Inday TrendingInday Trending
May Problema sa Pagtulog ang Lalaki, Isang Misteryosong Dalaga ang Makakatulong sa Kanya

May Problema sa Pagtulog ang Lalaki, Isang Misteryosong Dalaga ang Makakatulong sa Kanya

Ilang buwan na ding tuliro ang binatang si Harry. Palibhasa’y wala pa yatang dalawang oras ang itinulog niya sa loob ng mahabang panahon. Hindi na rin maganda ang performance niya sa trabaho. Pilit niyang iniisip kung ano ang bumabagabag sa kaniya ngunit hindi niya makuha ang sagot. Maayos naman ang kaniyang buhay, may mapagmahal siyang mga magulang at mababait na kapatid. Wala din siyang love life kaya’t wala siyang sakit sa ulo.

Ilang doktor na rin ang pinakilala sa kaniya ng mga kamag-anak sa pagnanais ng mga itong siya’y tulungan ngunit tila walang epekto ang mga therapy at gamot na ibinibigay ng mga ito.

Ginawa na lamang din ni Harry na libangan ang pagtugtog ng gitara at pagkanta. Ilang orihinal na awit na rin ang kaniyang nai-upload sa Facebook. Katunaya’y nag-viral na nga ang ilan sa mga kanta niya.

Marami nang nag-offer na gawan siya ng album ngunit tila hindi pa siya handa sa mga ganitong bagay. Paano ba nama’y kulang na kulang siya sa tulog at pahinga. Takot siyang hindi magampanan ang responsibilidad sakaling papirmahin siya ng mga ito ng kontrata. Sa kagutuhang gumaling ay nagpasya siyang mag-resign na lamang sa trabaho at magpakalayo-layo.

“Pare, sa Batanes ka pumunta. Sa sobrang tahimik doon at sa sariwang simoy ng hangin… Ewan ko na lang kung hindi ka antukin.” Pagbibiro ng matalik na kaibigan nitong si Melvin.

Buo na ang plano ni Harry. Kailangan niyang pagtuonan ng pansin ang kinakaharap na karamdaman.

“Sir, wala na bang iiitim ‘yang eyebags ninyo?” Nagulat si Harry ng may biglang makiupong napakagandang babae sa kinauupuan nila ng kaibigang si Melvin sa cafeteria.

Kinindatan siya ni Melvin sabay ngumiti ng pagkapilyo-pilyo. “Bestfriend ng kapatid ko, si Tessa. Ganda no? May bahay sila sa Batanes. Doon ka na lang muna mag-stay para naman makatipid ka. Lalo na ngayon, wala ka nang work.”

Inis na inis si Harry sa kaibigan. Wala man lang pasabi na may darating palang ibang tao. Himala namang parang bigla siyang nanghina at nakaramdam ng antok. Takang-taka siya sa sarili. Habang tumitingin siya sa maaliwalas na mukha ng napakagandang babaeng ito’y para siyang nahihipnotismo.

“Huy! Kanina ka pa namin tinatanong! Lutang na lutang ka na naman!” Tinapik pa siya sa balikat ni Melvin.

“Ah.. Sorry.. Bigla akong nahilo… Ano nga ‘yon?” Lutang na lutang na saad ni Harry.

“Mabuti pa, magpahinga ka na. Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa pagbabakasyon mo. Wala namang ibang tao doon sa bahay namin. Magsabi ka lang kay Melvin para maiabot ko ang susi sa kaniya’t maihatid niya sa ‘yo.” Napakalamig ng boses ni Tessa. Para itong nakakaantok na musika sa kaniyang pandinig.

“Pasensiya ka na, Tessa.. Tignan mo, hindi na maidilat yung mata niya.. Mauuna na kami para makatulog na din muna tong kaibigan ko sa bahay nila. Ngayon ko lang siya nakitang inaantok ng ganyan.” Nahihiyang paliwanag ni Melvin sa dalaga.

“Hindi, wag kayong aalis. Mawawala ang antok niya. May insomnia din kasi ako dati. Kabisado ko na yang mga ganyan. Huwag kayong mahiya sa ‘kin.”

Hindi na mapigilan ni Harry ang antok kaya’t yumuko na ito sa lamesa ng cafeteria. Napakalakas ng tunog ng hilik nito.

Lumipas ang anim na oras, nataranta si Harry kung ano ang nangyari. Agad itong tumayo at nagmasid sa paligid.

“Pinauwi ko na si Melvin. Kinausap ko na din yung manager nitong cafe, ayos lang naman daw dahil tago naman itong puwesto natin. Itulog mo pa ‘yan. Sa kundisyon natin, mahalaga bawat minutong nakakaramdam tayo ng antok.” Malambing na pangungumbinsi ng dalaga.

Dahil kahit papaano’y nakabawi ito ng tulog, naglakas loob si Harry na kilalanin ng husto si Tessa. Ngayon lamang niya naramdaman ito. Bakit tila na love at first sight siya dito? Pero love at first sight nga ba talaga ito o sleep at first sight? Natatawang sambit niya sa sarili.

“Naku, yan na nga ba sinasabi ko. Naghahallucinate ka na ba? Tumatawa ka mag-isa?” Pagbibiro ni Tessa. “May dalawang ticket ako ngayon papunta sa amin sa Batanes. Go? Hindi naman kasi tumuloy yung kasama ko, di naapprove ang leace niya sa office. Tatlong oras na lang, flight na. Tara? Akong bahala sa mga susuotin mo. Nandoon lahat ng gamit ng kuya ko. Mukhang magkasing katawan naman kayo.”

Wala nang nagawa si Harry. Sa amo ng mukha at boses ni Tessa’y tiyak walang sinumang lalake ang makakatanggi dito.

Habang nasa eroplano’y napakahimbing na naman ng tulog ni Harry. Natatawa na lamang si Tessa sa lakas ng hilik nito. Pinagmamasdan niya ang binata. Kulang man sa tulog ay napakaguwapo pa rin nito.

“Ang ganda naman ng bahay niyo. Hindi ka lang pala mukhang mayaman… Mayaman ka talaga.” Pagbibiro ni Harry sa dalaga.

“Di ‘ba sabi mo may insomnia ka din noon? Parang narinig ko sa kuwento mo kagabi. Paano ka gumaling?” Tanong ng binata.

“Dahil sa ‘yo.” Malambing na tugon ng dalaga.

“Dahil sa ‘kin? Kung ganyan naman kaganda ang makakaharap ko’y sure ako na hindi kita makakalimutan pero wala akong natatandaang senaryo na nagkita o nagkasama tayo.” Paglilinaw ni Harry.

“Hindi mo naman kasi ako kilala. Isa lang ako sa mga nakikinig sa musika mo.” Paglalahad ni Tessa.

Tumibok ng mabilis ang puso ni Harry.

“Tuwing pinapakinggan ko ang mga kanta mo, nakakatulog ako ng mahimbing. Wala akong pakialam kahit naiinis na sa akin mga kapatid ko dahil gabi-gabi na lang ay paulit-ulit kitang pinakikinggan. Giit ng dalaga.

Nanglambot ang mga tuhod ni Harry. Ipinagtapat niya ang naramdaman nang makasama at marinig ang boses ng dalaga.

Hindi naman niya napigilan ang sarili nang ilapit ng dalaga ang mukha nito sa kaniyang mukha. Mariin niya itong hinalikan. Nang gabing iyon ay nagtalik sila.

Umaga na nang magising ang dalawa. Abot hanggang tainga ang mga ngiti ni Harry.

Mula noon ay halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Nang makakuha ng sapat na lakas ay nag-desisyong pumirma ng kontrata si Harry sa isang record label. Hindi naman na niya pinagtrabaho si Tessa.

“Ikaw ang lakas ko. Dapat ako lang ang aalagaan mo. Dito ka lang sa akin. Hanggang pamamasyal ka na lang kasama ang mga kaibigan mo pero huwag ka nang magtrabaho. Kayang-kaya kitang buhayin. Mahal na mahal kita!” Paglalambing ng binata sa nobya.

“Will you marry me, Tessa?”

Lumuluhang tumango ang dalaga. “Yes, I will marry you! I love you, Harry…”

May isang tao talagang hindi nating inaasahang darating upang bigyang direksyon ang ating buhay, gaya na lamang ni Tessa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement