Inday TrendingInday Trending
Dahil Ipinagpalit sa Iba ng Boyfriend ay Nagpalaki ng Dibdib ang Babae, Sa Huli’y Pinagsisihan Niya ang Ginawa

Dahil Ipinagpalit sa Iba ng Boyfriend ay Nagpalaki ng Dibdib ang Babae, Sa Huli’y Pinagsisihan Niya ang Ginawa

“Utang na loob, CJ, ayan ka na naman sa balak mong iyan!” nag-aalalang tanong ni Mona sa kapatid.

“Huwag ka nang kumontra, sis! Gusto kong ipakita sa g*go kong ex na nagkamali siya na iniwan niya ako!”

Iniwan kasi siya ng dating nobyo at ipinagpalit sa babaeng malaki ang dibdib. Hindi ito nakuntento sa laki ng dibdib niya. Mas click daw sa mga kalalakihan ang mga babaeng malaki ang hinaharap. Kaya isinumpa niya sa sarili na magpapalaki rin siya ng dibdib para ipamukha sa lalaking nang-iwan sa kanya na kawalan siya rito.

Hindi naman dito sang-ayon ang nakatatanda niyang kapatid na si Mona. Nag-aalala kasi ito na baka may mangyaring hindi maganda sa kanya. Pero kahit tumutol ito ay siya pa rin ang masusunod.

Nang minsan ay may nakita siyang post sa Facebook tungkol sa cosmetic surgeon na nag-aalok ng breast augmentation sa napakamurang halaga. Nag-aalok ang babae na nagngangalang Dra. Gera ng home service para sa breast augmentation sa halagang walong libo hanggang sampung libong piso. Kahit hindi naman ito lisensiyadong doktor ay dali-dali niyang pinadalhan ng mensahe sa chat ang babae.

“Magandang umaga, kailan po ba maaring makapagpa-iskedyul?’ tanong niya rito.

Agad namang sumagot ang kausap sa chat.

“Kung gusto mo ay bukas na bukas din ay pupuntahan kita sa bahay mo? Anong address mo at ako mismo ang pupunta sa iyo?” sagot nito.

Ibinigay naman niya ang address niya sa bahay at tiwalang pupuntahan siya nito. Kinaumagahan ay may kumatok nga sa pinto at nang buksan niya iyon ay lumitaw ang babaeng nakausap niya sa chat.

“Hi, madam! Ako si Gera, ako iyong kausap mo kagabi,” bungad nito.

“Ay oo, sige tuloy ka,’ aniya.

Pinatuloy niya ang babae sa bahay at pinaupo sa sofa.

“Ready ka na ba, madam na ma-achieve ang inaasam mong hinaharap?” tanong nito.

“Ready na ako! Humanda ang lalaking iyon na nang-iwan sa akin! Panghihinayangan niyang ipinagpalit niya ako sa iba!”

At sinimulan na nga ng babae ang kanyang operation balik alindog.

Matapos ang pagpapagawa sa dibdib ay masaya itong ipinagmalaki ni CJ sa mga kaibigan at sa kapatid.

“Itinuloy mo rin pala? Naku, Carolina Juana huwag na huwag kang magrereklamo kapag may nangyari diyan sa dibdib mo, ha?” inis na sabi ni Mona.

Hindi pinansin ni CJ ang kapatid na nagbubunganga pa rin sa kanya. Ang mahalaga ay balik alindog na ulit siya sa bago niyang dibdib na pagkalaki-laki. Tinitiyak niyang magugulat at luluwa ang mga mata ng kanyang ex sa bago niyang hubog.

Isang buwan ang lumipas nang biglang makaramdam si CJ ng pananakit ng kanyang dibdib. Sa sobrang sakit ay nilagnat pa siya kaya agad niyang ipinasuri ang ipinagawang dibdib sa propesyunal na manggagamot.

“Dok, ano pong resulta? Bakit po sumasakit ng sobra ang dibdib ko?” tanong niya sa doktor.

“Sumailalim ka ba sa breast augmentation?” tanong nito.

“Opo, dok, may problema po ba?”

“Tatapatin na kita, hija. Nagkaroon ng kumplikasyon ang ipinagawa mong dibdib. Namamaga ito,” pagtatapat ng doktor.

“A-ano po? “E, sa cosmetic surgeon po ako nagpagawa ng dibdib, paano po nangyari iyon?” gulat niyang tanong.

“Lisensiyadong cosmetic surgeon ba ang gumawa sa iyo niyan?”

“A, e…”

Hindi niya masagot ang tanong ng doktor dahil alam niya na sa umpisa pa lang ay hindi lisensiyado ang babaeng gumawa ng kanyang dibdib.

“Bakit kasi hindi ka muna kumonsulta sa eksperto, miss? Nagkaroon ng kumplikasyon ang dibdib mo dahil imbes na silicon gel ay silicon oil ang ini-implant sa dibdib mo at iyan ay nakakasama sa katawan.”

Pinayuhan rin siya ng doktor na dapat agarin ang pag-aalis ng silicon oil na isinaksak sa kanyang dibdib dahil kung hindi ay maari itong mauwi sa nakamamatay na sakit.

Pag-uwi sa bahay ay hindi napigilan ni CJ na mapaiyak sa sinapit niya.

“Sinabi ko na nga ba, hindi ka kasi nakinig sa akin, e!” malakas na sabi ni Mona.

“Malay ko ba na manloloko pala ang babaeng iyon, huhu!”

“Ano, papayag ka na lang ba na nakakagala pa at nakakapanloko sa iba ang babaeng gumawa niyan sa iyo?” anito.

“Magbabayad siya! Hindi ako papayag na hindi siya makulong!”

Naghain ang magkapatid ng reklamo laban kay Dra. Gera. Sinampahan nila ito ng kasong estafa at physical injuries. Hindi nagtagal ay natunton ng mga pulis ang kinaroroonan ng pekeng surgeon.

“Maawa na kayo sa akin, may pamilya ako!” pagmamakaawa ng babae.

“Sa akin ba ay naawa ka matapos mong saksakan ng kung ano itong diddib ko? Alam mo bang nagkaroon ng kumplikasyon ang ginawa mo? Pagbabayaran mo ang panloloko mo sa akin!” galit na wika niya sa babae.

Nanalo si CJ sa kaso at napatunayang nagkasala si Dra. Gera. Sa ngayon ay pinagbabayaran na nito ang panlolokong ginawa sa kanya at maging sa mga naging biktima nito.

Dahil sa kagustuhan niyang mas lalo pang lumaki ang kanyang dibdib at ipamukha na kawalan siya sa dating nobyo ay kamalasan ang inabot niya.

Natutunan rin ni CJ na huwag magpapadala sa mga nababasa sa social media lalong lalo na kung may kinalaman sa pagpapaganda ng katawan dahil baka imbes na magandang resulta ay peligro ang kahahantungan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement