
Palaging Ibinibida ng Kanilang Ama ang Kanilang Yumaong Ina; Ngunit may Lihim Palang Nakatago sa Likod ng Magagandang Kuwento Nito
Busog sa pagmamahal ang kambal na Jemuel at Jeremy sa kanilang ama na nagngangalang Jeffrey Manuel. Mabait ito, maasikaso at kahit kailan ay hindi sila sinaktan nito. Hindi rin sila nakarinig ng reklamo na nahihirapan na siya sa buhay gayong mag-isa niyang binubuhay ang kambal. Namat*y ang kanilang ina matapos silang ipanganak ngunit hindi nila maramdaman ang pangungulila dahil palagi itong bukang bibig ng kanilang ama.
Maganda ang kanilang ina, mabait, at lahat ng maaaring pangarapin ng isang lalaki ay nasa kanilang ina base sa kwento ng kanilang ama.
“Papa, saan po ba kayo nagkakilala ni Mama?” tanong ng batang si Jemuel.
“Sa isang sayawan kung saan nabighani niya ako, anak.” Napatingala si Jeffrey Manuel nang maalala ang tagpong iyon, upang hindi makita ng kaniyang mga anak na patuloy siyang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang ina.
Maya-maya ay niyakap ng kambal ang kanilang ama.
Nasa edad na labing dalawa na ang kambal. Kapwa matatalino at honor student sa kanilang eskwelahan kaya naman ipinasok ni Jeffrey ang mga anak sa magandang paaralan upang mas maging maganda ang kinabukasan ng mga ito.
Dalawa ang trabaho ni Jeffrey, nagma-manage siya ng isang restaurant ng kaibigan at sa gabi naman ay sa call center ang trabaho niya. Naging mas mahirap para sa kaniya ang sitwasyon dahil ayaw niyang mapabayaan ang dalawang bata. Nasanay ang mga ito na nakatutok siya sa lahat ng gagawin nila.
Masasabi niyang tama ang pagpapalaki niya sa dalawang bata. Alam niya rin kung gaano siya kamahal ng mga ito. Ngunit, may mga bagay na hindi pwedeng ibaon sa limot lalo na kung patuloy silang sinusundan at minumulto nito.
“Papa, may nagtanong sa akin kanina kung sino ang mga magulang ko.”
Ganoon nalang ang pagkabigla ni Jeffrey sa sinabi ng anak na si Jemuel.
“Sino raw?” tanong niya, hindi ipinahahalara ang pagkakabado.
“Jerome Felimon po ang pakilala niya,” sagot naman ni Jeremy.
Pinaupo niya ang dalawang anak. Nasa dining area na sila at nakahanda na rin ang kanina niya pang nilutong pagkainkaliwa. Nasa dining table sila at sa unahan siya naupo, si Jeremy ang sa kanan at si Jeremy naman ang nasa kaliwa.
“Kumain muna tayo. May pag-uusapan tayo pagkatapos.” Nagsimula na nga silang kumain. Tahimik ang lahat at kapwa malalim ang iniisip. Nagkakatingan ang kambal at nagtatanong ang mga mata ngunit parehas lang umiling sa isa’t isa.
Matapos kumain ay sa living area sila pumunta upang makapag-usap. Nagsimulang magkwento ang ama ng kambal. Bakas ang saya at pagmamahal nito sa kanilang ina hanggang hindi nila inaasahan ang mga sasabihin nito.
“Walong taon na kaming magkasintahan ng inyong ina. Masaya naman kami hanggang kinailangan kong mag-abroad para sa pamilya ko at sa pamilya natin na nais kong buuin. Nagpaalam ako sa girlfriend ko noon, ang inyong ina. Noong una ay ayos pa kami hanggang sa nanlamig siya at nawalan ako ng contact sa kaniya…” napabuntong hininga si Jeffrey bago itinuloy ang kwento. “Hanggang nang umuwi ako, nakita ko noon na may iba na ang inyong ina. Nagalit ako mga anak. Galit na galit ako sa inyong ina ngunit mahal na mahal ko siya.” Napatakip ng mukha si Jeffrey, masakit pa rin para sa kaniya ang lahat. Masakit lalong nakikita niya ang gulat at lungkot maging ang sakit sa mata ng kaniyang mga anak.
“Si Jerome Felimon iyon. Siya ang lalaking ipinalit sa akin ng inyong ina nang mga panahong nagtatrabaho ako sa ibang bansa. At higit sa lahat… siya ang ama ninyo, siya, si Jerome.” Tiningnan niya ang reaksyon ng dalawang anak ngunit hindi niya mabasa dahil sa naghalo-halo na siguro ito. Tumulo ang kanilang mga luha, umaagos na parang gripo sa ibinunyag niya ngayon.
“Buntis ng dalawang buwan ang inyong ina nang bumalik ako. Iniwan siya ni Jerome matapos ang pangyayaring iyon. Nagmakaawa si Isabelle sa akin, at dahil mahal ko siya ay buong puso kong tinanggap maging ang anak niya sa sinapupunan. Mahal ko ang mama ninyo, sobrang mahal ko.” Umuuga ang balikat ni Jeffrey sa bawat salitang binitiwan niya.
“P-Patawad mga anak kung naglihim ako sa inyong pagkatao. Iyon ang nais ng inyong ina na ako ang kilalanin ninyong ama, na ako ang magpalaki sa inyo at hindi ang inyong tunay na ama.” Walang narinig na kahit ano si Jeffrey sa kambal niya. Lumuluha lang ang mga ito hanggang sa yakapin siya ng kambal na lalong nagpataba sa kaniyang puso.
“Mahal ka namin, P-papa, ikaw ang ama namin at wala nang makakapagpabago pa roon.” Hinigpitan ni Jeffrey ang yakap sa kambal ng marinig niya iyon.
Naghain ng kaso si Jerome. Ngunit sa huli ay hindi ito nanalo kahit ito ang tunay na ama ng kambal. Naging masaya ang kambal sa desisyon ng hukuman.