Sa Sobrang Pagkaistrikta ng Lola ng Babaeng Ito ay Madalas na Siyang Marindi sa mga Sermon; Gagantihan Niya ba Ito Kapag Siya ay Malaki na?

Sa Sobrang Pagkaistrikta ng Lola ng Babaeng Ito ay Madalas na Siyang Marindi sa mga Sermon; Gagantihan Niya ba Ito Kapag Siya ay Malaki na?

FamilyLoveStories

Nagtatakbo na naman si Mila sa kaniyang kwarto. Habol-habol na naman kasi siya ng patpat ng kaniyang Lola Maria dahil umuwi na naman siyang puro putik ang damit.

“Nanay ku

Ngunit gaano man katindi ang pagdarasal na iyon ni Mila ay nahagip pa rin siya ng kaniyang Lola Maria at nabigyan siya nito ng isang matinding hagupit sa kaniyang pwetan! Hiyaw naman ang bata sa kaniyang sinapit.

Kinalakihan na ni Mila ang pagiging istrikta ng kaniyang Lola Maria. Hanggang sa siya ay makapagtapos na ng pag-aaral at makapagtrabaho ay nasa puder pa rin siya nito at nagtitiis sa mga sermon at pagiging istrikta ng matanda. Hiwalay na kasi ang ama’t ina ni Mila at pareho nilang binitiwan ang responsibilidad sa kaniya na inako naman ni Lola Maria, kaya wala talagang ibang pupuntahan ang dalaga kundi dito lamang.

“Ano’t ginabi ka na naman yata nang uwi?” Bungad sa kaniya ng kaniyang Lola Maria nang minsan ay mag-overtime siya sa kaniyang trabaho. Isa kasi siyang Marketing Consultant sa isang maganda at malaking kompanya. Kagagaling lamang din niya mula sa sobrang pagod sa pagkaipit niya sa traffic.

“Lola, nag-overtime ho ako.” Bakas ang pagod sa boses ni Mila ngunit hindi iyon alintana ng matanda.

“Nag-overtime ka? Bakit hindi ka nagpaalam? Wala ba kayong break time? Sana naman, tumawag ka,” sunod-sunod namang tanong nito na para bang isang imbestigador.

Napabuntong hininga na lang ang dalaga. Kahit kailan talaga ay walang piniling oras ang panenermon ng kaniyang Lola Maria.

Hindi na lamang sumagot pa si Mila sa kaniyang lola. Ang ginawa niya’y lumapit siya rito at padamba niya itong niyakap nang mahigpit!

“’La, bukas na po ninyo ako sermunan, please? Pagod po ang maganda ninyong apo,” aniyang isinubsob pa ang sariling mukha sa likod ng matanda.

Maya-maya pa ay biglang lumambot ang kanina ay kunot na kunot na mukha ng kaniyang Lola Maria. “Nag-aalala ako sa ʼyo, e. Alam mo naman ang panahon ngayon, napakadelikado na.”

“Sorry po, lola. Hindi ko na po kasi naasikaso ang pagtawag o pagte-text sa dami ng gawain ko sa office,” halos wala nang tinig na paliwanag pa ni Mila.

“Nag-aalala lang naman sa ʼyo, apo. Hindi naman kasi ako sanay na ginagabi ka na nang uwi. Akala ko nga’y napaano ka na. Hindi ko alam kung saan kita hahagilapin. Saka, apo, magpahinga ka naman. Baka naman mamaya n’yan ay singilin ka ng katawan mo dahil sa ginagawa mo. Matagal ko nang sinasabi ʼyan sa ʼyo.”

Napangiti na lang si Mila sa tinuran ng kaniyang lola. Simula pa noong bata siya ay napakaistrikta na nito. Palaging may nakataas na kilay at nakangiwing mga labi. Noon, madalas niyang itinatanong sa kaniyang mga dasal kung bakit palagi na lang siyang pinagagalitan ng kaniyang lola, ngunit habang siya ay lumalaki, napagtanto niya kung bakit nito ginagawa ang bagay na iyon.

Habang lumalaki si Mila ay napagtatanto na niya ang lahat ng sakripisyo ng kaniyang Lola Maria para sa kaniya. Ibinuhos nito ang lahat ng atensyon nito at pagmamahal sa kaniya, hindi man nito madalas ipakita. Inako nito ang responsibilidad na dapat ay ang mga magulang niya ang nagpupuno.

Sa totoo lang, lumaki man si Mila na hindi kapiling ang kaniyang ama at ina, ni minsan ay hindi naman siya nakadama ng pagkukulang sa sarili dahil pinunuan ng kaniyang Lola Maria ang lahat ng papel ng mga ito sa kaniyang buhay. Dahil doon ay lalong lumalim ang pagmamahal niya sa kaniyang lola at sa kabila ng mga panenermon nito sa kaniya’y hindi siya kailan man nagalit dito.

Kung noon, palaging laman ng kaniyang mga panalangin na sana ay hindi siya paluin ng kaniyang lola, ngayong matanda na siya, pakiramdam niya’y hinahanap-hanap niya na ang mga gan’ong pangyayari sa kaniyang buhay dahil iyon ang naghubog sa kaniya kung nasaan siya ngayon. Lumaki siyang mabuting tao dahil sa gabay ng kaniyang Lola Maria at iyon ay habang buhay niyang ipagpapasalamat at pahahahalagahan, tulad ng kung paano siya mahalin at bigyang importansya ni Lola Maria.

“Thank you po, lola. I love you!” patuloy ang paglalambing ni Mila sa kaniyang lola na noon ay napapahagikhik dahil sa tuwa na kahit nagkaedad na si Mila ay nananatili pa rin ang pagmamahal, respeto at paggalang nito sa kaniya.

More Stories