Nalaman ng Lolo na May Taning na Ang Buhay Niya, Kaya Inihanda Niya ang Kinabukasan ng Dalawang Apo na Maiiwan Niya
Si Lolo Jaime ay mag-isang inaalagaan ang dalawang apo na sina Kim at Lim, ang kambal na iniwan ng kanyang nag-iisang anak matapos nitong pumanaw sa panganganak. Dalagang-ina ang kanyang anak kaya naman siya lang talaga ang napag-iwanan ng dalawang bata. Naranasan niyang maging ama’t ina ng dalawang bata sa loob ng pitong-taon. Hindi biro ang pinagdaanan niya sa pagpapalaki ng dalawang bata. Lalo na at hindi naman kalakihan ang kinikita niya sa pagmamasahe sa spa na pinapasukan niya. “Lolo, kanina umiyak na naman si Lim sa school,” sumbong ng kanyang apong babae. “Oh, bakit na naman?” “Tinutukso po kasi siyang bading kasi pink daw po ang bag niya.” Naawa siya sa apo na matagal nang iniinda ang lumang bag. Binigay lang kasi ng kapitbahay nila ang mga gamit ng dalawa sa eskwela. “Huwag ka mag-alala, Lim ibibili ka ni Lolo ng bagong bag kapag nakasahod.” Doon ngumiti ang apo at yumakap sa kanya. Nakiyakap rin ang apong si Kim, “Ako din, Lolo!” Araw ng sahod ay excited si Mang Jaime sa pag-out sa trabaho. Ngunit bigla na lamang siyang nahilo at dumilim ang paningin. “Lolo, gising na po pala kayo.” Nakita niya ang nakaputing babae na tingin niya’y isang nurse, “Anong nangyari?” “Ni-rush po kayo dito sa ospital dahil bigla daw po kayo nawalan ng malay.” Wala sa sariling umuwi ng bahay si Lolo Jaime. Hindi niya matanggap ang sinabi ng doktor sa kanya. “Kumalat na po ang tumor sa colon nyo. Stage 4 na po. Pinakamatagal na po ang anim na buwan.” Hindi niya lubos-maisip ang kahahantungan ng mga apo niya kung lilisanin niya ang mundo. Kayod-kalabaw ang ginawang pagtatrabaho. Kumuha pa siya ng isa pang part-time job para mas makaipon. Ilang buwan ang lumipas at hinang-hina na talaga si Lolo Jaime. “Lolo, may problema ka po ba?” tanong ng apo niyang si Kim. “Wala apo, bakit?” “Lagi po kasi kayong malungkot,” niyakap siya ni Lim. “Huwag ka malungkot Lolo. Love ka namin ni Kim!” Masaya si Lolo Jaime sa huling sandali ng buhay niya. Hindi siya binigo ng dalawang apo dahil kitang-kita niya ang pagiging matatag ng dalawa. Alam niyang magiging malakas ang mga ito kapag nawala siya. Araw ng libing ni Lolo Jaime at iyak nang iyak si Kim samantalang ang kapatid nitong lalaki na si Lim ay inaalo ang kapatid. Nakita ng dalawa sa drawer ng lolo nila ang isang joint account na may ipong maraming salapi. Kalakip noon ay isang sulat. “Puntahan niyo ang address na ito. Matalik kong kaibigan ‘yan, Tessi ang pangalan. Banggitin niyo ang pangalan ko at ibigay ang isang sulat na iniwan ko.” Sinunod ito ng dalawa. Nilisan ang bahay at bumiyahe sa sinabing lugar ng lolo nila. Laking-pasalamat nila at napakabait rin ng Lola Tessi na pinagbilinan sa kanila ng lolo nila. “Salamat po, Lolo hanggang sa huli ay hindi niyo kami pinabayaan,” ika ng 27-taong gulang na si Lim, kasama ng kapatid niyng si Kima, sa puntod ng Lolo Jaime nila.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!