Minamaliit ng Kumareng Matapobre ang Sahod ng Kanyang Anak Bilang Factory Worker, Sa Huli’y Kakaibang Supalpal ang Naranasan Nito
“Magkano ba talaga ang sinasahod ng anak mo? Sabi kasi ng anak ko, mababa lang daw ang sahod ng isang factory worker,” usisa ng kumare ni Aling Loida. “Hindi ko alam eh. Hindi kasi ako nakikialam sa sahod ng anak ko. Kung magkano ang ibigay niya sa akin ay ipagpapasalamat ko na,” mapagkumbabang tugon ng ginang sa kaibigan. “Ay naku siguro wala pa sa isang libo sa isang buwan ang bigay niya sayo. Sa akin kasi tatlong libo isang buwan ang suporta niya sa akin eh,” alma pa rin nito. Hindi na lamang kumibo ang ginang. Sa isip niya’y hindi niya na dapat patulan pa ang pagyayabang nito dahil hahaba lang ang usapan nila. Nagpaalam nalang siya dito na mauuna na dahil naghihintay na ang anak niya sa bahay. Si Aling Loida ay binubuhay na lamang ng kanyang anak na si Linette bilang factory worker. Hindi niya naman tinatanong ang anak kung magkano ang sinasahod nito pero maligaya siya dahil hindi nakakalimot ito na mag-abot abot sa kanya ng pera sa tuwing sahod. Ito rin ang nagba-budget ng pera dahil ito ang nagbabayad ng mga bills at upa ng bahay. Kaya naman sa isang libo na pagbibigay nito sa kanya sa isang buwan ay wala na siyang reklamo. “Anak, kumain ka na baka ma-late ka sa trabaho,” tawag nito sa anak na kasalukuyang naghahanda na sa pagpasok. “Opo, nay.” Ilang araw ang lumipas ay ganoon pa rin ang pangungulit sa kanya ng kumare. Pilit pa rin nitong kinukumpirma kung magkano daw ang sahod ng kanyang anak. Dati kasing magkaibigan ang anak niya at ang dalaga rin nitong anak na si Jessa. Ngunit may hindi ‘ata pinagkaunawaan ang dalawa kaya ngayon ay hindi na nag-uusap. “Gusto kasing malaman ng Jessa ko kung mas mataas na ba ang sahod niya sa first honor nila noon,” sinabayan pa nito ng mapang-uyam na tawa ang sinabi. Ayon dito ay isa na daw Supervisor si Jessa sa isang Food Factory. At dahil sa mataas na posisyon ay palagi itong inihahambing ng ina sa kanyang anak. Noong hapong iyon ay maagang umuwi ang kanyang anak na si Linette. Kinabahan siya dahil baka natanggal ito sa trabaho, katakot-takot na panlalait na naman ang aabutin niya sa kumare. “Anak, bakit ang aga mo?” Ngumiti ang dalaga, “Napromote po ako, Nay.” Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang kasiyahan, “Talaga anak? Diyos ko, salamat sa Diyos!” “Aayusin ko lang po ang mga requirements ko,” ika nito. “At saka nga pala ‘nay, magready po kayo ng mga susuutin niyo.” “Ha? Para saan anak?” tanong niya dito. “Ipapasyal ko po kayo dun sa magandang hotel sa Tagaytay. Doon na po tayo matutulog. Nagka-bonus po kasi ako sa magandang performance ko.” “Talaga anak?” tuwang-tuwa si Aling Loida sa narinig. Matagal niya nang pinangarap na makapunta sa magandang hotel sa Tagaytay. Akala niya’y hanggang pangarap nalang iyon, “Salamat anak, tinupad mo ang pangarap ko.” “Wala po ‘yun, nay. At saka ito po,” iniabot nito sa kanya ang isang bank passbook. “Ano ‘to ‘nak?” “Tignan niyo po. Regalo ko po ‘yan sa inyo para sa nalalapit niyong kaarawan.” Nang tignan niya ang libreta at ganoon nalang ang panggilalas niya nang makita ang napakalaking halaga, “Kelan mo pa ‘to inipon?” “Sa tuwing sahod ko po. Sabi ko sa sarili ko noon dapat within 5 years ma-promote na ako at mabigyan kita kahit sampung libo bilang regalo. Hindi ko po akalaing aabot ng ganyang kalaki ang maiipon ko. Isa lang po ‘yan sa kabayaran ko sa pagpapalaki niyo sa akin ng maayos, Nay.” Maluha-luhang niyakap ni Aling Loida ang kanyang anak. Talagang napakaswerte niya dito. “Ehem! Mauuna na ako mare, baka ipasyal din ako ng anak ko kahit sa mall lang,” nagulat si Aling Loida. Nakalimutan niyang nandun nga pala ang kanyang kumare. Masyado siyang nadala sa emosyon sa labis-labis na regalo ng kanyang anak. “Sorry, mare nandyan ka pa pala.” “Oo kanina pa, good for you. Swerte ka sa anak mo. Si Jessa hindi ako maiisipang regaluhan ng ganyang bagay. Hay sige na mare, mauna na ‘ko,” natawa na lamang ang mag-ina sa sinabi ng matapobreng ginang. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.