Inday TrendingInday Trending
Habang Nasa Ibang Bansa ang Lalaki ay Pinatulan Naman ng Nobya Niya ang Kaniyang Kapatid; Ano na ang Mangyayari sa Relasyon Nila?

Habang Nasa Ibang Bansa ang Lalaki ay Pinatulan Naman ng Nobya Niya ang Kaniyang Kapatid; Ano na ang Mangyayari sa Relasyon Nila?

Tatlong taong nagtrabaho si James sa New York. Isa siyang mahusay na inhinyero kaya kabi-kabila ang proyekto niya. Napagdesisyunan niya na bumalik na sa Pilipinas upang paglingkuran namanang sariling bansa. Siyempre, gusto na rin niyang umuwi dahil miss na miss na niya ang kasintahan na si Vanessa. Limang taon na silang magkarelasyon at napag-uusapan na nga nila ang nalalapitnilang pagpapakasal. Tulad niya ay isa ring propesyunal ang nobya, isa itong dentista at may sariling klinika sa Makati.

Nang sumapit ang pagdating niya sa Maynila ay agad siyang dumiretso sa condo ni Vanessa. Sosorpresahin niya ito, may dala pa siyang pumpon ng mamahaling rosas at tsokolate. May duplicate key siya sa unit ng babae kaya pumasok na siya sa loob. Alas kuwatro pa lang ng hapon kaya sa isip niya ay hindi pa tapos ang trabaho nito sa klinika. Pero laking gulat niya nang buksan ang pinto ng kwarto ng nobya.

“‘T-tol?! V-Vanessa?!”

Kitang-kita niya ang nobya at ang nakatatanda niyang kapatid na si John, magkayakap at naghahalikan pa. Nawindang din ang dalawa nang mapalingon sa kaniya.

“J-James?!” sabi ng kapatid.

“Oh, no!” sambit naman ni Vanessa na biglang itinulak ang lalaki palayo.

Walang kasing sakit ang eksenang sumalubong kay James. Nagpapakahirap siyang kumayod sa ibang bansa para sa kinabukasan nila ng kaniyang nobya, pero iba pala ang pinagkakaabalahan nito, at sariling kapatid pa niya ang pinatulan.

“Hindi ko akalaing kayo na pala? D-dito pala humantong ang closeness niyong dalawa,” galit niyang sabi.

Nang magtrabaho siya sa New York ay naging abala na siya, minsan ay nakakalimutan niyang tawagan o i-text man lang ang nobya. Sa isang linggo ay isang beses na lang silang nakakapag-usap. Sa mga panahong iyon ay naging mas malapit si Vanessa sa kapatid niyang si John. Mabait din kasi ang lalaki at maalaga. May sense of humor din itong kausap kaya madaling nahulog ang loob ng babae rito. Lingid sa kaalaman niya na lihim na nagkaroon ng relasyon ang dalawa, hindi rin kasi napigilan ng kapatid niya na magkaroon ng pagtingin kay Vanessa na bukod sa maganda na ay matalino pa. Matatanggap niya sana kung ibang lalaki, eh, pero kuya pa niya ang sumulot sa babaeng mahal niya kaya wasak na wasak ang puso niya. Muli siyang bumalik sa New York para lunurin ang sarili sa trabaho, para makalimutan niya ang sakit na idinulot ng mga taong labis niyang pinagkatiwalaan.

Pagkatapos ng limang taon, lipas na ang sugat…pero hindi ang damdamin ni James. Nang muli silang magkita ni Vanessa…

“Hindi rin pala kayo nagkatuluyan ni Kuya John…pero, Vanessa…aaminin ko, mas malaki ang pag-ibig ko sa iyo kaysa sa hinanakit na iniwan mo sa akin, iniwan niyo ng kapatid ko,” sabi niya.

“Patawarin mo na kami, James…kahit ako, lumipas man ang ilang taon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa iyo, mahal pa rin kita. Malaki ang pagkakaiba niyong dalawa ng kuya mo, seloso pala siya kaya hindi rin kami nagtagal,” tugon ng babae tapos ay niyakap siya.

Hindi na rin napigilan ni James ang tunay na nararamdaman sa dating nobya.

“Ako rin…mahal pa rin kita, Vanessa. Hindi ka pa rin nawawala sa puso at isip ko. Kalimutan na natin ang lahat, huwag na lang nating pag-usapan…as if walang nangyari, okey?” wika niya.

“James…akala ko’y mahal pa rin kita, James. Thank God,” naiiyak na sabi ni Vanessa na puno ng pagsisisi sa mga nagawang kamalian noon.

Ang anumang kulang at pagkakamali sa nakaraan ay nababawi kaya muli silang nagkabalikan. Sinubukan nila ulit na buuin ang kanilang nasirang relasyon. Kahit ang relasyon nila ng kapatid niyang si John ay naayos na rin pero isang araw ay kinausap siya nito.

“Alam kong tapos na ang istorya namin ni Vanessa, pero may hihilingin sana ako sa iyo, ‘tol,” anito.

“Ano iyon?”

“Gusto ko ulit maging close sa kaniya. After all, alam ko namang isang araw, formally ay maging hipag ko siya,” sabi ng kapatid.

Saglit na nag-isip si James.

“Bakit humihingi ka pa sa akin ng permiso?” tanong niya.

“Kung gayon ay pwede, ‘tol? Salamat, ang akin lang naman eh, magiging parte na siya ng pamilya natin kapag nagpakasal na kayo tapos nagkakailangan kami, parang hindi kasi okey, ‘di ba? Naging aloof na siya sa akin mula noon…hanggang ngayon, pag nagkikita kami, kung pwede lang ay hindi niya ako kausapin. Naaalangan kasi ako sa ganoong sitwasyon, ‘tol…kung kakausapin ko siya para maging close ulit kami, susundin ka niya,” saad pa ng kapatid.

Ang totoo, may bahid pa rin ng pilat ang sugat na naiwan noon.

“Tatanungin ko muna siya kung gusto niya, kuya. Ayoko siyang pangunahan, pero kung ako ang tatanungin ay hindi maaari ang gusto mo, pero kung pumayag naman siyang maging close ulit kayo, siguruhin mo lang na hindi na mauulit ang kahapon dahil minsan lang akong magpapatawad, kuya, minsan lang,” makahulugan niyang tugon.

Sinabi niya kay Vanessa ang napag-usapan nila ng kapatid.

“Ganoon ba ang gusto niyang mangyari?” tanong ng babae.

“Minsan na kayong naging close pero natukso kayo sa isa’t isa. Kung ibibigay ko pa sa inyo ang pangalawang pagkakataon, paano ako makakasiguro na hindi na mauulit ang panloloko ninyo sa akin? Isipin mo nang makitid ang utak ko o takot, pero hindi ko na mapapayagang mapunta ka ulit kay kuya. Pasensyahan na lang kami kung ipagdamot kita sa kaniya,” sagot niya.

Hinawakan ni Vanessa ang kaniyang pisngi at tinitigan siya sa mga mata niya.

“Ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko, James, ay noong patulan ko ang kuya mo no’ng panahong nalulungkot ako at nami-miss kita. Ang totoo ay ayoko nang maging close pang muli sa kaniya kahit kailan dahil nagpapaalala lang siya ng malaking pagkakamaling ginawa ko noon,” wika ng babae.

“In that case, pareho na lang tayong maging makitid ang utak o takot para iiwas ang isa’t isa sa iba,” sabi ni James sa nobya.

“Hindi lang sa kuya mo, kundi sa lahat ng posibleng tuksong darating sa ating dalawa, James,” saad pa ni Vanessa.

Mula noon ay pinanindigan nila ang kanilang desisyon upang wala nang hahadlang pa sa ikalawa nilang pagkakataon para magmahalan.

Advertisement