Inday TrendingInday Trending
Hindi Naniwala ang Dalagang Ito na Napagsamantalahan ang Kaibigan Niya, Pagkawala pa pala nito ang Gigising sa Kaniya

Hindi Naniwala ang Dalagang Ito na Napagsamantalahan ang Kaibigan Niya, Pagkawala pa pala nito ang Gigising sa Kaniya

“Hoy, Jeen, ano bang problema mo, ha? Kanina ka pa walang imik d’yan! Sa trabaho, wala ka sarili’t nakatapon ka pa ng ulam, ano bang bumabagabag sa’yo, ha?” tanong ni Hazel sa kaniyang kaibigan sa trabaho, isang hapon nang mapansing niyang may mali rito habang sila’y kumakain.

“Hazel, napagsamantalahan ako kanina,” nakatungong sabi nito, bigla itong nagulat nang siya’y humagalpak.

“Diyos ko naman, Jeen! Huwag ka ngang gumawa ng kwento d’yan! Paano ka mapagsasamantalahan, eh, tanghali ka pumasok dito sa trabaho! Tapos tingnan mo nga ‘yang sarili mo, hindi ka naman kagandahan, kulay tsokolate’t losyang kung manamit!” sambit niya pa habang pinapakita sa dalaga ang repleksyon nito sa maliit na salamin na kaniyang hawak.

“Totoo nga, Hazel, maniwala ka sa’kin,” giit nito na lalo pang nakapagpatawa sa kaniya.

“Naku, palabiro ka talaga! Kaya magkaibigan tayo, eh! Pero, Jeen, huwag mong gawing biro ‘yan, hindi maganda sa tainga, iba na lang!” tuton niya habang akbay-akbay ang dalaga saka bahagyang nag-isip, “Eh, kung sabihin mo na lang sa akin na nadudumi ka kaya ka tahimik? Ayun, mas nakakatuwa ‘yon!” dagdag niya pa saka muling tumawa ngunit imbis na mapatawa rin ang katrabaho, bigla siya nitong nilayasan, “Hoy, teka, break time pa natin saan ka pupunta!” sigaw niya rito saka umirap at tumuloy sa kaniyang pagkain.

Dahil sa pagkabibong taglay at pagiging palakaibigan, hindi na mabilang sa kamay ang mga taong napasaya ng dalagang si Hazel. Sabi nga ng iba, pupwede raw siyang maging clown o kung hindi naman, isang vlogger, dahil nga sa angkin niya ring kadaldalan.

Ngunit, may mga tao ring naiinis sa kaniya. Minsan kasi, kahit seryosong usapan na, akala niya’y biro pa rin. Sa katunayan nga, sapilitan siyang pinag-resign ng kaniyang boss sa dati niyang trabaho sa isang hotel dahil sa pagiging insensitibo niya’t pagbibiro ng hindi akma sa mga nakatataas doon.

May pagkakataon kasing pinagsasabihan na siya sa ugaling mayroon siya ngunit imbis na humingi ng pasensiya, biniro niya pa ang kaniyang boss sa suot nitong neck tie na may matingkad na kulay. ‘Ika niya, “Boss, sigurado ako kita ka sa planetang Mars dahil sa neck tie mo,” dahilan upang magtawanan ang kaniyang mga katrabaho’t siya’y mapatalsik din noong araw na ‘yon.

Ngunit tila likas na talaga sa kaniya ang ugaling ‘yon, kaya naman nang muli siyang makatagpo ng trabaho, hindi pa rin siya natuto.

Noong araw na ‘yon, pagkatapos niyang kumain at maalalang iniwan siya ng kaibigan, ‘ika niya, “Hindi kita sasabayan sa pag-uwi, nilayasan mo ako, ha?”

Kaya naman, nang dumating na ang oras ng kanilang uwian, agad siyang sumibat at hindi na hinintay ang kaibigang lugmok na lugmok pa rin.

“Talagang pinaninindigan niya ang pag-arte niyang malungkot ngayon, ha? Nagpapapansin ba ‘yon? Siya, mapagsasamantalahan? Kalokohan! Kayang-kaya niyang manglaban, eh!” sambit niya sa sarili habang siya’y naglalakad pauwi.

Ngunit kinabukasan, pagkagising na pagkagising niya, agad siyang napabalikwas nang mabasa ang mensaheng padala ng kanilang boss na nagsasabing si Jeen daw ay wala ng buhay ayon sa pamilya nito na labis niyang ikinagulat.

“Te-teka, hindi nagbibiro si Jeen? Totoo bang napagsamantalahan siya? Diyos ko!” wika niya saka agad na nagbihis at nagtungo sa bahay ng kaniyang kaibigan.

Nadatnan niya roon ang pamilya nitong umiiyak sa harap ng kabaong nito. Sinilip niya ito sa kab*aong upang masiguradong ito nga ang kaibigan niya at ganoon na lang siya nanghina nang makita ang bakas ng lubid sa leeg nito.

“Jeen, gising ka na? Ipaglalaban natin ‘yan, pasensiya ka na’t hindi ko nagawang pakinggan ka. Pangako, gagawin ko ang lahat makamit mo lang ang hustisya mo,” iyak niya habang yakap-yakap niya ang kabaong nito.

Doon niya napagtantong hindi talaga lahat ng bahay ay biro. Ipinangako niya sa sariling magiging sensitibo na lalo na sa mga ganitong usapan.

Noong araw ‘yon, wala na siyang sinayang na oras. Ginawa niya nga ang lahat upang malaman kung sino ang gumahasa sa naturang dalaga.

Tiningnan niya ang lahat ng CCTV camerang nakakabit sa kanilang buong barangay at doon niya nakitang ang huling kumausap sa kaniyang kaibigan ay ang tiyuhin nitong kagagaling lang sa kulungan. Ang sumunod na bidyong nakita niya na lang ay ang pag-iyak nito sa kalsada habang naglalakad mula sa eskinita kung saan naninirahan ang tiyuhin nito.

Sinabi niya ito sa mga magulang ng dalaga, at hindi nagdalawang-isip ang mga ito na humingi ng tulong sa mga pulis. Sakto namang may isang saksi pala sa panghahal*y na ito dahilan upang tuluyang makulong ang lalaking iyon.

Masaya man siyang nabigyan niya ng hustisya ang pagkawala ng kaibigan, habambuhay na pilat naman ang dala nito sa kaniya.

Advertisement