Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Malupit na Ama ay Lumayas Siya sa Kanila; Sa Landas ng Tagumpay Pala siya Ihahatid ng Kapalaran

Dahil sa Malupit na Ama ay Lumayas Siya sa Kanila; Sa Landas ng Tagumpay Pala siya Ihahatid ng Kapalaran

“ʼTay, tama na po! Pakiusap, masakit, tatay!” palahaw ng isang batang lalaki na nasa edad labing dalawa. Nakatali ang mga paa nito sa puno ng mangga habang nakatiwarik at walang habas na pinapalo ng kahoy ng kaniya mismong ama.

Pasa-pasa na ang katawan ng bata. Kinagagalitan na siya ng ama dahil sa simpleng pagkabasag ng baso na siyang hinuhugasan niya.

“Tingnan ko lang kung hindi ka magtanda,” hiyaw ng lasing na ama ni Reymond. Nanlilisik ang mata nito sa galit.

Patuloy ang paghikbi ng bata at ang mala-gripong luha nito. Nang makatulog ang ama ay ibinaba siya ng kaniyang ina na humihikbi rin sa nakitang pangyayari. Katulong ang mas nakakatandang kapatid na si Reymark ay ibinaba nila si Reymond.

Madali nilang pinakain si Reymond. Tanghali pa lang nang isabit na ito ng ama at madilim na nang kalagan nila ito. Awang-awa si Reymark sa kapatid ngunit maging siya ay walang laban sa ama.

Kinabukasan ay nagising ang lahat. Wala si Reymond maging ang ilang pirasong damit nito. Nagpalaboy-laboy ang bata na hindi alam kung saan tutungo.

Natulog siya sa kalsada, sa mga waiting shed, nanlimos, naging palaboy ngunit malaya siya. Walang masasakit na salita siyang naririnig, malaya siyang makakain, walang pasa at sakit ng katawan na natatamo.

Sa edad na labing dalawa ay natuto si Reymond na tumayo sa sariling paa. Ginawa niya ang lahat upang mabuhay sa araw-araw, inaawit niya ang nilikhang kanta sa kalsada kapalit ng limos para may pantustos ng pang-araw-araw, hanggang may makadiskubre ng talento ni Reymond.

Sa maikling panahon ay naging tanyag na mang-aawit si Reymond. Sa edad na labing walo ay marami siyang nakilalang sikat na mang-aawit. Naka-duet niya ang ilang sikat na artistaʼt mang-aawit, nagkaroon ng iba’t ibang concert na sold out ang tickets.

Unti-unti ay tinutupad niya ang pangarap na bahay. Hanggang sa makamtam niya ito sa edad lamang na labing walo.

Ngunit mapagbiro ang tadhana, muli niyang nakita ang ama. Ang ama na hinabol siya ng itak, ang ama na binugbog at ibinitin siya patiwarik sa puno ng mangga. Ang ama na halos kasuklaman niya.

“A-Anak,” nanginginig ang boses nito. Agad bumalik sa kaniya ang mga pangyayari. Ang bawat sakit, ang pagluha at ilang beses niyang paghagulhol gabi-gabi.

“Anong ginagawa mo rito?” galit niyang tanong.

“P-apatawad, anak. P-Patawad.” Naglumuhod ang kaniyang ama. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong umiyak, naglumuhod at humingi ng tawad.

“Bakit? Bakit kailangan mo pang magpakita? Kinalimutan ko na kayo!” Alam ni Reymond sa sarili na nagsisingungaling siya. Galit siya ngunit hindi niya nakalimutan ang tunay na pamilya.

“Nakalimutan mo na rin ba ako, Ymon?” Nanlambot si Reymond sa narinig. Ang boses na ‘yon ay tandang tanda niya. Hindi siya nagkakamali sa narinig, si Kuya Reymark niya iyon.

“Kuya!” Agad siyang nagtatakbo sa dumating na kapatid. Mahigpit ang pagkakayakap niya at halata ang pangungulila sa mahal na kuya. Kasama nito ang isang babae na nasa edad labing tatlo.

“Ito na ba si bunso?” Niyakap ni Reymond ang kapatid. Hinahanap niya ang ina ngunit hindi mahagilap ng kaniyang mga mata kaya napatitig siya sa kuya niya.

Isang iling pa lang ay alam na niya ang nais nitong iparating. Wala na ang kaniyang ina simula nang ipanganak ang bunso nila. Simula rin noon ay nagbago ang kaniyang ama base sa kaniyang kuya Reymark nang magkausap sila nang masinsinan.

Naroon pa rin ang galit niya sa ama. Hindi nawawala ngunit tinanggap niya ito. Pinili niyang tanggapin muli ito sa buhay niya kahit ang alaala ng kahapon ay naka-marka na sa buo niyang pagkatao.

Nabuhay siya ng masaya, nang walang tinatakasan at buo ang mahal niyang pamilya. Nahanap niya ang pagpapatawad sa kaniyang puso.

Hindi doon nagtapos ang lahat. Unti-unti pa ngang nakilala si Reymond dahil bawat taon ay lalo siyang gumagaling dahil sa kaniyang mga inspirasyon.

Hindi nagtagal ay pinasok na rin niya ang pagnenegosyo at ganoon na lamang ang tuwa niya nang siyaʼy suwertehin din sa larangang iyon.

Sa kabilang banda ay tila dapat pa niyang ipagpasalamat sa ama na naging napakalupit nito sa kaniya noon kaya naging ganoon siya katatag.

Ilang taon pa ang lumipas at nagkaroon na rin siya ng sariling pamilya. Maaga siyang nagretiro sa pag-awit dahil gusto niya na ng pribadong buhay para sa kaniyang mga anak. Ganoon pa man, hinding-hindi niya kalilimutang lingunin kung saan siya galing.

Advertisement