Gabi-gabing May Sumusunod na Lalaki sa Dalaga, Nang Ipahuli Niya Ito ay Ikinagulat Niya ang Tunay Nitong Pagkatao
Si Shella ay isang dalagang hindi nakagisnan ang pag-aalaga at pagmamahal ng isang ama. Bata palang kasi siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Wala rin siyang litrato ng ama dahil lahat ng alaala nito ay sinunog na ng kanyang ina. Hindi kasi naging maganda ang paghihiwalay ng mga magulang kung kaya kailanman ay hindi na siya nagtangka pang magtanong sa ina ukol sa kanyang ama. Dahil sa kinagisnang buhay ay hindi kailanman naging kumpleto ang kanyang buhay. Tila ba sa araw-araw na dumaraan ay may kulang na parte sa kanyang puso. Ito ay ang kanyang ama. Kaya dahil doon ay nag-iisa lang rin ang kanyang kaibigan na si Yena. “Sasama ka ba sa sports fest, Shella?” tanong ng kaibigan niya. Hindi siya nakasagot agad sa tanong nito nang maramdaman niyang tila may sumusunod sa kanila. “Narinig mo ba yun?” tanong niya kay Yena. Nagtatakang tumingin rin sa likuran nila ang kaibigan, “Ano ‘yun? Wala naman ah?” Tumingin pa siya sa paligid, nang masiguradong wala namang tao sa paligid ay nagpatuloy na sila sa paglalakad. Ngunit sa ilang araw na nagdaan halos gabi-gabi niya nang naririnig ang tila yabag ng sumusunod sa kanya. Mas lalo niya pang kinatakutan iyon nang mag-isa na siyang naglalakad. Abut-abot ang kaba niya dahil doon ngunit ang tanging ipinagtataka niya ay wala namang masamang nangyayari sa kanya. Sa halip ay palagi siyang ligtas na nakakauwi tuwing gabi. “Hello Ma? Pauwi na po ako sa boarding house ko,” kausap niya sa ina sa telepono. “Opo Ma, ingat rin po kayo palagi d’yan. I love you po.” Napangiti siya nang matapos ang tawag ng ina. Miss na miss niya na ito. Kahit lumaki siya nang wala ang ama sa piling niya, hindi niya naman maipagkakailang hindi nagkulang ang mama niya sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanya. Ngunit bigla siyang napatigil sa paglalakad nang muli na naman niyang narinig ang yabag ng misteryosong taong sumusunod sa kanya. Saktong napatingin siya sa gilid ng puno kung kaya nakita niya ang anino ng lalaki sa ilalim ng ilaw. “Sino ‘yan?!” kahit kinakabahan ay sinigaw niya sa aninong nakikita. Dahil sa kuryosidad ay pasimple niyang kinuha ang ginger spray sa bag niya at saka dahan-dahang lumapit sa nagtatagong anino. “Ahh!” nagulat siya nang bigla itong lumabas sa may puno. Kung kaya naman na-sprayan niya ito sa mata. Sigaw rin ang lalaki. Nagulat siya nang tuluyang makita ang mukha nito. Isa itong matandang lalaki na tila maamo naman ang mukha. Ngunit kahit na ganoon ay tumakbo pa rin siya sa pag-aalalang baka masamang loob ito. Tumawag na rin siya ng pulis upang mas makasigurado. Sa police station na sila nagkita ng lalaking sumusunod sa kanya. “Manong pwede ho bang makita ang ID niyo?” tanong ng pulis sa lalaki. Tila alangan pa sana ito na ibigay ang ID, “Samuel Enriquez?” Napatingin siya sa pulis dahil sa sinabi nito. Pamilyar sa kanya ang pangalang iyon. Kaya naman napalingon siya sa matandang lalaking sumusunod sa kanya. Hindi na naging malinaw sa kanya ang sumunod na pinag-usapan ng mga ito. Ang tanging narinig niya lang ay ang huling sinabi nito. “Ako ang ama niya.” Hindi makapaniwala si Shella sa narinig. Ang lalaking madalas na sumusunod sa kanya ay walang iba kundi ang ama niya! “Bakit niyo naman sinusundan ang sarili mong anak, manong?” Nag-alangan ang matanda ngunit sumagot ito sa malungkot na tinig, “Dahil bukod sa namimiss ko siya ay gusto ko ring masigurong ligtas siya. Nang marinig kong lumipat siya dito sa Maynila ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na dalawin ang anak ko. Pero nahihiya ako…” humina ang tinig nito. “Kaya naman nagdesisyon nalang akong sundan siya at siguraduhin na ligtas siyang nakakauwi gabi-gabi.” Hindi makapaniwala si Shella sa mga narinig. Agad niyang niyakap ang ama at simula noo’y hindi na sila muling napaghiwalay pa. Araw-araw siya nitong dinadalaw at masayang-masaya siya dahil bukod sa ayos lang umano iyon sa kanyang ina ay hindi niya rin inakalang darating ang araw na muli silang magkakasama ng ama. Lumipas ang ilang araw at tuluyan nang binuksan ni Shella ang kanyang puso upang maging bahagi ng kanyang buhay ang ama hindi nakagisnan. Kahit napakahaba ng panahong nawala sa kanila ay naniniwala siyang kakayanin nilang mahigitan ang mga iyon. Halos linggo-linggo sila kung lumabas ng ama upang mamasyal at mas kilalanin ang isa’t isa. Masaya siyang ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng sama ng loob dito. Na ang tanging laman ng puso niya ay pagpapatawad at pagmamahal. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.