Inday TrendingInday Trending
Hilig ng Lalaki ang Magpakita ng Kanyang Hinaharap sa mga Estranghero, Tiklop Ito Nang Mahanap ang Katapat Niya

Hilig ng Lalaki ang Magpakita ng Kanyang Hinaharap sa mga Estranghero, Tiklop Ito Nang Mahanap ang Katapat Niya

Binata pa lamang si Bobby ay pantasya niya na ang pagpapakita ng kanyang ari sa mga estranghero. Hindi maintindihan ng mga magulang niya kung bakit niya ito ginagawa kaya naman agad silang nagpakonsulta sa doktor ng pag-iisip.

“Hindi po nag-iisa ang anak ninyo. Ang tawag sa kalagayan niya ay Exhibitionistic Disorder. Matinding ligaya ang nararamdaman nila sa tuwing may estrangherong mapapakitaan ng ari nila. Maaari po ninyong subukan ang pagbibigay ng mga gamot na makakabawas sa kanyang makamundong pagnanasa,” payo ng doktor sa mga magulang ni Bobby matapos suriin at kausapin ang binatang 16-taong-gulang.

Lumabas na ang doktor at naiwan ang mag-asawang si Bernie at Paula.

“Ano, mahal? Bibilhan ko na si Bobby, ha? Kahit magastos, kung makakatulong naman sa ating anak e kakayanin kong iraos iyon,” wika ng inang si Paula sa asawa.

“Nako! Tumigil kayo! Kakastiguhin ko lang ‘yan. Hindi ako naniniwala sa mga ganiyan. Lumalaking manyakis lang ang anak mo. Papatikimin ko ng kamao,” gigil na sagot ni Bobby. Pahiyang-pahiya na kasi siya dahil dumarami ang pumupunta sa kanilang bahay upang magreklamo sa kamanyakang ginagawa ng kanyang anak.

Umuwi na ang mag-anak. Dahil si Bernie ang madalas nasusunod sa kanilang bahay, hindi na nila binili ang mga gamot na ni-reseta ng doktor.

“Bobby! T*rantado ka ba? Bakit palagi mong ipinakikita kung kani-kanino iyang t*ti mo?!” sigaw ng ama ng binata.

Hindi sumasagot ang binata. Nakayuko lamang ito habang binubungangaan ng kaniyang ama. Hindi na nakapagpigil si Bernie at inilabas ang kanyang sinturon at pinaghahampas si Bobby.

“Tama na! Diyos ko, tama na! Ako na ang bahala. Utang na loob, tama na!” umiiyak na pakiusap ni Paula. Awang-awa siya sa kanyang nag-iisang anak.

“Bahala kayo! Hindi titino ‘yang anak mo kung palagi mong kinukunsinti,” ‘ika ni Bernie nang humarang na si Paula sa kanyang harapan.

Lumipas ang mga taon, at kahit anong pagdidisiplina ni Bernie ay walang pagbabago sa pag-uugali ng binata.

Isang araw, tulad ng dati ay sumakay ng bus si Bobby upang pumasok sa kanyang trabaho. Tayuan na ang mga tao sa bus, kaya tuwang-tuwa na naman si Bobby nang makakita ng isang magandang dalaga na nakaupo sa may dulo ng bus. Agad niya itong tinapatan at dahan-dahang binuksan ang zipper ng kanyang pantalon. Inilawit na niya ang kanyang ari habang nakatitig sa dalaga.

Nang makita niyang napapansin na ito ng dalaga, lalo siyang nasiyahan dahil paulit-ulit pang tumingin ito sa kanyang ari.

Hindi mapigilan ni Bobby ang pag-ngiti sa labis na sarap na nararamdaman sa kaniyang pangmamanyak. Ngunit lahat ng ito ay napalitan ng luha at hinagpis nang dahil sa ginawa ng dalaga.

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi namalayan ng iba pang pasahero ng bus na nakahiga na at namimilipit sa sakit ang binata. Takang-taka ang mga tao dahil puro dugo rin ang pantalon nito.

“T*ngna mo! Manyakis ka, g*go! ‘Yan ang nararapat sa’yo. Sira ulo!” sigaw ng magandang dalaga habang hawak-hawak pa ang matalim na kutsilyo na ginamit niya upang putulin ang nakalawit-lawit na ari ng binata.

Nanlaki ang mata ng mga tao nang makita nga sa sahig ng bus ang putol na ari nito.

Agad dumating ang mga pulis at ambulansya nang ihinto ng drayber ang bus. Tinawagan din ng mga ito ang magulang ng binata.

“Diyos ko, anak ko!” sigaw ni Paula nang makarating sa ospital. Namutla siya nang ikwento ng mga pulis ang detalye ng nangyari.

Sinubukan pa ng ina ni Bobby na kasuhan ang dalagang namutol ng ari ng kanyang anak. Ngunit napatunayan ang mga alegasyon na nang-manyak ang lalaki sa pamamagitan ng paglalawit ng ari nito, kaya naman agad pinaboran ng batas ang dalaga.

Nabuhay si Bobby, ngunit halos mabaliw siya nang magising siya at nalamang naputol na ang ari niya.

Kinausap muli ng mga doktor ang mga magulang ni Bobby matapos ang isang buwan na pagpapagaling ng binata sa ospital.

“Sana ho kasi ay naagapaan na iyang kondisyon niya noong bata-bata pa siya kung napainom siya ng mga gamot na ayon sa kalagayan niya,” wika ng nag-aalalang doktor.

“Ayan! Sinasabi ko na e! Kung naniwala ka lamang dati sa sinabi ng doktor, hindi nangyari ito sa anak natin!”, sinisisi pa ni Paula ang asawa sa malagim na sinapit ng anak.

“Ako pa ngayon ang may kasalanan? E sa tuwing dinisiplina ko ang anak mo, wala kang tigil sa pagkampi!”

Hindi na nahiya ang dalawa at sa harap pa ng doktor nagsagutan.

“Tama na po ‘yan. Sa totoo lang ay wala na po tayong magagawa. Nangyari na po ito. Payo ko na lamang po ay mag-usap-usap kayong buong pamilya ng masinsinan upang maisaayos pa ang samahan ninyo. Nga pala, maaari nang umuwi ang anak ninyo,” wika ng nagmamalasakit na doktor.

Nang makauwi ang tatlo, naging tampulan ng kaliwa’t-kanang tsismisan si Bobby.

“Buti nga sa kanya! Ang anak ko rin noon, ginawan niyan ng kamanyakan. Sira ulo!” wika ni Aling Vicky.

“Tama! Dapat lang sa kaniya iyon, nang hindi na kumalat ang lahi niya!” sagot naman ng ka-tsismisan niya.

Nang dahil sa nangyari sa kanilang anak, at dahil na rin sa payo ng doktor, napagdesisyunan ng mag-asawa na kausapin ang anak.

Labis namang nagsisi si Bobby sa kanyang mga gawi noon. Ngunit huli na ang lahat dahil alam niyang hindi na maibabalik pa ang naputol niyang pagkalalaki.

Sa kabila ng malagim na sinapit ng kanilang anak, malaki ang natutunan ng mag-asawa. Para sa mister na si Bernie ay ang pakikinig sa payo ng mga doktor. At para naman sa misis na si Paula, na masama ang pagkunsinti sa masasamang gawi ng kanyang anak.

Patuloy na namuhay si Bobby, ngunit ngayon ay nagsimula na siyang uminom ng gamot na inireseta ng kanyang doktor. Nagsimula na rin na makita ng mga tao ang malaking pagbabago sa kaniyang pag-uugali.

Lumipas ang ilang taon at nakakilala siya ng babaeng nakatanggap ng kanyang nakaraan. Kahit pa wala siyang ari, tinanggap at minahal siya ng buong-buo ng babae. Matapos magpakasal ay nag-ampon na lamang sila ng isang batang lalaki na itinuring nilang sariling anak.

Laking pasasalamat niya na sa kabila ng mga kamalian na ginawa niya noong kabataan niya ay biniyayaan pa rin siya ng mapagmahal na asawa at butihing anak. Ipinangako niya sa sarili na palalakihin ng mabuti ang anak, at aalagaan namang mabuti ang asawa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement