Inday TrendingInday Trending
Babala: Pwede Mong Ikasawi

Babala: Pwede Mong Ikasawi

Kilalang inggitera talaga si Letty sa kanilang barangay. Napakasungit nito at marami ang naiinis dahil sa ugali niyang iyon.

“Kabago-bago dito ay nagmamagaling na kaagad, pwe!” pairap na sabi ni Lisa habang nag-aalmusal sila nang umagang iyon. Narinig niya kasi sa labas ang usapan na may ipalalagay na daw na mga poste ng ilaw sa kanilang eskinita sapagkat may isa raw residente na nagmungkahi nito. At ito ay si Rissa na kakalipat sa sa katapat na bahay nila. Nakita niyang pinasasalamatan pa ito ng mga kapitbahay na dumaan dahil nga kumalat sa baranggay nila ang balita.

“Grabe ka naman mahal, baka nagmamalasakit lang talaga yung tao,” sabi ng asawang si Chester sabay lagok sa kapeng hawak nito.

“Oo nga naman Ma, at saka ang bait ng pamilya nila. Inimbita pa tayo mamaya para sa konting salu-salo daw sa bahay nila,” sabat naman ng disinuebe anyos na anak niyang si Julia.

“Naku marami akong gagawin,” sabi ni Lisa pero ang totoo ay gusto niya ring maki-usyoso. Kinahapunan ay nakita niya ang ibang kapitbahay na nag-uumpukan sa garahe ng katapat na bahay.

Tinawag niya ang kaniyang kumare na kalalabas lang sa handaan na may dalang isang platong punong-puno ng pagkain.

“Uy Letty! Tinatanong ka ni kumareng Rissa doon! Nakilala mo na ba siya? Naku, ang bait ng bago nating kapitbahay!” tuwang-tuwang sabi nito.

Napaismid siya nang makitang papalapit ang bagong kapitbahay sa direksyon nila. May bitbit itong isang plato ng pagkain at ngumiti sa kaniya.

“Kamusta Letty?” pagtitiyak nito sa pangalan niya, “Kain ka oh, sana ay maging mabuti tayong magkapitbahay,” nakangiting turan nito.

“Meron kaming pagkain, salamat na lang,” mataray na sabi ni Letty saka pinagsarhan ng pinto ang dalawa na napamaang na lang sa gulat.

“Tingnan mo ang taong yun. Tumatanggi sa grasya, naku talagang babalikan iyan ng karma eh,” sabi ni Ludy at saka humarap kay Rissa. “Salamat nga pala sa pagkain ah, una na ko,” sabay alis.

Nang mga sumunod na araw ay wala nang narinig ang mag-ama ni Letty kung hindi ang mga reklamo niya tungkol sa bagong kapitbahay. Kesyo napakaingay ng aso nito, napakayabang nito dahil naka-kotse, at kung ano-ano pa.

Isang araw ay nakita niyang nagpapintura si Rissa ng bahay. Lalong naging maaliwalas ang hitsura ng bahay nito na sa di malamang kadahilanan ay ikinangitngit na naman ni Letty.

“Mahal, kailan tayo magpipintura ulit ng bahay?” tanong niya sa mister. “Mukhang kupas na kasi kaya ang pangit tingnan sa may labas,” dugtong pa ni Letty.

“Ah ganoon ba? Sige mahal, sa susunod na araw ay aasikasuhin ko,” sagot ng asawa.

Talagang pinaganda ni Letty ang tapat ng kanilang bahay at dinagdagan pa ito ng mga halaman sa harap.

“Ang ganda ng bagong kulay Letty, at saka ng mga halaman, san o ‘yan nabili?” tanong ni Rissa na pinipilit makipagkaibigan sa masungit na kapitbahay.

“Bakit mo tinatanong, naiinggit ka? Bibili ka din?” mataray na sagot ng babae. Wala nang naisagot pa si Rissa dahil sa pagkagulat. Nagpasya siyang tama na ang ginawa niyang effort para makipagkaibigan dito.

Hindi na pinansin ni Rissa ang kapitbahay samantalang si Letty naman ay lihim pa ring nakikipagkompetensya dito.

Isang araw ay kumalat sa baranggay ang balitang lalabas sa isang patalastas ang anak ni Rissa. Tuwang-tuwa ang mga kabarangay at talagang sinuportahan ito. Nakita itong lahat ni Letty at di napigilang mainis.

“Akala mo naman kung ano na. Kayang-kaya mo rin iyon Julia,” sabi ni Letty isang araw sa kaniyang anak.

“Ano Ma?” sabi nito pagkatanggal ng earphones na nakapasak sa tainga.

“Kako, bakit hindi mo subukang magmodel-model ulit. Di ba pangarap mo ‘yon dati?” tanong ni Letty sa anak.

Saglit naman napa-isip si Julia at saka umiling, “Oo Ma, kaso baka maka-abala sa pag-aaral ko eh,” sagot nito.

“Hindi ‘yan anak. Siyempre susuportahan ka namin ni Papa mo. Gusto rin kitang mapanood sa telebisyon no,” pang-uudyok pa ni Letty sa anak.

Dahil nga dating pangarap din ito ni Julia ay sinubukan niya ngang mag-audition sa mga tv stations. Nakikita niyang suportadong-suportado siya ng kaniyang ina kaya ayaw niya itong madismaya. Sa kasamaang palad ay hindi siya natanggap sa mga audtions na pinuntahan.

“Heto anak oh, tumatanggap daw sila ng models ngayon,” isang araw ay excited na balita ni Letty sa anak. May nakita siyang post sa social media tungkol sa isang modeling agency na naghahanap ng mga batang modelo.

Napapagod at nag aalinlangan man ay pumunta si Julia sa auditions upang maipagmalaki siya ng ina.

Kinagabihan ay nagtext si Letty sa anak upang kamustahin ito. Sa Maynila kasi ang auditions ngunit di na niya ito nasamahan, alam naman daw nito papunta doon kaya hinayaan na rin niya.

Nang malalim na ang gabi at hindi pa rin nagrereply si Julia ay nagsimula ng mag-alala ang mag-asawa.

“Bakit kasi hinayaan mong pumunta sa Maynila mag-isa yung bata?” galit na tanong sa kaniya ni Chester.

“Ang sabi niya alam naman daw niya, naku baka nalowbatt lang iyon,” sagot ni Letty kahit kinakabahan na rin siya.

Ngunit nag-umaga na ay wala pa rin silang balita kay Julia. Halos hindi sila natulog kakacontact dito at sa modelling agency na pinuntahan nito. Nagpasya silang pumunta na sa pulis at i-report ang nangyari.

“Ma’am, Sir, nakipag-ugnayan na po kami sa pulis Maynila. Ayon sa imbestigasyon nila, hindi daw po totoo ang modelling agency na sinasabi ninyo. Malamang po ay scam iyon. Iniimbestigahan pa po kung may anggulo ng pandurukot at prostitusyon.

Nanlambot ang tuhod ni Letty sa narinig at tuluyang napapalahaw ng iyak.

“Anak ko! Anak ko.. gawin niyo ang lahat upang mahanap ang anak ko…” iyak ni Letty.

Galit na galit man ay mas nangibabaw ang pighati ni Chester sa nangyari.

“Tingnan mo ang ginawa mo! Dahil sa pagka-inggitera mo ay nawawala ang anak natin!” di napigilang sumbat nito.

Hanggang makalipas ang ilang buwan ay natagpuan ang walang buhay na katawan ng isang babae. Wala itong saplot at halatang may bakas ng puwersa sa leeg na bahagi. Nakilala ito ng mag-asawa bilang ang anak nilang si Julia.

“Anak! Anak ko.. patawarin mo si Mama. Patawarin mo ako..” paulit-ulit na sambit ni Letty. Hindi matatawaran ang sakit at pagsisising nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Kung hindi sana siya parating naiinggit ay hindi sana nangyari iyon sa kaisa-isang anak. Hindi na maibabalik ang buhay nito at doon niya napagtanto, totoo ngang nakamam*tay ang inggit.

Advertisement