Nahuli ng mga Anak na Niloloko Sila ng mga Magulang Tungkol kay Santa Claus, Ngunit Naging Kakaiba ang Pagtanggap Nila sa Pagsisinungaling na Ito
Tatlong taon na ang nakalilipas nang simulan ng mag asawang Carlos at Erlin na ituro sa dalawang anak na babae ang tungkol kay Santa Clause, gusto kasi nila ay maranasan ng mga ito ang excitement tuwing gigising sa umaga at may lamang candy o laruan ang medyas na isinabit ng mga ito noong nakaraang gabi. Anim na taong gulang ang panganay nilang si Carlin at apat naman ang bunsong si Cathy. Iba ang tuwa ng mga bata tuwing pinag uusapan si Santa Claus, balak nilang paniwalain ang mga ito hanggang nasa tamang isip na ang dalawa. Sa ngayon, sapat na sa mag-asawa ang ngiti sa mukha ng mga anak. “Mommy, tingin mo kaya alam ni Santa na gusto ko ng chocolate? Ang galing niya, kasi nahulaan niya ang favorite ko.” sabi ng panganay na si Carlin. “Oo naman anak, alam din niya kung mabait o salbahe ang isang bata.” sagot ni Erlin sa kanyang anak. “Mommy, bigyan natin si Santa ng cookie namin ni Ate Carlin,” sabi ng bunsong si Cathy. Natawa naman si Erlin sa winika ng anak, proud din siya dahil mapagbigay ito. Sabay sabay nilang isinalansan ang dalawang pirasong cookies para kay ‘Santa Claus’ sinamahan pa nila iyon ng gatas, para naman daw mabusog ito sabi ng mga bata. Kinagabihan ay dahan dahan ang mag asawa papunta sa kwarto ng mga bata, itinext na ni Erlin kay Carlos kung ano ang bibilhing chocolate para sa mga bata, para bago ito umuwi ay makadaan ang lalaki sa tindahan. Nagulat sila nang pagkailngon nila ay nakatitig sa kanila ang dalawang anak, nagising na pala ang mga ito. “A-ah, Carlin, Cathy, inaayos lang ni m-mommy at daddy ang mga medyas,” natatarantang sabi ni Carlos. “Kayo po ang naglalagay niyan diba? Wala naman si Santa diba?” dire diretsong tanong ni Cathy. Hindi naman nakasagot ang mag asawa, paano ba nila lulusutan ito? Akala nila ay magagalit ang dalawang bata pero sa halip ay tumakbo ang mga ito papalapit sa kanila. “Anak, sorry. Gusto lang naman namin ni daddy na mapasaya kayo.” nakatungong sabi ng ina. “Alam naman po namin ni Cathy, dati pa.” sabi ni Erlin. Gulat na napatingin naman dito ang mag asawa. “Gusto lang din po namin na mapasaya kayo. Kasi alam namin na kapag naka-smile kami, masaya kayo ni daddy. Pero alam po namin na kayo si Santa Claus, at kayo din po ni daddy ang pinakamagandang gift sa amin ni God.” Hindi makapaniwala ang mag asawa sa naging reaksyon ng kanilang mga anak. Alam nila, na tama ang naging pagpapalaki nila.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.