Inday TrendingInday Trending
Pinaikot-ikot ng Lalaki ang Imbestigasyon sa Isang Karumal-dumal na Pangyayari; May Sikreto Pala Siyang Itinatago sa Lahat

Pinaikot-ikot ng Lalaki ang Imbestigasyon sa Isang Karumal-dumal na Pangyayari; May Sikreto Pala Siyang Itinatago sa Lahat

“Nasaan ka noong nangyari ang kri*men?” Tanong ni SPO2 Santos na nasa investigation team at s’yang may hawak ng kasong mass*cre.

“Nasa bahay po ako ng barkada kong si Ivan, naglalaro po kami ng DOTA. Pag-uwi ko po ng alas syete ng gabi, iyon na po ang nadatnan ko,” nakatulalang sagot ni Tristan.

“May kilala ka bang pwedeng gumawa sa pamilya mo nito?” Muling tanong ni SPO2 Santos.

Agad namang umiling si Tristan. “Wala po.”

Agad na inisip ng mga nag-iimbestigang pagnanakaw ang dahilan sa karumaldumal na kri*meng nangyari. Unang nakita sa cr*ime scene ay ang basag na bintana, na pinagdudahang doon pumasok ang mga magnanakaw. Ang pangalawa naman ay ang nawawalang jewelry box ni Mrs. Perez, tangay ang malaking halagang pera ng mag-asawa. Sira din ang main gate ng pamilyang Perez, kaya iyon na ang naisip na posibleng nangyari.

Sa araw ng libing ay malungkot ang lahat. Sino bang hindi malulungkot kung ang buong pamilya ni Mr. Troy Perez ang nalagas maliban lamang kay Tristan?

“Ano ang balak mong gawin sa bahay niyo Tristan?” Tanong ni Atty. Filemon, ang abogado ng kanyang papa.

“Ayoko na pong tumira d’yan Atty. Filemon, gusto ko na lang pong bumukod ng isang apartment, tutal ako na lang naman mag-isa,” sagot naman niya.

“Sige. Aayusin ko ang bagay na iyan,” wika naman ni Atty. Filemon at akmang aalis na nang kaniyang pigilan.

“Attorney, gusto ko lang malaman kung magkano ang mamanahin ko ngayong wala na ang papa’t mama pati na si Tanya?” sabik na tanong ni Tristan.

“H-ha? Bakit naman iyon ang nais mong malaman kaagad, Tristan? Hindi ka ba nalulungkot ga’yong wala na ang buong pamilya mo?” Takang tanong ng abogado.

“Nalulungkot naman siyempre, pero ano pa bang magagawa ko? Hindi na sila mabubuhay pa, kaya anong saysay sa pagluluksa ko?”

“P-pero—” Agad ring natigilan ang si Filemon dahil sa sinabi ng binata. “May dapat bang aminin sa pulisya si Tristan?” Kausap niya sa sarili.

“Ano na, Attorney? Gusto kong malaman kung magkano lahat ang mamanahin ko!” Pangungulit pa ni Tristan.

“Hayaan mo Tristan at aasikasuhin ko muna ang bagay na iyan. Biglaan ang nangyari at sino ba naman ang mag-aakalang sa batang edad ng iyong mama at papa ay mamayapa na sila ng maaga,” wika ni Filemon.

“Balitaan mo ako kaagad ha,” nakangiting wika ni Tristan saka nilampasan si Atty. Filemon.

Hindi man nais pagdudahan si Tristan ay hindi niya maiwasang mag-isip nang masama. Si Tristan ba mismo ang pum*tay sa mga magulang niya’t kapatid dahil sa makukuhang mana? Kung iyon nga ang dahilan nito, nakakatindig balahibo naman.

Agad na nagtungo si Atty. Filemon sa pulisya upang sabihin ang kaniyang obserbasyon ukol kay Tristan. Nais niyang imbestigahan ng mga ito ang natitirang anak ni Mr. Perez na si Tristan.

Agad namang umaksyon ang mga ito at tahimik na minanmanan si Tristan. Nang magkaroon ang mga pulis nang sapat na ebidensya ay agad nilang inimbitahan si Tristan sa tanggapan upang imbestigahan.

“Bakit mo pinat*y ang sarili mong pamilya?” Tanong ni Police Inspector Molino.

“Hindi ko sila pinat*y! Hindi ko iyon magagawa sa sarili kong pamilya!” Tanggi naman ni Tristan.

“Paano mo itatanggi ang jewelry box na nakita namin sa kotse mo? Pati na ang malaking pera na itinago mo sa bahay ng aso ninyo?”

“Hindi ko alam kung bakit nasa akin ang jewelry box ni mommy! Baka pinasok ‘yan ng mga magnanakaw sa kotse ko matapos nilang kunin ang laman. Saka ‘yong pera na ‘yon, inipon ko ‘yon noong buhay pa sila mama at papa! Bakit ba ako ang pinabibintangan ninyo?! Paano mapap*atay ng isang anak ang magulang niya at kapatid?!” Humahagulgol nang iyak ni Tristan.

“Tama ka! Sinong dem*onyo ang gagawa nang karumaldumal na kri*meng sinapit ng inosente mong pamilya?” wika naman ni SPO2 Santos. “Pero Tristan Perez, paano mo maitatanggi ngayon ang finger prints na nakita namin sa baseball bat na ginamit mo pampalo sa ulo ng iyong ama? Pati na ang bakas ng iyong duguang paa sa nakaratay na katawan ng iyong ina?”

Itanggi rin ni Ivan ang sinabi mong naroon ka sa bahay nila noong naganap ang kri*men. Ngayon mo ipaliwanag ang lahat ng iyon,” galit na dugtong ni SPO2 Santos.

“Sige Tristan, ngayon mo kami lusutan,” segunda pa ni Police Inspector Molino.

Biglang nagtakip ng mukha si Tristan at humagulhol ng iyak. “Oo! Ako nga ang puma*slang sa kanila,” pag-amin niya. “Binalaan ako ni papa na tatanggalan niya ako ng mana kapag hindi ako nagtino sa pag-aaral, dahil sa pagkabaliw ko sa larong DOTA. Nagalit rin sa’kin si mama dahil pasaway raw ako. Lagi pang sinusulsulan ni Tanya ang dalawa, kaya plinano kong pat*yin na lamang sila. Para wala nang sagabal pa.”

Agad namang natameme ang lahat dahil sa inamin ni Tristan. Paano nito nagawa ang bagay na iyon sa sarili pang pamilya? Para lamang nagpalaki ang pamilya Perez ng isang dem*onyo.

Nakulong si Tristan at hinatulan ito ng habang buhay na pagkakakulong. Ang yaman ni Mr. Troy Perez ay napunta sa mga kamag-anak nito at ang kaunting natira ay mapupunta kay Tristan. Napag-alamang may sakit si Tristan sa pag-iisip kaya nito nagawa ang bagay na iyon. Pinapagamot siya ni Atty. Filemon, habang nasa kulungan pa rin ito. Kahit papaano’y umaasa pa rin ang abogado na maaari pang magbago ang binata.

Mas mabuting kilalanin nating maigi ang ating mga anak. Alamin kung sila ba ay may problemang ikinakaharap upang maagapan at matulungan sila kaagad.

Advertisement