Inday TrendingInday Trending
Huwag Niyong Matahin Ang Pamilya Ko, Minahal Ko Lang Ang Anak Niyo

Huwag Niyong Matahin Ang Pamilya Ko, Minahal Ko Lang Ang Anak Niyo

“Tita sana naman po hayaan niyo akong makita si Jeanmar at ang anak namin,” nagmamakaawang pakiusap ni Ronald.

“Hindi kita gusto para sa anak ko, Ronald! Tatanggapin ko ang anak ko, pero hindi kita matatanggap kailanman!” sighal na wika ni Aleng Melba kay Ronald.

Mula noong bago pa lang sila ni Jeanmar ay ayaw na nito sa lalaki. Kapag dadalaw siya sa bahay nila Jeanmar ay hindi siya pinapayagan ng mga magulang nito kaya napipilitan silang magkita sa labas o ‘di kaya sa daan. Nagmamahalan sila ni Jeanmar kahit na tutol ang pamilya nito sa relasyon nila na lalo pang lumala nung nabuntis si Jeanmar, mas nagalit sa kaniya ang pamilya nito.

“Hindi ka karapat-dapat para sa anak ko. Isa kang dukha at walang mararating sa buhay! Iyang bahay niyong parang bahay ng aso. Pamilya kayo ng mga walang kwenta kaya hindi ka namin matatanggap! Layuan mo na ang anak at apo ko,” gilgil na wika ni Aleng Melba.

“Pero po mahal ko ang anak niyo at ang anak namin. Kaya ko naman silang buhayin dahil may trabaho ako. Mahirap lang po kami, pero marangal po kamin at hindi nang-aapak o nangmamata ng tao, tita,” mangiyak-iyak na wika ni Ronald.

Ngunit kahit anong pakiusap niya rito ay hindi talaga siya pinagbibigyan. Minsan ay tumatakas si Jeanmar upang magkita sila pero kapag nahuhuli sila ay sinasaktan ng mga ito si Jeanmar at wala siyang nagagawa upang protektahan ang babaeng minamahal.

“Tumakas na lang tayo, Ronald. Kahit anong pakiusap ko sa kanila ay hindi nila ako pinapakinggan. Ayaw nila sa’yo, dahil mahirap lang daw ang pamilya mo. Ang gusto nila kapag nag-isang taon na si baby ay irereto nila ako sa anak ng kumare ni mama na may kaya sa buhay. Pero hindi ko gusto ‘yon, Ronald. Mahal kita at ikaw ang gusto kong makasama dahil ikaw ang ama ng anak ko,” umiiyak na wika ni Jeanmar.

“Gagawa tayo ng paraan, Jeanmar. Hindi natin pwedeng gawin ang sinabi mo. Dahil lalo lamang silang magagalit sa’kin at baka tuluyan ka na nilang ilayo,” nahihirapang wika ni Ronald. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang gawin ang sinasabi ni Jeanmar pero iniisip niya ang pwedeng mangyari kapag ginawa nila iyon. Baka mas lalo silang mahirapan sa sitwasyon nila.

Kaya ang ginawa ni Ronald ay lumapit siya sa Baranggay upang humingi ng tulong kung ano ang pwede niyang gawin. Mangmang siya pagdating sa batas dahil wala naman siyang pinag-aralan. Hindi naman siya nabigo dahil agad naman siyang tinulungan ni kagawad Miguel. Kinausap nito ang mga magulang ni Jeanmar.

“Hindi ko siya kailanman matatanggap kagawad. Hindi siya nararapat sa anak namin,” wika ng ina ni Jeanmar.

“Pero Ma’am nasa tamang edad na po ang anak ninyo. Bakit hindi niyo po hayaang mag-desisyon ang anak niyo,” kausap ni kagawad rito.

“Wala pa pong sariling desisyon ang anak ko kagawad kaya kami pa rin pong mga magulang niya ang magdesisyon at alam namin na walang mapapala ang anak ko sa kaniya. Kaya lang naman nagkaka-ganyan si Jeanmar kasi bini-brain wash ng lalaking iyan e,” mangiyak-iyak na wika nito.

“Kaya po ba naisip niyong ireto sa iba si Jeanmar, kapag isang taon na ang anak namin? Ano po ba ang naging kasalanan ko sa inyo tita? Bakit ayaw niyo sa’kin? Dahil ba mahirap lang ang pamilya ko? At tsaka kailanman po hindi ko bini-brainwash ang anak niyo, hindi ko po kailangang gawin iyon dahil may sariling isip na po siya. Hindi na po siya bata para madala pa sa sinasabi ninyong brainwash,” singit ni Ronald sa usapan.

“Oo dahil alam kong mas may kinabukasan ang anak ko sa lalaking iyon kaysa sa’yo, Ronald. Nagbago ang ugali ng anak ko mula ng makilala ka niya dahil isa kang masamang impluwensiya,” agad namang sagot ng mama ni Jeanmar.

“Walang katotohanan ang lahat ng iyan ma, mahal ko po si Ronald, hindi ka po niya kailanman siniraan sa’kin. Hindi naman po sila dukha at may maayos naman na trabaho si Ronald, kaya bakit niyo ba sila minamata? Naging mabuti si Ronald sa inyo, pero lagi niyo siyang tinataboy at pinapaalis kapag binibisita niya ako dahil sabi mo ayaw mo ng dukha sa pamilya natin. Ma, masyado naman kayong nagiging matapobre.

Gusto ko na ngang magtanan na lang kami ni Ronald, pero siya mismo ang nagsabi na hindi namin gagawin iyon dahil ayaw niyang mas magalit kayo sa kaniya. Nagmamahalan po kami, kung tumatakas man kami noon, pero dahil yun masyado kayong mahigpit! May sariling isip na ako Ma, hayaan niyo na po kami. Kung magkakamali man ako, ang mahalaga ay desisyon ko iyon lahat at wala akong ibang sisisihin kung ‘di ang sarili ko lang. Tama na po ang paghawak niyo sa leeg ko,” umiiyak na wika ni Jeanmar sa ina.

“Nagsalita na po ang anak niyo mother. Tama naman po si Jeanmar, bakit hindi niyo siya hayaang mag-desisyon? Tsaka mother sana huwag kayong maging mapangmata ng tao, sa mundong ito kung mayaman ka man pagdating doon sa itaas ay pantay tayong lahat.

Pareho tayo ng inaapakang lupa, sinisinghot na hangin at ginagamit na tubig. Kaya maging pantay lang po tayo, maysado kayong foul doon sa pagiging matapobre ninyo kay Ronald. Ang mahalaga po ay magsisikap siya para buhayin ang mag-ina niya at iyon po ang mahalaga.

Lalaki ako at nasasaktan ako sa mga sinasabi niyo kay Ronald dahil mahirap lang din kami, hindi nga lang kasing matapobre ninyo ang biyenan ko,” prangkang wika ni Kagawad Miguel kay Aleng Melba. “So ganito na lang po. Ayusin natin ito at hayaan ang anak niyong mag-desisyon tutal nasa tamang edad na siya at hindi na menor de edad,” patuloy ni kagawad.

Walang magawa ang pamilya ni Jeanmar kung ‘di pumayag sa kondisyon nilang dalawa. Habang hindi pa sila ikakasal ay mananatili na muna si Jeanmar sa pamilya niya pero papayagan na nang mga ito si Ronald na dalawin silang mag-ina. Humirit pa ang ang ina ni Jeanmar na kung dadalaw man si Ronald ay dapat hanggang alas diyes lang para makapagpahinga ng maaga ang anak at apo nito. Agad namang sinang-ayunan ni Ronald.

Naging maayos naman ang lahat dahil sinusunod ni Ronald ang kondisyon ng mga magulang ni Jeanmar. Sinisikap ni Ronald na makaipon siya ng pera upang mapakasalan si Jeanmar. Para magkasama na rin silang tatlo at maging isang ganap na pamilya.

At hindi naman siya nabigo. Sinubukan din ni Ronal na mag-aral sa ALS o Alternative Learning System upang makatapos. Nagpatuloy ang lalaki sa pag-aaral hanggang sa nakatapos ng kolehiyo. Ngayon, halos ipagmalaki siya ng nging biyenan, dahil isang magaling na businessman na si Ronald.

Nakabili ang lalaki ng sariling bahay, sasakyan at nakapagbukas ng sarili nang negosyo. Ang “Ronald” na nilait-lait noon ay isa na sa pinakamayaman sa Pilipinas. Magkaganun man, nanatili pa rin silang simple at namuhay ng payapa kasama ang binubuong pamilya.

Mahirap kapag hindi ka tanggap ng magulang ng taong mahal na mahal mo. Minsan nakakaisip kang gumawa ng maling hakbang na mas lalong makakasama sa pagitan ninyo dahil sa higpit at ugali nila. Pero laging tatandaan kung mahal mo ang anak nila kailangan mong patunayan iyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng respeto sa kanila bilang sila ang magulang nito at kahit gaano kahirap ang nararanasan, kapag mahal mo wala ang salitang pagsuko.

Advertisement