Kahihiyan Daw ang Relasyon ng Dalagang Ito Dahil sa Kaniyang Estado, Sa Huli’y Hindi Siya Makapaniwala sa Malaking Rebelasyon ng Nakaraan Niya

“Anak, napakarami namang lalaki riyan bakit si Andres pa? Kahit ako, karumi-rumi ang magiging tingin ko sa’yo,” wika ni Ginang Ramirez, nanay ng dalaga.

“Nasasabi mo lang ‘yan, ‘ma, kasi tinitignan mo ako bilang isang guro at hindi bilang isang anak mo. 37 anyos na ako,’ ma, at ngayon lang ako naging masaya. Ngayon lang ako kinilig sa tanang buhay ko,” sagot naman ni Vivian, nag-iisang anak ng ale.

“Punong guro ako ng eskwelahan natin. Hindi mo man lang ba naisip kung anong ang sasabihin ng ibang guro at mga magulang sa akin? Na sarili kong anak ay hindi ko man lang napalaki ng maayos? Tama na ang usapan na ito, hiwalayan mo ‘yang si Andres,” utos muli ng nanay niya.

“25 anyos naman na si Andres, ‘ma, anong masama sa relasyon namin?” naiiyak na baling ng dalaga.

“Anak, bukod sa estudyante ko noon ‘yang batang ‘yan ay naginge estudyante mo rin ‘yun! Hindi mo na ba naalala? Isa pa, yung mga ganiyan edad ay hindi pa seryoso sa buhay may asawa. Makakahanap pa ‘yan ng mas bata sa’yo at ka-edad niya,” pagpupumilit pang muli ng ginang.

Hindi na nagsalita pa si Vivian at napa-iyak na lamang ito sa isang sulok.

Halos dalawang taon nang makarelasyon si Vivian at ang nobyo nitong si Andres ngunit itinago muna nila ito sa marami hanggang sa unti-unti ay marami nang nakakapansin sa kanilang dalawa. Noong unay ay tanggap naman ng babae ang malaking agwat ng edad nila at hindi iyon naging problema ngunit mas naging usap-usapan ngayon ang pagiging guro nito rati sa nobyo.

“Vivian, gising na! Tanghali ka na, ano bang nangyayari sa’yong bata ka! Kung kailan ka naman tumanda ay saka ka naman tinamad nang ganiyan,” katok ni Ginang Ramirez sa kwarto ng babae.

Advertisement

Ngunit walang sumagot dito at bukas na rin ang kwarto. Nakita niyang wala na rin ang mga damit ng kaniyang anak.

“Anak ng! Talaga namang pag-ibig ‘yan!” baling ng ginang at kaagad na kinuha ang telepono niya upang tawagan ang anak.

“Ma, patawarin mo ako pero kung hindi mo kayang mabuhay nang dahil sa kasiyahan ko ay kahihiyan mo, aalis na lang ako. Magpapakalayo-layo kami ni Andres, sa lugar kung saan walang nakakakilala sa amin,” sagot kaagad ni Vivian sa kanya.

“Paano ka bubuhayin niyang lalaking ‘yan, aber? Tumigil ka nga at mag-isip,” mataray na sagot ng ginang.

“Sa pagmamahal, ‘ma, sa pagmamahal niya ako bubuhayin. Magpapakalayo-layo kami at papatunayan sa inyong lahat na walang mali at wala kaming nilabag na batas sa pag-iibigan namin na ito. Gusto ko lang pakinggan ang puso ko, kahit ngayon lang,” umiiyak na sagot nito at tinapos na ang pakikipag-usap sa ina.

Hindi makapaniwala si Ginang Ramirez na iniwan siya ng kanyang kaisa-isang anak. Noong una ay pinabayaan niya lamang ito at nananalig na babalik din ang babae sa oras na makaranas ng hirap sa buhay na pinasok nila ngunit hanggang sa lumipas na ang taon ay tuluyan siyang nawalan ng balita sa dalawa. Itinuo na lamang niya ang pansin sa pagtratrabaho hanggang sa nagretiro at namuhay na mag-isa sa kaniyang bahay.

“Ma,” katok ng isang babae na pamilya ang boses sa kaniya.

“Vivian, ikaw ba ‘yan?” tanong ng ginang rito.

Advertisement

“Ma, kasama ko ang mag-ama ko. Alam kong hindi mo pa rin kami tanggap pero nandito lang ako para kamustahin ka,” sabi ng babae.

“Anak, patawarin mo ako!” yakap ng ginang.

“Ma, ako ang patawarin mo dahil iniwan kita ng ganun na lang,” sagot ni Vivian rito.

“Anak, kung hindi mo iyon ginawa ay baka natulad ka lamang sa akin. Tumanda sa pagtuturo at walang kasama,” malungkot na sagot ng kaniyang ina.

“Pero, ‘ma, nandito ako, hindi naman puro pagtuturo ang buhay niyo noon. Binuhay niyo ako,” nakangiting sagot nito sa ginang.

“Masaya ako, anak, na hindi ka tumulad sa akin,” wika ng ale sa kaniya.

“Ano pong ibig niyong sabihin?” naguguluhang tanong ni Vivian.

“Nagkaroon din ako ng nobyo noon ngunit mas bata sa akin at pakiramdam ko ay magiging pabigat siya sa akin kaya nakipaghiwalay ako nang hindi sinasabi sa kaniya na nabuo ka na sa sinapupunan ko. Akala ko noon ang pagiging guro lamang ang magpapasaya sa akin pero nung nawala ka ay marami akong napagtanto. Maraming mas mahalagang bagay bukod sa pangarap at isa na rito ay ang araw-araw na kasiyahan natin bilang isang indibwal. Kaya patawarin mo ako kung natakot akong magaya ka sa akin at mabunyag ang sikretong matagal ko nang itinatago,” siwalat ni Ginang Ramirez dito.

Advertisement

“Ibig sabihin, hindi pa yumao ang tatay ko? Hindi totoong nakaburol siya sa probinsiya?” naguguluhang tanong nito.

“Totoo, anak, totoong wala na ang ama mo. Nawala siya ng hindi ko man lang naipaglalaban ang pagmamahalan namin kaya huwag kang gagaya sa akin. Sundin mo ang puso mo,” sagot muli nito sa kaniya. Hindi na nagsalita pa si Vivian at niyakap na lamang ng mas mahigpit ang kaniyang ina. Sa mga oras na iyon ay nagkapatawaran na ang dalawa at ngayon ay masayang magkakasama.