Inday TrendingInday Trending
Hinusgahan ang Matanda Dahil sa Puti at Mahabang Balbas; May Kuwento pala sa Likod nito

Hinusgahan ang Matanda Dahil sa Puti at Mahabang Balbas; May Kuwento pala sa Likod nito

Bakas ang mapangutya at mapanghusgang tingin mula sa mga mata ng nadadaanan mga tao ni Mang Adelino habang papalapit siya sa entrance ng isang mall. Bukod pa roon ay hindi rin nakatakas sa kaniyang paningin ang pagbubulungan ng mga ito na kung minsan pa ay sinusundan ng nakaiinsultong mga tawanan nila.

Nang tumapat si Mang Adelino sa entrance ng naturang mall ay nagulat siya nang dalawang guard ang sabay na nangapkap sa kaniya na animo siya isang masamang taong dapat nilang pagkabantayan.

Matapos siyang kapkapan ng mga iito ay hindi pa rin nila siya pinatuloy sa pagpasok sanaturang mall dahil pinapunta muna siya sa isang sulok. Nagtataka man si Mang Adelino dahil siya lamang sa lahat ng mga pumapasok ang ginanito ng dalawang gwardiya ay sumunod na lamang siya.

“Ano hong gagawin n’yo sa loob?” tanong sa kaniya ng isang guwardiya na bakas ang pagdududa sa mukha.

“Bibili lang ako ng ireregalo ko sa aking apo, hijo,” sagot nman ni Mang Adelino na imbes na mainis ay nginitian pa ang mapanghusgang mga sekyu.

“Naku, e, may ipambibili naman ho ba kayo?” nakaiinsultong tanong pa nito, ngunit muli ay magalang pa ring sumagot ang pobreng matanda…

Inilabas niya sa kaniyang bulsa ang supot ng mga barya mula sa kaniyang alkansiya na matagal niyang inipon para sa darating na kaarawan ng kaniyang apo.

“Heto, hijo, may pambili naman ako kahit papaano. Kukuha lang naman ako ng maaaring sumapat sa dala kong pera. Huwag kayong mag-alala’t hindi naman masamang tao si Tatay,” nakangiti pang paliwanag ni Mang Adelino sa guwardiya.

Napakamot sa ulo ang lalaki at tila bahagyang napahiya sa sarili.

“E, tatang, pasensiya na ho kayo sa asta ko. Medyo nag-iingat lang po. Bakit naman ho kasi ganiyan ang hitsura n’yo? Napakahaba ho ng inyong balbas at puting-puti pa. Para ho kasing costume o disguise lang,” sabi pa ng naturang guwardiya.

Bahagyang tumawa naman si Mang Adelino.

“Ah, ito bang balbas ko, hijo? Matagal ko ring pinahaba ito para lang sa aking apo. Hiniling niya kasi sa amin na sana raw ay makita niya si Santa Claus ngayong darating na pasko kaya naman balak kong mag-costume sa susunod na dalaw ko sa aking apo. Ito lang ang natatangi kong kayang gawin para sa apo kong may sakit at ngayon ay nasa ospital upang kahit papaano ay maibsan ang kaniyang dinaramdam.” Bakas ang lungkot sa mukha ng matanda habang nagkukuwento. “Kung gusto mo, hijo, baka puwedeng ikaw na lang ang bumili ng regalo para sa akin para hindi na ako papasok pa sa loob. Ipili mo na lang ako ng ireregalo sa apo ko na kakasya rito sa pera…”

Akmang iaabot na ng matanda ang kaniyang supot ng barya sa naturang guwardiya nang may marinig sila sa kanilang likuran.

“Ako na ho ang mamimili ng regalo para sa inyo, tatay,” anang isang makisig na binata.

Agad na nanlaki ang mata ng guwardiya nang makita ang binata. “Good morning po, sir!” agad na bati nito. Ang binata pala ay anak ng may-ari ng naturang mall na noon ay bumibisita lamang sa lugar.

“Lagi ninyong tandaan na hindi naman masamang mag-ingat, pero sana, maging maingat din kayo sa mga kilos at pananalita ninyo sa ibang tao. Sa susunod, ayoko nang mabalitaang may mga dini-discriminate kayong tao dahil lang iba ang hitsura o pananamit niya.”

Sinermonan ng binata ang mga guwardiya na noon ay napakamot sa ulo at nakaramdam ng pagkapahiya.

Matapos iyon ay inakay na ng binata ang matandang si Mang Adelino papasok sa mall at iginiya patungo sa bilihan ng mga laruan.

“Upang makabawi ho sa abalang idinulot sa inyo ng aming guwardiya ay hahayaan ko ho kayong mamili ng kahit anong gusto ninyong laruan para sa apo n’yo, sir. Huwag n’yo hong intindihin ang presyo. Naantig ho ang puso ko sa pagmamahal n’yo sa apo n’yo at naaalala ko ho ang pumanaw kong lolo. Sana po, hayaan n’yo rin akong magbigay ng kaunting tulong para sa may sakit n’yong apo.”

Tuwang-tuwang nagpasalamat si Mang Adelino sa binata dahil sa kabutihang ipinakita nito sa kaniya. Ganoon pa man ay tinanggap nito ang supot ng baryang kaniyang inipon niya sa matagal na panahon bilang pagkilala sa kaniyang pagsisikap.

Matapos iyon ay tinupad ng binata ang pangakong tutulungan nito ang apo ni Mang Adelino.

Noong araw ng pasko ay masayang-masaya ang bata nang makita si Santa Claus sa katauhan ni Mangg Adelino. Hinding-hindii matutumbasan ang sayang naramdaman ng butihing lolo nang mkitang sa unangg pagkakataon ay naging labis na masigla ang kaniyang apo na nang mga sumunod na araw ay nagtuloy-tuloy na hanggang sa paggaling nito.

Advertisement