Inday TrendingInday Trending
Nagpapanggap ang Apo na Ito na Asawa ng Kanyang Lolong Ulyanin, Hindi Niya Akalaing May Maidudulot Pala Itong Maganda sa Kanilang Buhay

Nagpapanggap ang Apo na Ito na Asawa ng Kanyang Lolong Ulyanin, Hindi Niya Akalaing May Maidudulot Pala Itong Maganda sa Kanilang Buhay

Si Ico ay isang ulila mula noong bata. Sa edad niyang 17-taong gulang ay tanging lolo niya na lang ang kasama niya. Ngunit lalo siyang nagkaproblema nang maging ulyanin ito. Madalas itong magwala lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto. Tulad na lamang kapag hinahanap niya ang matagal nang yumaong asawa. Hindi malaman noon ng binata kung ano ang kanyang gagawin. Hanggang sa makaisip siya ng paraan at naging epektibo naman iyon. Isang araw nang manggaling siya sa eskwela ay naabutan niyang napakagulo ng bahay. Alam niyang sinumpong na naman ang lolo niya. “Mildred! Nasaan ka, asawa ko?” Napailing na lamang si Ico. Naaawa siya sa sinasapit ng kanyang lolo. Kaya naman agad siyang nagbihis. Mabuti nalang at naroon pa rin ang mga damit ng mama niya. Pinili niya ang bestidang pambahay. Naglagay rin siya ng itim na tuwalya sa ulo upang magsilbing kunwaring buhok niya. Matapos noon ay lumabas na siya. Nagboses babae siya, “Narito na ako, Gordo.” Agad na huminahon ang lolo niya. At saka siya niyakap, “Mildred, saan ka galing? Miss na miss kita.” Napangiti siya nang tuluyang makatulog ang kanyang lolo. Inayos niya ito sa pagkakahiga, “Lo, pasok po muna ako sa part-time job ko. Pag-uwi ko, magdadala ako ng masarap na ulam.” Payapang iniwan ni Ico ang kanyang lolo sa bahay. Tinapos niya ang kanyang trabaho. Mabilis siyang nag-out at bumili ng pinangako niyang masarap na ulam para sa lolo. Excited siyang umuwi ng bahay. Ngunit ganoon nalang ang gulat niya nang walang matanda siyang naabutan sa kanilang tahanan. “Lo? Lolo! Nasaan po kayo?” kinakabahan na siya. Wala sa buong kabahayan ang lolo niya. Kaya naman agad niya itong hinanap sa labas, “Nakita niyo po ba lolo ko?” Halos lahat ng kapitbahay nila ay walang nakapansin sa lolo niya. Gabi na rin kasi at madilim na. Hanggang sa matanaw niya ito sa may tabing kalsada. Kinakabahan siyang tumakbo palapit dito? “Lo!” hinawakan niya agad ang kamay nito. “Lolo, bakit ka umalis ng bahay. Delikado dito sa labas.” Lumingon ito sa kanya na tila hindi siya kilala, “Sino ka ba? Hinahanap ko ang asawa ko! Umalis ka!” Pinagtitinginan na sila ng madla. Napapakamot nalang siya lalo na’t hindi niya alam kung paano pahihinahunin ang matanda. Wala pa man din siyang dalang bestida. Hanggang sa makaisip siya ng paraan. Hiniram niya ang bulaklaking jacket ng isang babaeng nakatanaw sa kanila, hindi naman nagdalawang-isip itong pahiramin siya, “Lipstick meron ka?” Nakakagulat na nagpahiram rin ito ng wig na magsisilbing buhok niya. “Salamat,” wika niya sa pagmamagandang-loob ng babae. Agad niyang nilapitan ang kanyang lolo. At kahit napakaraming tao ay nagboses babae siya mapakalma lang ang lolo niya, “Halika na, Gordo. Uwi na tayo.” Huminahon ang matanda at agad siyang niyakap. Palakpakan ang mga tao sa ginawa niya. Ni walang tumawa sa mga ito, kundi paghanga ang pinaramdam sa kanya ng mga nakapaligid na tao. Nagulat pa siya nang isang matanda ang lumapit sa kanila. “Napakabuti mong apo. Ito ang address ko,” may iniabot itong calling card sa kanya, “Puntahan mo ako bukas. Ako nang bahala sa gamutan at caregiver ng lolo mo.” Maluha-luha siyang nagpasalamat dito. Alam niyang nakakahiya ang ginawa niya kanina pero para sa lolo niya, lahat gagawin niya. Laking-pasalamat niya rin sa biglang biyayang natanggap nilang mag-lolo. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement