Inday TrendingInday Trending
Nagmatigas ang Kabit na Ito nang Pakiusapan Siya ng Misis ng Kalaguyo na Makipaghiwalay Na, Ngunit Isang Aksidente ang Nangyari na Nagpabago ng Isip Niya

Nagmatigas ang Kabit na Ito nang Pakiusapan Siya ng Misis ng Kalaguyo na Makipaghiwalay Na, Ngunit Isang Aksidente ang Nangyari na Nagpabago ng Isip Niya

(Photo for illustration purposes only Iniladlad ni Amanda ang maiksi niyang buhok, , mapang akit niyang iginewang ang baywang habang naglalakad. Alam niyang sa unang tingin pa lang ay maiinggit na sa kanya ang babaeng kikitain niya ngayon. “I-ikaw ba si Amanda?” sabi nito na kanina pa pala naghihintay. “Yes, ikaw si Cara?” tanong niya rin dito kahit kilala niya naman ito. Syempre, ito ang misis ng kalaguyo niya! “Oo, pasensya kana kung..makikiusap sana ako. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Kakainin ko na ang pride ko..” mahinang sabi ng babae. (Photo for illustration purposes only Napangisi naman nang bahagya si Amanda, alam na niya kung saan papunta ang usapang ito. “Pwede bang, layuan mo na sana si Brandon. Kasi, buntis ako sa ikalawa naming anak. Nakikiusap ako sayo. Ayaw kong mawalan ng ama ang mga anak ko.” naiiyak nitong sabi. “Ayoko,” yun lang at tumayo na siya, naiwan ang babaeng umiiyak at luhaan. Kawawa naman. Ano’ng gagawin ko eh mahal ko na rin si Brandon? Tsaka ako naman ang mahal niya, ako ang gusto niyang makasama. Pagdidiin ni Amanda sa sarili kahit pa inuusig siya ng kunsensya nang masulyapan ang babaeng hinahaplos nang marahan ang puson nito habang umiiyak. Agad niyang tinext ang lalaki at sinabi na nagkita sila ng misis nito. Tinawagan naman siya ni Brandon at sinabing pupuntahan daw siya. “Dapat hindi ka umamin! Ano ka ba naman Amanda!” bulyaw nito sa kanya habang kausap siya sa cellphone. Kasalukuyan itong nagda-drive. (Photo for illustration purposes only “Hindi ako umamin, yang misis mo ang nag-request na magkita kami. Malay ko ba kung saan niya nalaman? Syempre di ako aatras no! Hello? Brandon?” sabi niya rito nang biglang maputol ang tawag. Sinubukan niya muling tawagan ang lalaki pero di na ito sumasagot, makalipas ang ilang oras ay may tumawag kay Amanda, nurse daw ito mula sa St.Luke’s, nabangga daw ang lalaki. Agad siyang sumugod sa ospital at dumiretso sa emergency room, nandoon si Brandon, sugatan at hindi makapagsalita. “B-brandon, babe, what happened?!” tawag niya rito pero tila wala ito sa ulirat. “Cara..” mahinang sabi nito. Hindi naman nakapagsalita si Amanda nang tawagin nito ang pangalan ng misis. (Photo for illustration purposes only “Cara, mahal kita. Patawarin mo ako sa lahat..” sabi ulit ng lalaki na wala sa ulirat. Natulala si Amanda nang bigla siyang kausapin ng nurse. “Kayo po ba ang misis?” tanong nito. “Ah- ano eh-” hindi pa siya tapos magsalita nang muli itong magtanong. “May mga allergies po ba sa gamot si Sir?” tanong ulit nito pero hindi ulit siya nakasagot, ngayon niya lang na-realize na wala pala siyang kaalam alam tungkol sa lalaki. Tanging misis lang nito ang nakakakilala dito ng lubos at halata naman na sa oras na ganito ay misis nito ang tanging naiisip ng lalaki. (Photo for illustration purposes only “Misis?” pukaw ng nurse sa kanyang pag iisip. “Nurse, hindi ako ang misis.” matapang na sabi niya. Kinuha niya ang cellphone at may tinawagan si Cara. “Hello?” sagot ng babae mula sa kabilang linya. “H-hello?Cara? Pumunta ka dito sa St.Luke’s, ibabalik ko na ang dapat ay sa’yo..” Buti na lang at naisip ni Amanda na ang namamagitan sa kanila ni Brandon ay tawag ng laman at hindi tawag ng puso. Sana, balang araw ay makahanap rin siya ng lalaking matatawag niyang ‘kanya’.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement