Inday TrendingInday Trending
Ibang Lalaki ang Inungol ni Misis sa Harap ni Mister, Mas Malaking Kababalaghan pa pala ang Nakatago sa Babae

Ibang Lalaki ang Inungol ni Misis sa Harap ni Mister, Mas Malaking Kababalaghan pa pala ang Nakatago sa Babae

“Ma, may problema ba tayo? Parang ang lamig-lamig mo sa akin, para namang hindi ako galing sa abroad,” malambing na wika ng lalaki.

“Hindi naman, wala lang talaga akong gana. Pasensiya ka na, pa, sa susunod babawi ako sa’yo,” maiksing sagot ni Felly asawa ng lalaki, saka humiga na ito sa kaniyang tabi.

“May iba ba? Nagkaroon ba ng iba habang wala ako?” tanong ng lalaki.

“Wala, ano ka ba, wala,” baling ng babae at tumalikod sa kaniya.

Hindi na nakipagtalo pa ang lalaki sa kaniyang misis at iniisip niyang baka masama pa rin ang loob ng babae. Napilitan kasi itong manirahan sa probinsya dahil hindi na kayang umupa ni Arnold ng bahay sa Maynila. Pakiramdam kasi ng lalaki na napupunta lamang ang sahod nya sa renta kaya naman dinala niya ang kaniyang pamilya sa kanilang probinsya. Halos anim na buwan na rin ang misis niya rito kasama ang kaniyang nanay at ibang kapatid habang siya naman ay halos dalawang linggo pa lamang nakauwi galing ibang bansa.

“Felly?” tanong ng lalaki nang magising ng madaling araw at wala ang asawa niya. Mabilis itong lumabas ng kwarto at naabutan ang asawa sa kusina nilang umiinom ng tubig.

“Bakit parang nanginginig ka?” tanong ng lalaki nang mapansin niya ang kamay ng babae.

“Wala, masama lang panaginip ko,” sagot ng babae saka umiwas sa kaniya at bumalik na ito sa kwarto. Sa puntong iyon, alam ni Arnold na may problema silang mag asawa na dapat niyang malaman at ayusin. Labis din ang paghuhumiyaw sa isipan niya ang ideya na may lalaki si Felly kaya naman ganoon na lamang ang pag-iwas nito sa kaniya.

“’Nay, tanong ko lang, nung bang nasa abroad pa ako ay madalas lumabas si Felly rito sa atin? May mga kaibigan ba ‘yan dito?” tanong ng lalaki sa kaniyang nanay.

“Naku, anak, wala naman, pero kapag hapon palagi ‘yang tumatambay sa may ilog. Pero nitong mga nakaraang linggo ay napapansin kong hindi na lumalabas at hindi masyadong nakikipag-usap ang asawa mo. Kung kailan naman dumating ka tsaka naman siya nagkaganyan,” wika ni Aling Helen, nanay ng lalaki habang nagluluto ang ale.

“May lalaki kaya si Felly?” tanong muli ng lalaki.

“Naku naman, anak, dito pa ba sya manglalalaki e teritoryo natin ito! Huwag kang mag-isip ng ganyan sa asawa mo, baka naman may gusto ‘yang gawin na hindi mo pinapakinggan kaya nagtatampo,” sagot ng ale sa kaniya.

May punto naman ang kanyang nanay at isa pa ay kilala niya ang kaniyang misis, alam niyang hindi ito magloloko sa kaniya. Kaya naman naisip niyang sorpresahin si Felly bukas at hahayaan na lamang muna ang babae sa pagtatampo nito.

Kinagabihan habang mahimbing sila natutulog ay nagising si Arnold ng maalimpungatan sa ungol ng kaniyag misis na parang may kasiping ang babae. Tiningnan niya kaagad ito at nakitang parang nananaginip ang asawa. Gigisingin na sana niya sa Felly ngunit napahinto ito nang sinabi nitong, “Mario, tama na,” sabi ng babae habang parang sarap na sarap pa rin ito sa panaginip niya at humahalinghing pa ang babae.

“Felly! Gumising ka! Magtapat ka sa akin,” mahinang sampal ni Arnold sa asawa at nagising naman kaaga ito saka napaupong bigla at nagkumot.

“Alam kong may lalaki ka, sinabi mo na ang pangalan, sino si Mario! Sino?!” baling ng lalaki.

Hindi sumagot si Felly at umiyak na lamang ang babae. Napaiyak na lang din si Arnold habang nararamdaman niyang umaakyat na ang galit niya sa kanyang ulo.

“Wala akong lalaki,” mahinang sabi ni Felly.

“T*ng ina, Felly, ngayon ka pa ba magsisingungaling sa akin? Humahalinghing ka kanina habang nananaginip at mukhang sarap na sarap ka pa. Kaya ba ayaw mong may mangyari sa atin dahil may iba ka na? Ngayon ka pa talaga magsisinungaling!” sigaw ng lalaki sa kaniya.

“Arnold, maniwala ka! Wala akong lalaki, halos isang buwan na akong ganito, hindi ko alam paano ko sasabihin dahil baka walang maniwala sa akin. Sa tuwing matutulog ako ay palagi akong nananaginip at iisa lang ang lalaking nandoon, Mario ang pangalan niya at araw-araw niya akong ginagah*sa! Hindi ko na alam ang gagawin ko, minsan ayaw ko na lang matulog! Tulungan mo ako, Arnold, maniwala ka sa akin!” siwalat ni Felly sa kaniya at saglit na natahimik ang lalaki ng makita ang pag iyak ng kaniyang misis. Naramdaman nya ang sinsiredad sa pahayag ng babae at naniwala siya.

Alam niyang kahit na makabago na ang panahon ngayon ay may mga elemento pa rin na naninirahan sa mundong hindi nila nakikita. Kinaumagahan ay nagpaalbularyo ang mag-asawa at napag-alamang ini-engkanto ang asawa niyang si Felly at natipuhan ito kaya naman totoo ang sinasabi ng misis niya sa panaginip.

Halos ilang buwan din silang nag-alay at nagpagamot para mawala na ang pinagdadaanang ito ng kaniyang asawa bago tuluyang gumaling ang babae.

Sa huli, humingi ng tawad si Arnold sa kaniyang misis dahil sa pag-iisip nito na nagkaroon ito ng lalaki, habang si Felly naman ay humingi rin ng paumanhin dahil inunahan siya ng takot kaysa ang magsabi sa kaniyang asawa. Ngayon ay mas natutunan nila na ano man ang pinagdadaanan ng bawat isa ay mas maiging maging bukas pa rin sa isa’t isa.

Advertisement