Walang Awang Tinapos ng Lalaki ang Buhay ng Kaniyang Asawa; Matinding Selos Lang Pala ang Pinagmulan

Hapong-hapo, nanghihina at nanginginig ang pakiramdam ni Mang Alfonso sa balitang natanggap niya mula sa kapitbahay ng kaniyang anak na si Marie. Hindi niya alam kung paano dadalhin ang emosyong naghalo-halo sa kaniyang dibdib.

“Napaka-bata pa ni Marie,” umiiyak na wika ni Aleng Euime, ang kaniyang asawa.

“Nasaan na daw ngayon si Jobert? Put@ng ina niya! Pap@tayin ko siya sa ginawa niya kay Marie!” Galit na wika ni Anthony, ang panganay niyang anak.

Isang kalunos-lunos na balita ang bumungad sa pamilya nila nang tumawag ang kapitbahay ni Marie na si Joan, upang ibalitang pumanaw na ang kaniyang anak. Tadtad ng saks@k ang katawan ni Marie, ang suspek ay walang iba kung ‘di ang kinakasama nitong si Jobert.

Ayon sa kay Joan ay kusa namang sumuko si Jobert, matapos niyang p@tayin si Marie, na ang tanging dahilan ay selos. Ang hirap tanggapin lalo na sa kanilang mga magulang. Dapat sila muna ang mauunang mawala sa mundo. Pero sa sitwasyon ay sila pa ang maglilibing sa anak nila.

Makalipas ang isang Linggo ay naipalibing na nga nila ang labì ni Marie, na ayon sa mga pulis na nag-imbestiga’y may bente singkong saks@k sa katawan at base nga sa mga sinabi ni Jobert ay dala lamang ng selos kaya nap@tay niya si Marie.

Nakakulong na ngayon si Jobert habang hinihintay ang pinal na hatol sa kaniya. Galit man si Mang Alfonso at hindi niya alam kung kaya niyang makita ang lalaking sumira sa kinabukasan ng kaniyang anak. Ngunit alam ni Mang Alfonso na nararapat pa ring makausap niya ang lalaki.

“P-patawarin niyo po ako papa.” Nakaluhod at umiiyak na pakiusap ni Jobert. “Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa anak niyo. Pero humihingi pa rin po ako ng despensa sa lahat ng nagawa kong kasalanan,” dugtong ni Jobert.

Advertisement

“Alam mo ba kung ano-ano ang mga kasalanang nagawa mo Jobert?” Mahinahong wika ni Mang Alfonso.

Pinipilit niyang maging mahinahon. Kung susundin lamang ni Alfonso ang totoo niyang nararamdaman ay nais niyang p@tayin sa sakal ang lalaki, upang kahit papaano’y maiganti man lang ang kaniyang anak.

Ngunit hindi siya gano’ng klaseng tao. Sapat na ang pagkakakulong nito upang masabi niyang nakuha na rin ni Marie ang tunay na hustisyang nararapat.

“Noong pinasok mo ang buhay ng anak ko’y sinimulan mo nang sirain ang buhay niya. Dahil sa pagmamahal niya sa’yo kaya nagawa niyang sumuway sa’min. Binuntis mo si Marie, pero wala kang narinig sa’min. Kahit mahirap ay tinanggap namin ang nangyari sa buhay ni Marie.

Tinanan mo ang anak ko at inapakan ang pagiging magulang namin, pero wala kang narinig sa’min, Jobert. Napakarami mong kasalanang ginawa sa’min ng asawa ko at kahit hindi mo iyon inihingi ng kapatawaran ay pinatawad ka namin, dahil mahal ka ni Marie.

Pero bakit kailangang umabot sa pagtapos sa buhay ni Marie?” Hindi na napigilan ni Alfonso ang pagpiyok ng boses. “Sa dami ng kasalanan mo’y pinili naming tanggapin ka’t patawarin. Pero hindi na siguro sa pagkakataong ito.

Hindi mo lang sinira ang kinabukasan ni Marie, Jobert. Pinutol mo pa ito dahil lang sa walang kwenta mong mga dahilan! Patawarin ako ng Diyos Ama, pero gustong-gusto kong ipaghiganti ang anak ko at p@tayin ka. Hindi makatao ang pagp@tay mo sa kaniya.

Ginawa mo siyang hayop na walang laban,” humahagulhol na wika ni Mang Alfonso. “Hindi ko inalagaan at pinalaki si Marie para p@tayin mo lang, Jobert. Sana ibinalik mo na lamang siya sa’min kung nagsasawa ka na sa kaniya. Ibinalik mo nga siya sa’ming mag-asawa, pero wala na siyang buhay!” Tumatangis na wika ni Mang Alfonso.

Advertisement

Napakasakit mawalan ng anak. Walang salita ang kayang ihambing sa sakit na nararamdaman ng isang magulang kapag nawalan sila ng anak.

“Handa akong tanggapin ang parusang ipapataw sa’kin papa,” humihikbing wika ni Jobert. “Patawarin niyo sana ako pati ni mama. Alam kong napakahirap, pero lagi kong ipagdarasal na balang araw ay magawa niyo rin akong patawarin. Patawarin niyo ako pa,” tumatangis na wika ni Jobert.

Labis na pinagsisihan ni Jobert ang kri*meng nagawa. Kung maaari lamang niyang ikutin pabalik ang oras. Sana’y umiwas na lang muna siya at hindi nagpadala sa galit ng makitang may ibang lalaking kahalikan si Marie sa araw na iyon.

Wala nang saysay ang paliwanag niya kung sakali mang magpapaliwanag siya, sapagkat mas mabigat ang nagawa niyang kasalanan sa kaniyang asawa. Masyado siyang nagpadala sa nag-aapoy niyang emosyon. Wala ngang pagsisising nauuna, sapagkat palagi itong nahuhuli.

Ano man ang parusang nararapat sa kaniya’y buong puso niyang tatanggapin. Hindi man madaling hingin… sana’y dumating ang araw na mapatawad rin siya ng pamilya ni Marie— lalong-lalo na ng dalawa nilang anak.