nito.

Simula noon, naging kalbaryo na ang araw-araw niyang pagtatrabaho sa kumpanyang ito. Sobra-sobrang trabaho ang pinapagawa ng naturang dalaga sa kaniya na halos para bang siya na ang may-ari ng naturang kumpanya.

Noong araw na ‘yon, pagdating niya sa kanilang opisina, agad siyang pinagtimpla ng kape ng naturang dalaga, pinapahanap din siya nito ng pizza at pinapahugasan ang lahat ng basong nagamit nito sa pagkakape dahilan upang siya’y marindi. Sa sobrang inis niya, habang tinitimpla niya ang kape nito, naisipan niya itong babuyin upang makabawi.

Dinuraan niya ang mainit na tubig na kinuha niya saka ipinunas sa kaniyang kilikili at paa ang kutsarang pinanghalo niya rito saka siya ngumisi at lumingon sa kaliwa’t kanan bago bumalik sa kanilang opisina.

Ngunit, bago pa man niya maibigay ang kape sa naturang dalaga, biglang dumating ang dati niyang amo. Wika nito, “Mayeth, ikaw ang uminom ng kapeng iyan,” dahilan upang ganoon siya magulat.

“Sir, napadalaw po kayo? Bakit naman po ako ang iinom? Kay Ma’am Marie po iyan, sir, nakakahiya naman,” pagpapalusot niya.

“Binabantayan kita sa CCTV at nakita ko ang ginawa mo. Sa katunayan, pagsubok lang ang lahat ng ito upang lubusan kitang makilala at para masama kita sa Cebu. Hindi ko siya nobya, pinsan ko siya. Pero sa pinakita mo sa akin, kahit ano mang nakaraan niyong dalawa, hindi rason para babuyin mo ang trabaho mo,” diretsahang sambit nito na ikinagulat niya, “Pasensiya ka na, kailangan na kitang bitawan ngayon. Hindi ko na hihintaying sa akin mo ‘yan gawin,” dagdag pa nito saka lumisan sa silid na iyon.

Wala siyang ibang magawa kung hindi ang maiyak dahil sa labis na pagkagulat. Labis siyang nanghihinayang sa oportunidad na nasayang niya dahil sa ugali niya.

Hindi man siya nawalan ng trabaho sa kumpanyang iyon, binaba naman ang pwesto niya dahilan kaya ganoon na lang siya malungkot sa buhay. Napagtanto niyang sa trabaho, hindi niya kailangang dalhin ang bigat ng nakaraan niya at ang problema niya sa isang tao.

Advertisement