Ang Tahanan ng Lola na Ito ang Takbuhan ng Isang Mag-anak sa Tuwing Tataas ang Baha, Isang Araw ay Nagbunga ang Pagtulong Niya sa mga Ito
“Umuulan na naman, mag-ready na kayo. Itaas natin ang mga gamit at baka pasukin na naman tayo ng baha,” bilin ni Bartolome sa kanyang mga anak. Malungkot naman agad ang naging reaksyon ng mga ito. Ngunit sa kabila niyon ay sinunod pa rin siya ng mga anak at nilagay na sa safe na mga lagayan ang mga importanteng gamit. Kinagabihan ay hindi nga nagmakali ang hula ni Bartolome. Dahil sa malakas na pag-ulan ay bumaha agad sa kanilang kabahayan. “Saan po tayo matutulog ngayon, ‘Tay?” tanong ng kanyang bunsong anak na si Albert. “Saan pa ba, edi d’yan kay Aling Lita. May second floor kasi sila, tayo wala.” Naawa ang lalaki sa malulungkot na mata ng mga anak. Sa tuwing nangyayari kasi ito sa kanila ay nahihiya ang mga ito, lalo na siya, dahil hindi sila kumportableng maging pabigat sa iba. Pero wala silang magagawa. Napakalayo ng evacuation center sa kanila. Delikado din iyon dahil kailangan pa nilang tawirin ang ilog bago makarating doon. Wala namang problema kay Aling Lita ang pakikitulog nila dahil ang apo lang nito ang kasama at kalaro pa iyon ng mga bata. Mabait ang matandang babae at ito pa mismo ang nagboboluntaryong patuluyin sila kapag ganitong baha na. “Maraming salamat, Aling Lita. Hayaan mo’t makakabawi rin kami sayo.” Nginitian sila ng matanda, “Naku, huwag niyong isipin iyon. Ang mahalaga ligtas kayo at may kumportable kayong tutulugan.” Hindi sila makapaniwala na napakabait ng matanda. Tila nga ito isang anghel na hulog ng langit at sinadyang tumulong sa kapwa. Kaya naman hindi nakapagtatakang mabait rin ang apo nito. Humupa ang baha at lumipas ang mga araw. Nagbalik sa normal ang buhay ng pamilya ni Bartolome. Ngunit ganoon nalang ang pagkagulantang nila nang humahapong tumakbo palapit sa kanila si Cedrick, ang apo ni Aling Lita. “Kuya Bart! Yung lola ko po…” Taranta siya sa sinabi ng umiiyak na bata, “Anong nangyari sa lola mo?” “Hindi po siya makahinga…” Dahil doo’y agad niyang tinakbo ang bahay nito. Hindi na siya nag-alangan na pumasok dito. Ang tanging nasa isip niya ay ang kaligtasan ng matanda. Doon ay nakita niyang nakahandusay na ito. Agad siyang tumawag ng ambulansya upang madala ito sa ospital. Inatake pala ito sa puso, “Mabuti nalang at nadala niyo siya agad dito. Kaya naagapan pa natin siya.” Matapos ang isang matagumpay na operasyon ay bumuti ang lagay ng matanda. Labis-labis ang pasasalamat ng kanyang apo sa pamilya ni Bartolome. “Salamat po kuya Bart, pati na rin sa inyo Albert,” humarap ito sa bunsong anak ni Bartolome. “Pinalakas niyo ang loob ko noong akala ko mawawala na si Lola sa akin.” Naramdaman ni Mang Bartolome ang paghawak ni Aling Lita sa kamay niya, “Salamat sa inyo, Bart.” Ginantihan niya ng ngiti ito, “Wala ‘yun Aling Lita. Kulang pa iyon sa lahat ng kabutihang ginawa niyo para sa amin. At saka ganoon naman talaga ang magkakapit-bahay diba, nagtutulungan?” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.