Tiniis ng Binata ang Nararamdaman sa Dalaga Dahil Isa Lamang Itong Tsimay; Magugulat Siya sa Totoo Nitong Pagkatao

“Kung mabibihisan ay hindi mo aakalain na isang katulong ang babaeng ito,” manghang sambit ni Owen sa isip habang pinagmamasdan ang bago nilang kasambahay.

Bukod sa hubog ng katawan ay maganda at maputi rin ang kutis ng dalaga kaya kapag nakikita niya ito’y ‘di niya maiwasang mapatulala kaya naisip niyang makipagbiruan dito.

“Uy, ang sipag naman! Maganda na, magaling pang magtrabaho!” wika ni Owen sa kasambahay habang naglilinis ito sa sala.

Napatingin ito sa kanya at nakipagbiruan din. Kalog rin kasi ito at marunong makibagay.

“Talaga po sir? Eh, ‘di nai-in love ka na sa akin niyan?” natatawang tanong ng dalaga.

“Oo nga, eh, nakakalagnat nga ang mga titig mo sa akin,” patuloy na pagbibiro ng binata sa kausap.

“Ganoon ba, sir? Eh, ‘di gagamutin kita ng aking mainit na yakapsul at kisspirin!” tugon ng kasambahay.

Sa una ay kinagigiliwan pa niya ang bagong kasambahay dahil marunong itong sumagot sa mga biro niya ngunit habang tumatagal ay nagsisimula na siyang mayamot sa dalaga.

Advertisement

“Parang nahuhulog na yata ang gag*ng ito sa akin ah! Panay ang pag-aasikaso sa akin na may halong paglalambing. Para na akong ginagawang bata kung pagsilbihan, nakakaasar na!” inis na sabi ni Owen sa sarili habang pinapaypayan pa siya ng dalaga sa pagkain niya.

Minsan nga ay bigla na lamang itong pumasok nang walang paalam sa banyo habang siya ay naliligo.

“Ano ka ba naman, Kristel! Kita mo’t narito ako sa banyo, eh, bigla ka na lang paparito!” sigaw niya sa dalaga.

“A-ay, sorry po, sir! Maglilinis sana ako sa banyo, ‘di ko naman alam na nariyan kayo sa loob. Sa susunod ay magsara kayo ng pinto,” tugon ng kasambahay.

“Aba at sumasagot pa! Naiinis na talaga ako sa kanya!” gigil na bulong ni Owen sa sarili habang naghihilod ng katawan.

Nang malaman iyon ng kanyang mga kaibigan ay kinantyawan pa siya ng mga ito.

“Iyon ang mga palatandaan na in love siya sa iyo, pare!” pang-aasar na sabi ng kaibigan niyang si Alexis.

“At hindi lang in love, pat*y na pat*y pa sa iyo!” sabad pa ng kaibigang si Ronald.

Advertisement

Mas lalong nabuwisit si Owen.

“Ano siya sinusuwerte?! Tsimay lang namin siya, ah! At never ko siyang papatulan ‘no!” inis niyang sambit sa mga kaibigan.

“Ow, talaga ba? Baka kamukat-mukat mo niyan kayong dalawa na ang nagkatuluyan,” hirit pa ni Alexis.

Kinagabihan, habang nakahiga siya sa kama ay hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng mga kaibigan niya dahil sa kamalasan ay waring malapit na sa katotohanan ang mga birong iyon sa kanya ng mga ito.

“Pero hindi iyon mangyayari! Ano na lang ang sasabihin ng aking mga kakilala at iba pang kaibigan na ako na may mataas na pinag-aralan at nabibilang sa mayamang pamilya ay babagsak lang sa isang tsimay!” wika niya sa isip.

Kaya bago pa tuluyang masakop ng pag-ibig ang puso ng binata ay naisip niyang umalis muna sa bahay nila.

“Mommy, magbabakasyon muna ako kina Auntie Rosanna sa Bicol! Mga ilang linggo lang naman po ako roon!” paalam niya sa inang si Donya Natalia.

“Sige, hijo. Humayo ka na at baka gabihin ka pa sa biyahe. Mag-iingat ka, ha?” sagot ng mabait niyang ina.

Advertisement

Ngunit ilang araw pa lang siyang nagbabakasyon sa probinsya ay gusto na niyang bumalik agad sa Maynila. Hindi talaga maalis sa isipan niya si Kristel. Hinahanap-hanap niya ang presensiya ng dalaga. Hindi siya masaya kapag hindi ito nakikita. Aminin man niya o hindi ay tuluyan na talagang nasakop ng pag-ibig ang kanyang puso. Mahal na niya ang kanilang kasambahay.

“Diyos ko! Hindi na basta-basta ang nararamdaman ko sa kanya. Nahulog na talaga ang loob ko kay Kristel. I love her,” bulong ni Owen sa sarili.

Pilit pa rin sana niyang paglalabanan ang espesyal na nararamdaman sa dalaga, pero siya rin ang nahirapan sa bandang huli hanggang sa hindi na siya nakatiis at bumalik na siya sa Maynila para ipagtapat kay Kristel ang kanyang nasasa-loob. Laking gulat naman nito nang malaman na umiibig na siya rito.

“Hindi ko alam kung paano ito nangyari, basta naramdaman ko na lamang na narito ka na sa aking puso at hindi ka na maalis,” hayag ng binata.

“O-Owen…” tangi nitong nasabi.

Ilang minutong katahimikan ang sumunod bago muling nagsalita si Kristel.

“Ang totoo’y mahal na rin kita, Owen. Noon pang dumating ako sa inyo bilang kasambahay ay nahulog na ang loob ko sa iyo ngunit m-may hindi ka pa nalalaman tungkol sa aking pagkatao, Owen,” sambit ni Kristel.

“Iyon naman pala, eh, mahal mo rin ako. Wala akong pakialam kung sino ka man o ano man ang iyong nakaraan. Ang mahalaga ay nagmamahalan tayo,” tugon ng binata.

Advertisement

“H-hindi kasi totoong kahirapan ang nagtulak sa akin upang manilbihan sa inyo,” wika ng dalaga sa seryosong tono.

“A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Owen.

“Lumayas ako sa amin at lumuwas dito sa Maynila dahil ibig akong ipakasal ng aking mga magulang sa lalaking hindi ko naman mahal,” bunyag ni Kristel.

“Ganoon ba? Hayaan mo, tutulungan kitang makabalik sa inyo. At para hindi ka na nila muling pilitin na ipakasal sa lalaking iyon ay tayo ang magpapakasal. Kahit ilihim lang muna natin. Saka natin ipapaalam kina mommy at daddy kapag naayos na ang iyong problema sa mga magulang mo,” tugon ng binata sabay hawak sa mga kamay ng babaeng iniibig.

Napaluha si Kristel sa sinabing iyon ni Owen.

“Talaga? Magagawa mo ‘yan sa akin?” tanong ng dalaga.

“Oo, Kristel, ganyan kalaki ang pag-ibig ko sa iyo,” sagot naman ng binata.

Dahil mahal din ni Kristel si Owen ay pumayag siyang maikasal nga sila nang lihim. Pagkatapos ay umuwi siya kasama ang asawa sa bahay ng mga magulang niya. Nang marating ni Owen ang lugar kung saan nakatira si Kristel ay mas nasorpresa ito sa natuklasan. Gaya ng lalaki ay isa rin palang tagapagmana ang babaeng pinakasalan at nanggaling din sa mayamang angkan sa probinsya. Isa pala itong heredera. Nang malaman ng mga magulang ni Kristel ang kanilang ginawang pagpapakasal ay wala na ring nagawa ang mga ito.

Advertisement

“Nariyan na ‘yan, eh, wala na kaming magagawa,” wika ng ama ni Kristel na si Don Aurelio.

“Mahalin mo at pakaingatan lang ang aming anak, hijo,” sabad naman ng inang si Donya Isabel.

“Salamat, mama, papa. Ipinapangako ko na hindi kayo magsisisi sa pagtanggap kay Owen,” sagot ni Kristel sa mga magulang.

Nang magkasarilinan ang mag-asawa ay ‘di pa rin makapaniwala si Owen.

“Ang ibig mong sabihin, inyo ang napakalawak na lupaing ito?” tanong ng mister.

“Oo. Tulad mo, mayaman din kami kaya nga sina mama at papa ang pumipili ng mapapangasawa ko. Baka raw kasi pera lang ang hangarin sa akin ng lalaking iibigin ko, eh. Kung isang mahirap lang ang inibig ko at ako’y kanyang ipaglalaban at mamahalin din ng totoo’y handa kong talikuran ang lahat ng mayroon ako ngayon ngunit bigla ka namang dumating sa buhay ko at sa iyo ay parang hindi rin nabigo ang aking mga magulang dahil ang tulad mo ang pangarap nilang lalaki para sa akin,” tugon ni Kristel sa asawa.

“Mas hindi ako nabigo sa iyo, mahal ko, dahil hindi ang pagiging mayaman mo ang nagustuhan ko sa iyo, kundi ang kabutihan ng iyong puso,” hayag ni Owen sabay halik sa labi ng pinakamamahal niyang maybahay.

Ipinagtapat din nila sa mga magulang ni Owen ang lihim na pagpapakasal at ang tungkol sa tunay na katauhan ni Kristel. Sa una’y nagulat din ang mga ito ngunit naging masaya rin sa nabuong pag-ibig sa pagitan ng dating mag-amo. Namuhay na masaya ang dalawa na pinagkalooban ng dalawang anak na kanilang magiging tagapagmana.