Ipinagtataka ng mga Anak Kung Bakit Nawawala ang Ina sa Tuwing Gigising Sila sa Umaga, Kakaibang Sakripisyo Pala ang Tinutunguhan Nito
“Asan si nanay?” tanong ni Kiray sa mga kapatid niya pagkagising sa umaga. “Wala pa nga eh,” sagot naman ng nakababata niyang kapatid na si Angge. Lima silang magkakapatid at dahil hindi ‘ata uso sa mga magulang niya ang salitang family planning ay sunod-sunod rin ang edad nila. Siya na ang pinakamatanda sa edad na trese samantalang ang pinakabata ay sanggol pa. Kamakailan lang nang nilayasan sila ng kanilang ama na sumama sa ibang babae. Kaya naman simula nang mag-isa nalang silang binuhay ng kanilang ina ay palagi na lamang itong wala sa tuwing gigising sila sa umaga. Kung minsa’y madaling araw palang ay wala na sa tabi nila ang nanay Eme niya. Kaya naman nasanay na rin siyang inaasikaso ang mga kapatid niya bago siya pumasok sa eskwela. Dala ng kahirapan ay siya lang ang nakayanan ng ina na mapag-aral. Samantalang ang mga kapatid niya ay tambay lang sa bahay at ang sanggol nilang kapatid ay “am” lang o sabaw ng sinaing ang dinedede. Hindi mawala sa isip niya ang kanyang ina tuwing bago siya matulog. Hindi niya kasi alam kung ano nga ba ang ginagawa nito sa tuwing lalabas. Basta pag-uwi nito ay may pang-ulam na sila. Isang gabi ay sinadya niyang hindi matulog upang bantayan talaga ang nanay niya. Bandang alas-kwatro ng madaling araw ay bumangon na ang ina sa higaan. Naghilamos lang ito at uminom ng tubig bago umalis. Dahan-dahan niyang sinundan ito. Nakita niyang patungo ito sa dagat. Kinakabahan man ay nagpatuloy pa rin siya sa pagsunod sa ina. Hanggang sa makarating sila sa tabing-dagat kung saan dumadaong ang mga mangingisda. Nakita niya kung gaano matiyagang nanghihingi ang ina ng mga isda sa bawat bangka. Halos magmakaawa na nga ito bago pa bigyan ng kakarampot na isda. Nang makitang sapat na ang isdang nahingi ay umalis na doon ang ina. Akalay niya’y uuwi na ito sa kanila pero nagkamali siya. Nag-ikot pa ito at saka nilako ang isdang hiningi. Tila dinudurog ang puso niya sa isiping ganito ang araw-araw na sakripisyo ng ina para sa kanila. Hindi namalayan ni Kiray na napaluha na pala siya sa nakikita. Nagdesisyon siyang lapitan ang ina. “Nay, ako na po…” nagulat ito nang makita siya. “Salamat po sa pagbuhay niyo sa amin. Tulungan na po kita, Nay.” Doon ay sabay nilang nilako ang isdang hiningi ng nanay niya at sabay rin silang umuwi na may dalang masarap na ulam. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.