Minamaliit ng Isang Ginang ang Nanay ng Bata na Isang Domestic Helper; Makalipas ang Ilang Taon ay Matutulala na Lang Siya sa Naging Buhay ng mga Ito

“Ang ganda naman ng eroplanong ‘yan, Brix. Siguro ay mahal ‘yang ganiyan, ano?” bati ni Pancho sa laruan ng kaniyang kalaro.

“Oo, uwi sa akin ‘to ng mommy ko galing ibang bansa. Ang dami pang nagagawa nito. Nabubuksan din ang mga pinto. Gusto mong tingnan?” alok naman ni Brix. 

“Sige ba!” masayang tugon ng bata.

“Nakakatuwa naman talaga itong laruan mo, Brix. Sana ay magkaroon din ako ng ganito. Pangarap ko kasi talaga paglaki ko ay maging isang piloto!” pahayag pa ni Pancho.

Maya-maya ay nakit ni Leslie, nanay ni Brix na ipinahihiram ng anak ang binili nitong laruan.

“Brix, pumasok ka nga dito sa bahay! Kung kani-kanino mo pinapalaro ‘yan, napakamahal niyan. Pag nasira ‘yan ay ikaw naman ang walang lalaruin,” sita ni Leslie sa anak.

Agad na ibinalik ni Pancho ang laruan sa kaniyang kaibigan.

“Pasensiya na po. Gusto ko lang naman pong makita ang laruan niya,” wika ni Pancho sa ginang.

Advertisement

“Ito na ‘yung laruan mo, Brix. Hayaan mo kapag tumawag ang nanay ko ay magsasabi rin ako sa kaniya na ibili din ako ng ganiyang laruan para pareho na tayong mayro’n niyan at sabay tayong maglalaro,” dagdag pa ng bata. 

“Imposibleng makabili ng ganiyang kamahal na laruan ang nanay mo. Hindi naman kami parehas ng nanay mo ng trabaho. Magkano lang ba ang kinikita niya sa pagdo-domestic helper niya? Katulong lang ang nanay mo sa Dubai. Hindi katulad ko na isang Interior Designer,” pagmamalaki ni Leslie.

Napayuko na lamang ang bata dahil sa ginawang ito ng nanay ng kaniyang kalaro.

Kinabukasan ay tumawag kay Pancho ang inang si Beth. Nagtatanong ito kung may nais bang pasalubong ang anak.

“Nanay, may nakita po akong laruan na eroplano ni Brix. Sobrang ganda po talaga nun. Gusto ko rin sana kaso ang sabi po ng nanay niya ay mahal. Kaya uwian nyo na lang po ako kahit simpleng eroplano. Basta eroplano, ayos na po ako do’n. Ang importante po ay makasama ko na kayo!” wika naman ni Pancho.

Nang makauwi galing ibang bansa si Beth ay agad niyang ibinigay ang regalo sa kaniyang anak. Isa itong simpleng eroplano lamang ngunit lubos ang sayang nararamdaman ng bata.

Masaya siyang nakipaglaro muli kay Brix.

Hindi maiwasan ni Pancho na ilahad sa kaniyang kaibigan ang pangarap na maging isang piloto.

Advertisement

Nang marinig ito ni Leslie ay lubos nitong pinagtawanan ang sinabi ng bata.

“Sa tingin mo ba ay matutupad ang pangarap mo? Ni hindi ka nga naibili ng ganitong eroplano, pag-aaralin ka pa na maging isang piloto? Dapat ay mayaman ka para matupad ang pangarap mo. Sa trabaho ng nanay mo ay talagang imposible pa sa imposible ang sinasabi mo. Kung ako sa’yo ay maghahanap na lang ako ng ibang pangarap!” natatawang sambit ng ginang.

Lumuluhang umuwi ng bahay si Brix.

Nagtaka si Beth nang makita ang anak na umiiyak.

“Ano ang nangyari?” tanong nito sa anak.

“Nasaktan lang po ako sa sinabi ni Aling Leslie. Sabi niya po ay hindi matutupad ang pangarap ko na maging isang piloto dahil katulong lang daw kayo at hindi tayo mayaman,” lahat ni Pancho sa ina.

“Huwag mo na siyang pansinin, anak. Ang dapat mong gawin ay lalo kang magsumikap. Kahit na kasambahay lang ako sa ibang bansa ay gagawin ko ang lahat para matupad ang parangap mo. Kaya huwag ka nang umiyak,” wika ni naman ni Beth.

Lumipas ang mga panahon at ginamit ni Pancho ang mga katagang ito na maging inspirasyon sa pagtupad ng kaniyang mga pangarap. Nais niyang sa kaniyang paglaki ay hindi na magtrabaho pa ang kaniyang ina sa ibang bansa. Higit pa roon ay nais niyang ipagmalaki siya ng kaniyang ina.

Advertisement

Dahil sa pagsusumikap at sa pagnanais na masuklian ang pagtitiyaga ng ina na maghanapbuhay sa ibang bansa ay sinikap ni Pancho na makatapos. Hindi nagtagal ay naging isang ganap itong piloto. 

Samantala, hindi naman nakatapos si Brix sa kaniyang pag-aaral. Nabarkada ito at napasok pa sa iba’t ibang uri ng gulo. Naging sakit ito sa ulo ng kaniyang inang si Leslie.

Sa paliparan ay nagkita ang landas nila Brix kasama ang inang si Beth at nang ginang na si Leslie. Wala itong kaalam-alam sa sinapit ng binata.

“Ihahatid mo ba ang nanay mo pabalik ng Dubai. Tamang-tama ay pabalik na rin ako. Nakakalungkot lang dahil sa edad niya ay isa pa rin siyang kasambahay,” pagmamataas ni Leslie.

“Sa katunayan ay hindi po. Matagal na pong nagretiro ang nanay ko sa pagiging kasambahay niya,” tugon naman ni Pancho.

“Ah, siguro may biyahe kayo pauwing probinsya?” wika pa ng ginang. 

“Hindi rin po,” maiksing tugon ni Pancho.

Maya-maya ay napansin na lamang ni Leslie na maraming bumabati dito kay Pancho na tila sikat siya sa paliparang ito. Hanggang sa isang cabin crew ang lumapit sa binata.

Advertisement

“Kapitan, ingat po kayo sa byahe niyo ng nanay niyo,” wika ng dalaga. 

“Kapitan?” pagtataka ni Leslie.

“Isang piloto po dito si Captain Pancho. Ang pinakabata at isa pinakamagagaling na piloto,” tugon ng babae.

Hindi akalain ni Leslie ang kaniyang narinig. Ang batang kaniyang minamata-mata noon ay isang ganap ng piloto.

“Narito po kami ng nanay ko para sa isang byahe sa ibang bansa. Humingi po kasi ako ng bakasyon para mailibot ko ang nanay ko sa maraming bansang gusto niyang puntahan. Sige po at kailangan na naming umalis,” paalam ng binata.

Labis na natulala ni Leslie. Ni sa panaginip ay hindi niya akalaing matutupad ni Pancho ang kaniyang pangarap. Ngayon naman ay ililibot pa nito ang kaniyang ina sa maraming bansa.

Labis na inggit ang kaniyang naramdaman sapagkat sa kanilang edad ay kailangang bumalik ni Leslie sa Dubai upang magtrabaho. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawa ng malaya ang kaniyang mga gusto dahil marami pa siyang pagkakautang na kailangang bayaran at sinusuportahan pa rin niya si Brix at ang mga pangangailangan nito.

Napailing na lamang si Leslie. Tila karma kasi sa kaniya ang nangyari sa panghahamak niya sa mag-ina. Ngayon ay pinatunayan sa kaniya na walang imposible basta magpupursige ka sa buhay.