Inday TrendingInday Trending
Laging Napapatalsik ang Lalaking Ito Kapag Tapos na ang Kontrata Niya, Kung Kaya Siya ang Humulma sa Kinabukasan Niya

Laging Napapatalsik ang Lalaking Ito Kapag Tapos na ang Kontrata Niya, Kung Kaya Siya ang Humulma sa Kinabukasan Niya

“Roberto, isa ka sa mga maeendo ngayong buwan na ito.” Bagsak ang balikat ni Roberto nang marinig ang balita ng kanilang HR Manager. Sa sampung trabaho niya at pang-sampung beses niya na rin ‘atang end of contract ito. Nagsasawa na siya sa paulit-ulit na senaryo ng buhay-trabaho niya. Kung minsan ay magtatagal siya sa mas matagal ng anim na buwan, kung minsan naman ay limang-buwan palang ay minamalas na siya. Kaya naman sa sobrang pagkasawi sa trabaho ay nag-isip na lamang siya ng trabahong kahit kailan ay hindi siya maeendo. Sa back pay o huling sinahod niya ay naglaan siya upang makabili ng isang kariton. Walang pagdadalawang-isip na inikot niya ang buong baranggay nila upang mangolekta ng bakal, bote, dyaryo at karton. “Oh, Roberto hindi ka na ba sa factory nagtatrabaho?” tanong ng kakilala niya. Umiling siya, “Hindi na pare. Endo na.” “Na naman?” “Ano pa bang aasahan mo sa mga kumpanyang ‘yun?” Nagkibit-balikat ang lalaki, “Ganun talaga. High school graduate ka lang eh.” “Kaya nga pare hindi ko na isusugal ang kinabukasan ko sa mga ganung pag-iisip. Gagawa nalang ako ng sarili kong kapalaran.” Ilang taon ang lumipas ay masaya si Roberto sa desisyong nagawa niya para sa sarili. Hindi tulad ng nagtatrabaho pa siya sa mga factory ay sampung buwan lang ang pinakamatagal niyang kontrata, ngayon ay siya na ang boss at masusunod kung kelan siya titigil at kung kelan ang day off niya ay siya na rin ang nasusunod. Masayang-masaya siya dahil bukod doon ay mas malaki pa ang kinikita niya ngayon at mas marami rin ang naiipon niya. Sa susunod na buwan ay binabalak niyang mangupahan ng sariling pwesto upang makapagpatayo ng sariling junk shop. Naging tuloy-tuloy talaga ang swerte ni Roberto. Nagkaroon siya ng maraming suki at sa wakas ay nagkaroon ng mga customer na binabagsakan niya ng mga kinalakal na basura. Sa mahabang panahon na namalagi siya sa mga kompanya na hindi pinahahalagahan ang pagiging empleyado niya, hindi niya ni minsan naisip na magkakaroon siya ng sariling junkshop. “Pare, umaasenso tayo ah,” muling bati ng kakilala niya. “Oo pare, basta’t may tiwala ka lang sa kakayahan mo at lakas ng loob lahat ng pangarap mo matutupad.” Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement