Iiwan na ng Babaeng Ito ang Gurang na Raw Niyang Nobyo; ‘Di Niya Alam na Malulunod Pala Siya sa Sariling Desisyon

Iiwan na ng Babaeng Ito ang Gurang na Raw Niyang Nobyo; ‘Di Niya Alam na Malulunod Pala Siya sa Sariling Desisyon

HeartbreakingLoveStories

“Bakit nga? Gusto ko lang naman malaman kung bakit. Ano’ng nangyari sa atin at bigla ka na lang aalis nang ganito? Joy, tatlong taon na tayong nagsasama!” baling ni Kevin sa kaniyang nobya.

“Ayaw ko na nga, Kevin! Nasasakal na ako, na bo-bored na ako sa’yo at sa pagsasama natin. Ngayon ko lang napagtanto na marami pa akong hindi nasusubukan sa buhay at hindi ko ‘yun magawa kasi napakaboring mo!” sigaw ni Joy sa lalaki at habang patuloy na nag-eempake.

“Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Ang mga gusto mong subukan ay makakasama sa’yo – paninigarilyo, paglalasing, kagustuhang tumikim ng bawal ng gamot, pumunta sa bar, at kung ano-ano pa! Hindi ‘yun ang gawain ng mga taong gustong umasenso sa buhay, Joy!” baling din muli ng lalaki sa kaniya.

“A, basta aalis na ako. Tapos na tayo, Kevin, wala na, tapos na!” huling sigaw ni Joy at saka tuluyan nang umalis.

Hindi unang nobyo ni Joy si Kevin ngunit ito ang pinakaseryoso at pinakamatagal niyang naging karelasyon kahit nga malaki ang agwat ng edad nila. Kay Kevin naramdaman ni Joy ang pag-ibig na hindi siya sasaktan at hindi siya lolokohin ngunit nang makilala niya si Robin ay nagbago ang lahat. Nariyang nasubukan niyang malango sa alak at sigarilyo, gumulong sa saya at lumutang sa langit sa iba’t ibang dahilan kasama ang lalaki. 

[email protected]!na, seryoso ka pala na iiwan mo talaga ‘yung jowa mo?!” natatawang tanong ni Robin sa kaniya nang dumiretso siya sa lalaki.

“Bakit, hindi ka ba seryoso sa relasyon natin?” inis na tanong ni Joy rito.

“Seryoso naman, hindi ko lang akalain na iiwan mo siya kaagad. Mas masaya kasi noon na nagtatago tayo sa kaniya,” birong sagot ni Robin sa kaniya at kaagad na hinalikan ang babae. Natapos ang gabi nila sa pagsasalo ng isa’t isa na naging pundasyon ng kanilang relasyon. Sa pagtatal*k at sa pagsubok ng iba’t ibang bagay umikot ang pagsasama ng dalawa. Halos anim na buwan ding tumagal ng puro ganoon lamang ang kanilang ginagawa.

“Robin, hindi ba tayo lilipat sa mas malaking bahay? Ang sikip na kasi ang dami na nating gamit,” seryosong sabi ni Joy sa lalaki.

“Joy, [email protected] lang naman tayo rito sa bahay, bakit pa natin kailangan ng mas malaki e pwede naman tayong maghotel kung gusto mo ng mas maluwag na lugar. Isa pa, ikaw lang naman ang bili nang bili ng mga gamit,” natatawang sagot kaagad ng lalaki sa kaniya.

“Alam mo kung naghahanap ka na ng seryosong relasyon ay bumalik ka sa gurang mong jowa. Hindi mo makikita sa akin ‘yun, Joy, alam mo naman ‘yun ‘di ba?” tanong muli ni Robin sa kaniya at natatawa pa rin ang lalaki.

Hindi nakapagsalita si Joy at mabilis na tumalikod sa lalaki. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig ngunit huminga muna siya nang malalim at muling inipon ang lakas ng kaniyang loob.

“Hindi mo man lang ba naiisip na magseryoso? Hindi naman na tayo bata, Robin, alam ko naman na hindi pa tayo ganoon ka seryoso pero hindi mo ba ako nakikita na makakasama mo sa pagtanda? Sa tingin mo ba habang buhay lang tayo na puro pasarap, puro ganito, wala bang pamilya sa diksyonaryo mo?” pinuntong muli ni Joy sa lalaki.

“Joy, ayos ka lang ba? Hindi pa ikaw ang babaeng nakikita ko sa ganoong buhay ko. Wala akong balak tumanda nang malungkot,” humahalakhak na balik kaagad ni Robin sa kaniya. Sa mga oras na ‘yun alam ni Joy na maling mali ang desisyon na tinahak niya sa buhay dahil wala siyang magiging kinabukasan sa piling ni Robin. Kinaumagahan ay nagbalot si Joy ng kaniyang gamit at bumalik kay Kevin.

“Kevin, please, alam kong mahal mo pa ako at mahal pa rin kita. Nagkamali ako, sana mapatawad mo ako,” iyak ng babae dating nobyo.

“Joy, tama na, umalis ka na. Huli na ang lahat dahil nung umalis ka, alam mo na dapat ang buhay na pinili mo, ang kalayaan na pinili mo,” sagot ni Kevin sa kaniya.

“Alam ko, alam ko, Kevin, nagkamali ako. Aminado ako, nabulag ako, nasabik ako pero lahat ng iyon ay tapos na’t nasubukan ko na. Nagkamali na ako at doon tayo natututo, ‘di ba, sa mga pagkakamali natin? Ngayong nakita ko na ang lahat, napagtanto kong ikaw lang ang lalaking para sa akin. Tapos na ako sa mga kalokohan ko. Handa na ulit akong magseryoso sa’yo,” paliwanag muli ni Joy sa lalaki at mabilis niyang niyakap ito.

“Handa akong ligawan ka at patunayan na hindi na kita iiwan,” dagdag pa niya sa lalaki.

“Joy, hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin. Pasensya ka na kung hindi ko iyon naibigay sa’yo dahil alam kong hindi ‘yun ang tama. Pero iyon ang pinili mo at ang kapalit nun ay wala na ako, wala na tayo. Hindi ako ang para sa’yo at mas lalong hindi ikaw ang para sa akin. Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi basta basta lamang sinasakripisyo para sa panandaliang kaligayahan. Hindi ako reserbang pagkain na pwede mong balikan kung kailan mo gusto. Mahal kita, Joy, pero hindi lang iyon ang kailangan sa isang relasyon. At higit sa lahat, ang tiwala natin sa isa’t isa, wala na,” sagot ni Kevin sa kaniya at mabilis siyang tinalikuran.

Hindi malaman ni Joy kung saan siya pupunta dahil ngayon lamang niya napagtanto na buong buhay niya’y nakasandal lamang siya sa mga lalaking nakakarelasyon niya. Ngayon sumampal sa kaniya ang katotohanan na kahit minsan ay hindi pa siya tumayo sa sarili niyang mga paa.

Malinaw na malinaw sa kaniya na sinayang niya ang pagmamahal ni Kevin para lamang sa tawag ng laman. Ilang beses pang sinubukan ulit ni Joy na suyuin ang dating nobyo ngunit hindi na sila muling nagkaayos pa. Hanggang sa ikinasal na ito at nagkaroon ng sariling pamilya habang siya naman ay parang binabato ng karma dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatagpuang matinong karelasyon.

More Stories