Nakita Niya Mismo ang Kataksilan ng Pinakamamahal na Asawa; Anong Parusa nga ba ang Nararapat Para sa Dalawang Taksil?

Nakita Niya Mismo ang Kataksilan ng Pinakamamahal na Asawa; Anong Parusa nga ba ang Nararapat Para sa Dalawang Taksil?

HeartbreakingKarmaStories

Malalaki at mabibilis ang bawat hakbang ni Antonio, habang papunta sa hotel kung saan nakita ni Pareng Denis ang kaniyang asawang si Lovely at ayon rito’y kasama nito muli ang lalaking palagi nitong nakakasama.

“Pare, nakita ko na naman ang asawa mong si Lovely, kasama ang nobyo niya. Naroon sila ngayon sa hotel na palagi kong sinasabi sa’yo kung saan ko sila palaging nadadaanan,” kausap ni Pareng Denis sa kaniya.

Sa katunayan ay hindi lang si Denis ang nagsasabi sa kaniyang may ibang kalaguyo ang asawa, mangilan-ngilang kapitbahay na ang nagsabi sa kaniyang palagi nilang nakakasalubong si Lovely na may kasamang ibang lalaki. Naglalakad sa daan na animo’y isang buong Luneta Park ang nilalakaran ng mga ito dahil sobrang sweet daw at animo’y mga teenager na nagtutukaan pa.

Hindi niya pinaniwalaan ang tsismis na iyon sapagkat hindi naman nangyaring may kahina-hinalang ginagawa ang kaniyang asawa. Sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho ay palagi naman niya iyong nadadatnang inaasikaso ang mga anak nila. Kapag magkasama rin sila’y hindi nito halos hawakan ang selpon, kaya inisip niya noong sinisiraan lamang ng ibang tao ang pagsasama nila.

Nagsimula siyang maghinala no’ng isang araw ay umuwi siya nang maaga galing sa trabaho at hindi niya ito naabutan. Umuwi itong bihis na bihis na halatang nanggaling sa galaan.

“Saan ka nanggaling?” takang tanong ni Antonio.

“Ah… may inasikaso lamang ako,” dahilan nito. “Ang aga mo naman yatang umuwi, may naging problema ba sa opisina?”

“W-wala naman,” aniya.

Mula noon ay pinagdudahan niya na ito at palaging pinasusundan sa kumapare niyang si Denis na isang taxi drayber. Marami nang ipinasang ebidensiya ang kaniyang kumpare sa kaniya. Gaya ng mga litratong magkasama ang kaniyang asawa at ang kalaguyo nito. Ngunit nahihirapan siyang mag-desisyon kung ano ang dapat niyang gawin.

Ngunit ngayon ay alam na niya kung ano ang kailangan niyang gawin. Nais niyang mahuli ang dalawa sa akto. Kung ano man ang mangyayari’y bahala na.

No’ng una’y ayaw pa siyang papasukin ng mga hotel personnel, ngunit nang ipinakita niya ang katibayang siya ang asawa ng isa sa mga guest na nag-check in ay walang nagawa ang mga ito kung ‘di ang ituro sa kaniya ang kwarto ng kaniyang asawa at ng kalaguyo nito.

Habang tinatahak ang daan patungo sa kwarto ng asawa at ng kalaguyo nito’y ilang beses na tinimbang ni Antonio ang sariling damdamin. Handa na ba talaga siyang masaksihan ang kataksilan ng asawa? Ano ang magagawa niya kapag nakita niya sa akto ang ginagawa nito kasama ang kalaguyo?

Ang daming tanong sa isipan ni Antonio. Namalayan na lamang niya ang sariling nakatayo sa may hamba ng pintuan, nakatitig sa may bandang kama, tinitingnan ang dalawang taong nakahiga habang magkayakap. Nataranta pa ang mga ito nang makitang may ibang tao at animo’y natuklaw ng ahas nang mapagsino ang hindi inaasahang panauhin.

“A-antonio?” mahinang sambit ni Lovely, halata sa mukha at boses ang labis na takot.

“Mark,” tawag niya sa kalaguyo ng asawa. Nakilala niya lamang ito dahil iyon ang pangalang isinulat nito sa pag-check-in. “Kung ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon, ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang pinakamamahal mong asawa na may ka-s*ping na ibang lalaki?” tanong niya rito.

Yumuko lamang ang lalaki at hindi malaman kung ano ang dapat na gawin, kung kukunin ba nito ang damit na nagkalat sa sahig o magtatago sa ilalim ng kumot.

“Pinagkatiwalaan kita, Lovely. Sinubukan kong ibigay ang lahat sa’yo at minahal nang higit pa sa buhay ko, pero ito lang ang isusukli mo?” puno nang hinanakit na wika ni Antonio.

“Sa nadatnan ko ngayon ay pwede kong gawin ang pinakamalupit na maaring gawin ng isang asawang pinagtaksilan. Pero hindi ko dudungisan ang sarili kong kamay sa mga katulad niyong taksil,” galit na wika ni Antonio sa asawa.Maya-maya lang ay may mga pulis nang papalapit sa kinaroroonan nila. Bago siya sumugod sa hotel ay inutusan na niya ang kumpareng si Denis na tumawag ng pulis.

Dalawa lamang ang naiisip niya kanina. Kung hindi ang dalawa ang dadakipin ng mga ito dahil sa ginawang paglabag ng dalawa sa batas o siya na [email protected] ang dalawa dahil sa sobrang galit.

Ngunit mas nanaig pa rin sa kaniya ang unang naging plano… ang ipahuli ang dalawa’t ipakulong. Kaysa [email protected] ang dalawa dahil sa sakit na ipinaranas nito sa kaniya’y mas minabuti ni Antonio na ipagkatiwala ang lahat sa batas.

Hindi man masagot ni Antonio ang lahat ng tanong sa kaniyang isipan, kung bakit nagawa ng kaniyang asawa ang lahat ng ito’y mas mababawasan na rin ang sakit sa damdamin niya sa kaalamang pagdudusahan ng dalawang taksil ang kasalanan sa kulungan.

Kung minahal talaga siya ni Lovely, bakit nagawa nitong [email protected] siya at pagtaksilan? Kung ayaw mo na sa isang relasyon, kausapin ang iyong asawa / partner upang mas malinawan ang isa’t-isa at mapunan kung ano man ang mga dapat punan. Hindi solusyon ang pakikipagrelasyon sa iba, bagkus ay mas nagiging kumplikado ang lahat at mas nagkakaroon ng problema.

Mahirap mamangka sa dalawang ilog, tiyak kasi sa huli’y ikaw ay malulunod.

More Stories