Inday TrendingInday Trending
Halos Pandirihan ng mga Tao ang Pulubing Bata na Pumasok sa Jeep, Isang Musmos na Bata Pa Pala ang Tutulong Dito

Halos Pandirihan ng mga Tao ang Pulubing Bata na Pumasok sa Jeep, Isang Musmos na Bata Pa Pala ang Tutulong Dito

Karaniwan na sa mga tao ang tignan lang ang mga namamalimos na umaakyat sa pampublikong sasakyan tulad ng bus at jeep. Katulad na lamang ng nangyari isang araw sa isang pampasaherong jeep kung saan isang batang namamalimos ang namigay ng maruruming sobre sa bawat pasahero ng jeepney. “Palimos po.” Ang iba ay hindi tinanggap ang sobre, ang iba’y tinapon sa lapag ng jeep at ang iba nama’y kinuha ngunit hindi naglagay kahit piso doon. “Kumakatok po ako sa mga puso niyo, may sakit po ang tatay ko ngayon sa bahay. Sana po’y mabigyan niyo ako ng kahit magkano lang po.” Walang nakikinig sa kanya. Ang isa’y nagsabi pang, “Modus niyo na naman ito no? Asan ang magulang mo? Bakit imbes na pag-aralin ka eh pinaglilimos ka pa?” “May sakit po kasi tatay ko. Kailangan niya lang po ng panggamot.” “Sus, bentang-benta na ‘yang dahilan na ‘yan,” ika pa ng isang pasahero. Halos maiyak na ang bata sa mga naririnig. Sa isip niya’y, “Ganito ba talaga ang mundo? Ganito ba talaga ang mga tao.” Ito rin minsan ang dahilan kung bakit imbes na panlilimos ay naiisip niyang magnakaw na lamang. Desidido na siyang bumaba ng jeepney nang biglang magkalat ang mga barya. Tumingin siya sa pinanggalingan nun, isang bata na tantya niya’y kasing-edad niya lang. Tinulungan niyang damputin ang mga baryang nahulog nito, “Ito oh.” Iniaabot niya ang mga barya dito ngunit ibinalik nito sa kamay niya ang pera, “Sayo ‘yan.” Ngumiti sa kanya ang bata. Nanlaki ang mata niya. Marami-rami kasi ito. Dinagdagan pa iyon ng bata ng buong isandaan. “Sorry ah, ‘yan lang kasi naipon ko galing sa baon ko from school, ” anito. “Tumingin ito sa babaeng katabi, “Mommy ‘diba okay lang naman po ibigay ko sa kanya yung ipon ko?” Ngumiti ang nanay nito na kanina pa tahimik, “Oo naman, anak.” “See, sabi ni mommy ko. Okay lang daw.” Ngumiti ang batang pulubi sa mag-ina. Ito yung napapansin niya kaninang hindi nakikisali sa paninita sa kanya, “Salamat po. Maraming salamat.” “Walang anuman,” buong-ngiting tugon ng bata. “Hindi ko makakalimutan itong kabutihan niyo. Sana pagpalain pa kayo lalo ni Lord.” Simula noon ay hindi na kailanman pumasok sa isip ng batang pulubi na magnakaw o gumawa ng kahit na anong masamang gawain. Sa isip-isip niya’y marami pa rin talagang mabubuting loob dito sa mundo. Kapag nakaipon rin siya’y pipilitin niyang mag-aral sa pampublikong paaralan nila.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement