Inday TrendingInday Trending
May Kinakasama Lamang na US Navy ang Babaeng Ito ay Tila Nakalimutan na Niya ang Kanyang Pinanggalingan, May Lihim Pala ang Lalaki na Ikinalugmok Niya

May Kinakasama Lamang na US Navy ang Babaeng Ito ay Tila Nakalimutan na Niya ang Kanyang Pinanggalingan, May Lihim Pala ang Lalaki na Ikinalugmok Niya

Isang buwan na ang nakalilipas nang lumipat si Grace sa bahay ng kanyang kinakasamang US Navy, si Tony. Retired na ito ngunit dahil sa propesyon ay matikas pa rin ang katawan, si Grace naman ay nasa 36 taong gulang pa lamang at nagtataglay ng magandang mukha na marami ang naaakit, pero mautak ang babae. Ayaw niya ng walang pera, ang gusto niya ay iyong kaya siyang buhayin at ibigay ang mga luho niya, mabuti na lang at natagpuan niya si Tony. Lahat ng gusto niya, naibibigay ng lalaki. Bagong modelong cellphone, laptop, make up, mamahaling pabango, mga damit at bag, lahat ng gustuhin niya sa mundo. Dahil sa tinatamasang ginhawa, ay nakalimot na si Grace sa kanyang pinanggalingan, hindi niya pinapansin ang mga dating kaklase kapag nakakasalubong niya ang mga ito, maging ang sariling ina niya ay kinakahiya. Taas noo palagi kung maglakad ang babae at palihim na hinuhusgahan ang bawat taong masalubong, mga mahihirap! sa isip isip niya. Kinuhang katulong ni Grace ang kanyang pinsang si Ellen, malapit siya rito simula bata pa lang sila. Wala namang kaso kay Ellen iyon, tutal ay kailangan niya rin ng pera, bagamat minsan ay nasasaktan siya kapag naririnig niyang sinasabi ni Grace sa ibang tao, “katulong namin yan,” at kung ituring siya ay parang wala silang pinagsamahan. Isang araw, naisipan nilang pumunta sa divisoria dahil di pa raw nakakapunta doon si Tony, pagbaba ng kotse ay tila diring diri si Grace na tumapak sa lupa, di maiwasang mapagbuntong hininga na lang si Ellen sa inaasal ng pinsan. Pagkatapos nilang mag ikut ikot at makailang beses na nag-spray ng alcohol si Grace, naisipan nilang kumain. “Dito na lang, diba favorite natin to pag inuutusan tayo ng tiyang na mamili rito?” sabi ni Ellen sa pinsan, tinuturo ang isang karinderya na nagbebenta ng masarap na sabaw, tamang tama at tag ulan. “No! Eww! Ellen, wag kang kakain sa mga ganyan, baka magkasakit ako dyan.” umakto pa ito na parang nasusuka. Napairap naman si Ellen. Naku, parang dati nga ang lakas mo humigop ng sabaw, ngudngod pa kita dyan eh.Sa isip isip ng katulong. Lumipas ang dalawang taon, halos lahat ng kamag anak ay nakaaway ng babae, paano kasi ay masyado na siyang tumaas at naging matapobre. Akala niya ay wala nang katapusan ang yaman niya, di niya inaasahang isang araw ay dadating ang misis ni Tony, kasal pala ito sa iba at inilihim sa kanya. Napalayas siya sa bahay na iyon at walang nakuha ni isang kusing, kakasuhan pa nga raw siya ng misis kapag nanggulo siya. Maging si Tony ay di siya naipagtanggol. Mabuti na lang at tinanggap pa rin siya ng kanyang ina kahit na maging ito ay ikinahiya niya noon. Naging tagabantay siya ng munting sari sari store. “Nako, ayan ang yabang yabang kasi , sa kangkungan naman pala pupulutin.” parinig sa kanya ng ilang mga bumibili. Hindi naman kumibo si Grace, alam niya naman kasi na nagsasabi ang mga ito ng totoo. Nakatikim lang siya ng ginhawa ay nakalimot na siya sa mga taong totoong nagmamalasakit sa kanya.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement