Inday TrendingInday Trending
Halos Sambahin ng mga Kamag-anak ang Lalaking Ito nang May Pera Pa Siya, Ngunit nang Mawala ang Lahat ay Tinuring Siyang Parang May Nakakahawang Sakit

Halos Sambahin ng mga Kamag-anak ang Lalaking Ito nang May Pera Pa Siya, Ngunit nang Mawala ang Lahat ay Tinuring Siyang Parang May Nakakahawang Sakit

Maganda ang takbo ng negosyo ni Odan, ang kaniyang mini grocery ay malago at dinadayo ng mga mamimili, bukod kasi sa mga supplies ay may tinda rin siyang mga ulam at meryenda. Ang lahat ng tauhan niya rito ay mga kamag-anak niya kaya napakalaki ng kanyang tiwalang hindi siya lolokohin ng mga ito. Bukod sa libreng pagkain at pa-sweldo niya pa ang mga pinsan at pamangkin, walang asawa at anak ang lalaki.

“Nako insan, kain ka naba? Hainan ka na namin teka,” tarantang sabi ng pinsan niyang si Lolet.

“Hindi na ate Let, ako na,” nakangiting sagot ng lalaki. Napakabait talaga ng kanyang pamilya, malambing ang mga ito at kahit na anong kailanganin niya ay halos magpaunahan pa sa pagtulong.

Isang gabi, halos sumakit ang ulo ni Odan sa pagkukwenta. Matagal na panahon na simula nang mag audit siya sa kinikita ng tindahan. Ngayon niya lang naisip na mas malaki pa pala ang inilalabas niyang pondo kaysa sa pumapasok na pera. Hindi niya namalayan iyon dahil masyado siyang nagtiwala.

Agad niyang pinatawag ang Ate Lolet niya upang tanungin sana ito at hingiin ang mga resibo pero biglang nagalit ang babae, pinagbibintangan niya raw. Kinabukasan ay hindi na pumasok ang Ate Lolet niya maging ang tatlong anak nito na nagtatrabaho rin sa mini grocery.

Unti-unting bumagsak ang negosyo at wala nang natira sa ipon ng lalaki. Pati ang ilan pang natirang kamag-anak na nagtatrabaho sa kanya ay nag alisan na rin kahit isang beses lang naman siya pumalya sa pagpapasahod sa mga ito. Naisipan niyang dumaan sa bahay ng ate Lolet niya noong araw na iyon upang humingi sana ng kaunting kanin lamig pero matanaw palang siya nito ay dali-dali na nitong isinara ang mga pinto maging bintana. Napailing na lang ang lalaki, akala mo uutangan, sa isip isip niya.

Nakasalubong niya sa paglalakad ang kanyang Tito Randy, na noo’y taga drive niya tuwing mamimili, nginitian niya ito pero nagmamadaling naglakad ang lalaki habang diretso ang tingin na tila ba walang nakita.

Noon lang nagising ang lalaki, habang minamasdan ang nakasarang tindahan. Nagkamali siya sa naisip noon na maswerte siya sa mga kamag anak, dahil makikilala mo lang pala talaga ang tao sa panahon ng kagipitan. Noon ay halos sambahin siya ng mga ito, pero ngayong walang-wala na siya ay para siyang may sakit na ketong kung ituring ng mga kamag anak.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan! Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.
Advertisement